KABANATA XXI

1.1K 75 2
                                    

Papalabas na ako ng silid-aralan nang bigla namang may sumigaw ng pangalan ko mula sa kalayuan.

"Catalinaaaa!"

Napalingon ako sa kaliwa at nakita ko si Fiona na tumatakbo papunta sakin. Napangisi nalang ako nang narealized kong may kadamay na ako sa kawalan ng asal. Nagtinginan ang ibang mga estudyante sa amin dahil sa lakas ng boses ni Fiona.  Agad akong sinalubong ng yakap ni Fiona at sa sobrang higpit ay hindi na ako makahinga.

"Catalinaaaa huhuu, buti nahanap na kita!" sambit niya

Iniaalis niya ang pagkakayakap sakin.

"Paano mo ako nahanap?" tanong ko

Ngumiti siya sa akin dahilan para magtaka ako. Wala namang may alam na dito ang aking silid-aralan.

"Hinanap kita. Pinuntahan ko ang lahat ng gusali hanggang sa nakita kita dito" nakangiti niyang wika

'Ay grabe, kung ako sa kaniya magtatanong nalang ako. Pero kanino nga ba siya magtatanong? Sabagay, wala rin namang ibang mapagkakatiwalaan niya kung hindi ang kaniyang sarili.'

"Salamat sa paghahanap sakin" nakangiti kong sambit

"Waah, walang anuman!"

Sabay kaming naglakad pababa ng gusali para umalis. Maraming mga estudyante na rin ang bumalik sa kanilang dormitoryo. Habang naglalakad kami ay may nakita kaming umpok ng mga estudyante sa gilid at mukhang may tinitigan sila.

"Anong nangyayari dun?" tanong ko kay Fiona

"Ah, tinitigan nila ang mga pangalan kung anong ranggo sila nakapabilang. Ayos lang kung hindi ka nakasama sa unang sampu, binibini. Naiintindihan ko dahil kakapasok mo palang sa unibersidad na ito." sagot niya

'Hmmm, pero interesado akong malaman kung sino ang top 1 sa rank ng pagsusulit para malaman ko kung sino ang aking kalaban.'

"Ah, nais kong mabatid kung sino ang nasa unang ranggo. Gusto mo ba akong samahan?" wika ko

"Si(Yes).." sagot niya

Hinila ko ang braso niya at sumiksik kami sa kumpulan ng mga estudyante. Bumungad sa harap ko ang isang malaking karatula at napahawak ako sa aking bibig sa gulat.

Narinig ko ang mga bulungan sa tabi ko.

"Sino si Catalina?"

"Kamang hamangha! Nawala sa unang pwesto si Jose ng isang binibini?"

"Anong nangyayare bakit isang binibini ang nasa unang pwesto?"

'Hindi maaari... Ang nasa unang ranggo ayon sa karatula ay.... walang iba kung hindi ako!"

"Catalina..." Tumingin ako kay Fiona na paiyak na sa sobrang tuwa.

"Manghang mangha na ako sa'yo. Pwede mo ba akong maging aprentis?" masayang sambit niya habang yakap-yakap ako

Napalingon kami nang biglang may isang lalaking sumigaw mula sa kalayuan.

"Hindi maaari! Ako? Nalagpasan ng isang binibini? Hindi makatarungan!" sigaw nito

May isang lalaki sa tabi niya na tinapik-tapik ang kaniyang likod para pakalmahin siya. Grabe g na g!

"Sino si Catalina Victoria Lopez? Sino ang babaeng iyon?!" sigaw ulit ng lalaki

'Hayss, mukhang mapapaaway pa ako nito ng wala sa oras.'

Bigla namang humakbang si Fiona na nanlilisik ang mga mata sa galit.

Reincarnated in 1880Where stories live. Discover now