KABANATA V

1.4K 83 2
                                    

Kaagad na naming inayos ang aming sarili sa pagpuntang bayan. Ang bayan kung saan ako napadpad at nakita ni Andres. Marami akong tanong sa isip ko, ewan ko nalang kung masagot. Unang una ay bakit ako napadpad dito? May misyon ba ako? Kailangan ko bang makisali sa KKK para ipaglaban ang bayan? O kaya dahil alam ko ang kasaysayan ay makakatulong ako sa kanila? Maiiwasan ang maraming kamatayan at hangad ay makalaya ang Pilipinas sa sariling kamay.

Sa ilang minutong paglalakad ay narating na namin ang bayan. Tumigil kami sa isang sulok at umupo doon si Andres.

"Anong pakay mo?" tanong ko

"Dito ang puwesto natin, Biya. Halika't tulungan mo ako sa pagpitak ng mga ipagbibili sa lapag upang masilayan na ng mga tao."

*pagpitak- pagbahagi

"Osige" sagot ko

Tinulungan ko si Andres na ibahagi ang mga item sa lapag at inisipan sila ng magandang formation. Inilalagay ko ang ibang mga dekorasyon sa ibang bahagi pero pilit itong nililipat ni Andres.

"Ano bang ginagawa mo?" inis niyang sambit

Nagcross-arms ako sa kaniya at tumiktik kasabay ng pagiling.

"Sinasabi ko na nga ba at wala kang alam sa sining. Mas mabuti pang ipaubaya mo nalang iyan sa experto. Tabi nga!" tinulak ko siya papalayo at nagsimulang ayusin ang mga item.

"Oh? At iyong isinasambit na higit kang madunong kaysa sa magtutudlo sa mga unibersidad?"

*magtutudlo- propesor

'Magtutudlo? The heck, ano yun? Baka naman magsasaka.'

"Oo" sagot ko habang abala sa pag-aayos ang mga item

"Hmmm, at saan naman galing ang kabulastugan mong iyan?"

*kabulastugan- kayabangan

'Heto nanaman ako manghuhula nanaman kung ano ang mga ibig sabihin ng mga malalalim na tagalog niya. Susmaryosep!'

"Anong ibig mong sabihin?" -palusot ng mga di nakakaintindi ng deep words.

"Iyong nabanggit na mas madunong ka, hindi ba? Paano mo naman nasabi. Pangatawanan mo ang iyong katwiran."

'Ay ganun, tulfo lang? Ano this, Ipaglaban mo segment?'

"Nag-aaral ako ng mabuti. Wala nang hihigit sa talino ng mga nag-aaral ng mabuti kaysa nagsisipag. Aanhin mo ang diskarte kung hindi mo naman ito kayang gawin." sagot ko

"Paano naman ang mga matalino na tamad? Anong laban nila sa masipag?"

"Dumedepende yon sa sitwasyon. Ikaw na rin ang nagsasabing mas makatwiran ang mga masisipag mag-aral kaysa matalinong tamad."

"Sabagay... May baligho ka"

*baligho- laban sa katwiran

Tapos ko nang i-arrange ang mga items at tuwang-tuwa naman si Mokong pero hindi niya pinapahalata.

"Oh tapos? Ano nang gagawin?" tanong ko

"Maupo at maghintay ng mga bibili" sagot niya

"Ano? Nahihibang ka na ba?"

'Huwaw, big word. Nahihibang haha.'

"Anong gusto mong gawin ko?" malamig niyang tugon

"Alam mo, para kang si Juan Tamad!"

Tinaasan niya ako ng kilay at binigyan ng matalim na tingin.

"At sino naman yaon?" wika niya

'Wew, mukhang kilala niya kung sino yun at kinokonfirm lang kung siya talaga. Well, di siya nagkakamali'

Reincarnated in 1880Donde viven las historias. Descúbrelo ahora