KABANATA I

4.7K 131 5
                                    

Hindi ako makapaniwala..

Hindi ito totoo, guni-guni ko lamang ito. Bakit ako nabuhay? Nabuhay ngunit sa ibang panahon. Anong nangyare?

Naalala ko pa habang nasa klase ako kanina..

Ako si Viatiere Alonzo. 16 years old. Kasalukuyang nagtuturo ngayon ang teacher namin sa AP tungkol sa mga bayani ng Pilipinas. Although napaka-common sense at corny ng topic, di ko parin maiwasang makinig. Lahat ng mga kaklase ko iba-iba ang mga ginagawa. Iilan lang sa amin ang nakikinig kay ma'am. Isinandal ko ang aking bába sa palad ko habang nakatitig sa blackboard. Doon, nakalista ang pangalan ng mga bayani. Unang una syempre si Jose Rizal, Andres Bonifacio, Antonio Luna, Emilio Aguinaldo at iba pa.

Gusto kong makinig kaso inaantok na ako. Alas dos na ako ng madaling araw nakatulog kagabi-- I mean kanina pala. Papikit na Ang mga mata ko nang hinampas ni ma'am ang hawak niyang stick sa mesa dahilan para magulat ako at matumba.

Rinig ko ang tawa nila habang inaalalayan ako ng mga kaibigan ko na si Yheza at Cj.

'Nakakahiya ka Via!!!'

"Anong problema, ayos ka lang?" matawa-tawang tanong ni ma'am

Napakamot na lang ako ng ulo at pilit na tumawa.

"Wala po ma'am, nagulat lang po ako" kabado kong wika sa kahihiyan.

Nagpatuloy na nagturo si ma'am hanggang tumunog na ang bell na hudyat para sa recess namin.

"Paalam sa inyong lahat" pagpapaalam no ma'am

"Paalam na po, ma'am Wilby" sabay sabay naming tugon

Agad akong napayuko at isinandal ang aking mukha sa armchair dahil sa antok.

"Argh, inaantok ako" pagrereklamo ko

Nag-unat si Yhezha Ng kanyang braso at sinabing," Hayy salamat ay recess na"

Lumingon naman si CJ at binigyan kami ng tamad-niyo-naman look.

"Tara labas!" anyaya ni CJ

"Kayo nalang at inaantok ako. Alas dos na ako nakatulog kanina" pagrereklamo ko

Naramdaman ko namang tumahimik sila at agad naman akong nagtakip ng panyo sa mukha para makatulog. Maya-maya'y biglang may sumapal sa mukha ko. Kaya naman agad akong napadilat at napatayo. Nakita ko naman sina Yhezha at CJ na nasa pintuan at tinawanan ako. Agad ko namang narealize na binato pala ako ng libro sa ulo. Tsk, tsk, mga demonyo talaga.

"Tara na kase" sambit ni CJ

"Langya naman oh. Oo na, wait lang" tugon ko at sinundan sila papuntang pinto.

Dumiretso agad kami sa canteen upang bumili ng pagkain. As usual, naghihingalo nanaman ang wallet ko dahil sa mahal ng tinitinda sa canteen.

'Hayss, sana ol mahal'

Siksikan sa main canteen at amoy na amoy mo ang magkahalong halimuyak ng patis at suka ng mga katawan ng estudyante dito. Kadiri mga eh, di ko tuloy mapigilang hindi huminga dahil sa asim. Naliligo pa ba sila?

Well, anong aasahan mo sa public? Pero kahit na ganito dito ay mahal na mahal ko ang lugar na ito. Halos apat na taon na akong narito at magmo-moving up na ako sa March. Hayss, mamimiss ko ng sobra-sobra ang paaralang ito.

Bumili kami ng pagkain sa Junior Canteen dahil walang masyadong tao roon. Pero yun lang, kulang sila sa sanitation kaya pili lang ang binibili namin doon. Tatlo kasi ang canteen namin. Oh diba? Kahit na ganito ang paaralan namin ay may ipagmamalaki kami. At take note ah, napakahigpit ng mga gwardya dito, bawal kang lumabas kahit may pahintulot ng teacher. Kapag pumasok ka na, literally di ka na makakalabas. Parang Hell University lang, Once you enter, there's no turning back.

Naubos namin ang aming pagkain habang naglalakad. Bigla ko namang naalala ang assignment namin kay ma'am Wilby, teacher namin sa AP. Huminto ako at humarap sa kanila.

"Guys, tara library muna tayo habang may oras pa. Tinatamad akong gumawa sa bahay, dali na. Wag niyong kalimutang sinamahan ko kayo sa canteen." sagot ko

"Oo na, sige na" sabay nilang tugon

Dumiretso na kami sa main building ng school at sa ikalawang palagpag nito makikita ang library ng school. Naglalakad, pumasok kami sa library para magbasa ng tungkol sa mga bayani ng Pilipinas. Alam kong pangelementary ang assignment na ito pero wala akong magagawa dahil ipapasa to at grade ko to. Tahimik kaming nagbasa sa loob at ang una kong binása ay ang bayograpiya ni Andres Bonifacio.

Sabi ng ibang tao ay si Andres dapat ang ating pambasang bayani. Bukod na siya ang nagtatag ng KKK, isa siyang purong Pilipino. Ewan ko ba kung bakit si Rizal, siguro kase dahil napakaimpluwensya niya. Siya Ang may-akda ng Noli me Tangere at El Filibusterismo na pinapagaralan ngayon ng Grade 9 at 10 sa kasalukuyan.

Agad naman akong napatulala sa paligid. Iniisip ko yung mga pangyayaring di natin inaasahan sa sa panahon nila. Paano kung walang bayani? Paano kung di táyo inalipin ng Espanya?

Di ko na nabasa ang ilang detalye pero may nasulat ako sa aking cellphone na mga mahahalagang detalye. Umalis na kami sa library at nagpaalam sa librarian na naroon.

Nagdaan ang mga talakayan tungkol sa ibat-ibang asignatura sa aming klase hanggang sa umuwi na kami ng 7:00 pm. Panghapon ang shift ng mga 2nd at 4th year dito kaya gabi na kami nakakauwi.

Nagpaalam na ako kay Yhezha dahil nauuna siya lagi sa paguwi. Si CJ naman ay may sundo. Luckily, kasama ko ngayon ang iba ko pang kaibigan na sina Aly at John. Sa paglalakad ay may nakita akong bata na mag-isang naglalakad sa kalsada. Nagulat kami nang may isang malaking truck na babanga sa bata. Sa puntong iyon, bigla akong napaisip. Ano ba ang buhay? Alam kong marami pa akong pangarap pero nagpapasalamat ako sa Panginoon na nabuhay ako ng 16 years. Walang alinlangang tumakbo ako ng sobrang bilis para sagipin ang bata. Narinig ko ang sigaw ng mga kaibigan ko habang papalayo ako. Nakita ko ang takot na itsura ng bata. Agad akong napatawa sa sarili ko.

Totoong saglit lang ang buhay ngunit, ang batang ito, hula ko ay mga nasa 4 years old palang siya. Di ko hahayaan na di niya maramdaman ang pagiging masaya sa highschool. Kaya...

Imbis na talunin ko ang Bata upang masalo ko siya at gumulong sa kalsada, naisip kong huli na 'yon kaya tinulak ko nalang siya palayo at pumikit ako, hinihintay na maranasan ang impact ng malaking truck na sasagasaan ako.

Agad na tumulo ang luha ko.. Ayoko pang mamatay sa totoo lang pero hindi ko dapat  isawalang bahala ang buhay ng iba.

"Diyos ko.. iligtas niyo po ako" huli kong sambit at maya-maya'y itim nalang ang nakikita kong kulay sa paligid.

Ito na ba yun? Ang sinasabing kamatayan?

Iminulat ko ang mga mata ko at nagulat ako dahil parang nasa ibang lugar ako.

'Ito na ba yung langit? Sobrang ganda, parang paraiso'

Ilang saglit pa'y may biglang sumigaw na, "Tumabi kayo!"

Pagkaharap ko ay may malaking kalesa na paparating sa harap ko.

'Nako naman, di na ako nadala. Sa mundo ko eh nasagasaan ako Ng truch tapos ngayon, kalesa naman? Jusko dai.'

Pero bago paman ako masagasaan ng kalesa ay may isang lalaking nagligtas sa akin. Sinalo niya ako at sabay kaming gumulong sa sahig. Ngayon ay nasa ibabaw ko siya.

'Phew, muntik na akong ma-hit and run'

"Hoy! Hindi mo ba wari ang iyong tinatahak?" sigaw nito sa driver ng kalesa

'Ano daw? Bat anlalim magtagalog ng mga taga-langit?'

Mga ilang segundo siyang nakapaibabaw sa akin at ako ay nakatitig lang sa kanyang gwapong mukha. Oo, gwapo siya. Kahit na kayumangging kulay ang kanyang balat ay nasa kanya ang pure na kagwapuhan.

Napatingin siya sakin at sinungitan ako. Agad siyang tumayo at naglakad papalayo.

'Okay, binabawi ko na ang sinasabi ko. Bat may demonyo sa langit?'

Inis akong tumayo at pinagpagan ang sáya ko. Teka..

'Bakit ako naka-baro't sáya?! Nasaan ba ako? Hindi pa ako patay?'

Hindi ako makapaniwala...

Reincarnated in 1880Where stories live. Discover now