KABANATA IX

1.2K 76 0
                                    

Viatiere's POV

"Hoy te Alonzo, Happy Birthday!" bati ni Aly sa akin at niyakap ako

Napaluha naman ako dahil sa sobrang tuwa. Te Alonzo ang tawag nila sa akin kahit na mas bata ako sa kanila. Lakas ng trip eh tas apelyido ko pa ang ginagamit."

"Happy Birthday!" sambit ng mga kaibigan ko

'Minsan ka lang magkakaroon ng mga totoong kaibigan. Yung mga totoong magmamahal sa'yo. May mga pagkakataong may problema ka, nandiyan lang sila para tulungan ka. Kahit na ayaw mong kausapin sila, pipilitin ka nilang mapaamin kung anong problema mo'

"Heto oh" nagulat naman ako nang bigla akong tawagin. Lumingon ako at bigla namang nilabas ni Aly mula sa likuran niya ang isang paper bag at iniabot niya ito sa akin.

"Uy thank you!' sambit ko at nang buksan ko ito ay nagulat ako sa laman.

Dahil doon, umiyak nanaman ako. Ang mga laman noon ay mga sketch pad, mechanical pencil, color pencil, color pen at iba pang mga kagamitan sa pagdodrawing. Natuwa rin ako dahil may mga anime merchandise na nakalagay doon. Anime fan kase ako haha.

Dahil sa sobrang saya ko, niyakap ko sila ng sobrang higpit. Di ko alam na may pasurprise pa silang nalalaman.

"Hala umiyak na nga si te Alonzo oh!" asar ni Yhezha

"Che!" sabat ko

Ngayon ay August 12, 2019, at kahapon ay ang kaarawan ko, August 11, Sunday kase kaya hindi nila ako nabati noon.

Dahil tapos na ang break time, umalis na ang ilan kong mga kaibigan dahil magkakaiba kami ng mga section. Humarap ako kila Yhezha at Cj na kaklase ko at nakita silang malungkot.

"Anong nangyare sa inyo?" tanong ko

Hindi nila ako pinansin at bigla namang nag-glitch ang paligid. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko at nagsimula akong kabahan.

Anong nangyayare? Bakit nagiging pula ang paligid? Pinikit ko nang saglit ang mga mata ko at nang buksan ko ito. Narinig ko ang sigaw ni Aly at John mula sa kalayuan.

Huh? Bakit ako narito? Bakit parang nasa kalsada ako?

"Tumabi ka dyan! Via ano ba!" sigaw ni Aly habang umiiyak

"Via, delikado dyan bumalik ka na!" sigaw ni John habang pinipigilan si Aly na sumunod sa akin

'Ah ito pala yun.. Yung mga panahong nagpadalos dalos ako sa aking desisyon. Hindi ako nakinig sa mga kaibigan ko at nagpatuloy parin ako. Hindi ko man lang naisip na kapag nawala ako, malulungkot silang lahat. Malulungkot ang mga magulang at kapatid ko. At higit sa lahat malulungkot ang mga nagmamahal sa akin."

"Beeeeeeeeeep!" malakas na busina ng truck

Agad na naging dilim ang aking paningin. Sumikip ang dibdib ko dahil sa sobrang lungkot. Paalam sa inyong lahat, salamat dahil nakilala ko kayo.

"Biya ... Biya....."

May tumatawag sa akin... Kailangan kong tumugon.

Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata at nakita ko ang nagaalalang itsura ni Andres habang tinatapik tapik ako.

"Biya, ayos ka lang ba?" kita ko sa mga mata niya ang labis na pag-aalala

Napansin kong sa pagpikit ng mga mata ko ay may basa dito kaya naisip ko na nag-aalala si Andres dahil umiiyak ako habang tulog. Dahil naalala ko nanaman ang mga pangyayaring iyon, agad kong niyakap si Andres. Nagulat siya sa ginawa ko pero nanatili siyang kalmado habang inaalalayan ako. Napahagulgol ako dahil sa sobrang lungkot.

Reincarnated in 1880Where stories live. Discover now