KABANATA XI

1.2K 71 1
                                    

Pumikit si Andres kaya naman bigla akong kinabahan. Napatayo ako at tumawag ng mga gwardya.

"Ikaw, dalhin mo na siya sa pinaka-mamahaling ospital gaya ng ipinangako ng iyong heneral." sabi ko sabay nagturo ng isang gwardya

"Masusunod po" wika nito at tinulungang itayo si Andres.

"At isa pa" dagdag ko

Tumingin sa akin ang gwardya at tumingin din ako sa kaniya.

'May kutob akong may hindi sila magandang gagawin kay Andres habang wala ako kaya nagtitiyak lang ako.'

"May mata ako sa bayang ito. Sa oras na hindi niyo tinupad ang pangako ninyo, huwag na ninyong papangaraping buhay at ligtas Ang pamilya niyo--ay hindi ang buong angkan niyo." sambit ko

'Nanonood ako ng mga teleserye dati kaya alam ko kung paano magbanta'

"O-Opo, binibini" sagot niya

Isinakay si Andres sa kalesa nang dahan-dahan at nagsimula nang umandar ito papalayo.

'Andres... Imposible na kitang makita pa.'

Narinig ko ang pagtawag ni Nicolas sa pangalan ko kaya naman pumunta na ako sa kalesa. Tutulungan na sana ako ng isang gwardya na makaakyat pero hindi ko siya pinansin at umakyat na ako mag-isa.

'Sinong may kailangan ng tulong sa pagsakay? Para lang yun sa mga mahihina! May mga ala-ala sa katawang ito na mahina at sakitin si Catalina pero hindi ako si Catalina at iibahin ko ang takbo ng buhay niya. Kahit na papaano, makakatulong ako sa kanya bilang pasasalamat sa paghiram ng buhay niya.'

Pumasok na ako sa kalesa at umupo na. Pagkaharap ko ay nakita ko si Nicolas na nakatitig sa akin. Hindi galit or malungkot pero tingin ng nag-aalala. Naka-topless siya at walang damit kaya naman hindi ko mapigilang tumingin sa tinatawag nilang pandesal.

"Binibini, ayos ka lang? Nagdurugo ang iyong ilong" sambit niya at lumapit sa akin

Lalo namang nagdugo yung ilong ko nang mahawakan ko ang pandesal! Grabe totoo pala to? So hindi siya kathang isip lang.

"Binibini, mas nagdurugo ang ilong mo" dagdag pa nito

Binigyan niya ako ng panyo at saka tinulungang punasan ang dugo ko sa ilong. Sa kabila ng sakit niya sa likod ay nagawa niya parin akong tulungan. Ngayon ay nakokonsensya ako ng kaunti sa ginawa ko kanina. Pero tama lang iyan sa kaniya! Pinipigilan ko siya pero ayaw niyang makinig sa akin.

"Ayan, wala na"

Nabaling ang atensyon ko sa kaniya nang bigla siyang nagsalita. Ngumiti siya sa akin at dahan-dahang umupo sa harap ko.

"Sinasabi ko na nga ba't mahina parin ang katawan mo kaya dapat ay nagpapahinga ka lang" wika nito

Hindi ko na siya inabalang sagutin at tumingin nalang muna sa bintana ng kalesa. Nagsisimula na akong magtaka tungkol sa buhay ni Catalina? Anong klaseng tao siya? Ano ang mga hilig niya? May nagugustuhan na ba siya? Anong klaseng pamilya meron siya?

Gusto ko mang alalahanin ang mga bagay na ito ngunit di ko magawa. Nakikila ko si Nicolas dahil nakita ko siya. Posible kayang naalala ko lang ang mga bagay bagay dahil nakikita ko? Siguro nga, siguro kapag nakita ko ang mga taong kilala ni Catalina ay makikilala ko sila.

"Argh"

Narinig kong dumaing si Nicolas kaya naman napatingin ako sa kaniya. Nakita kong nasasaktan siya dahil sa hapdi ng latigo sa likod niya.

"Kiko, ang borlas! Nagdurugo ang likod ng ating heneral!" sigaw ng gwardya malapit kay Nicolas

*borlas-panyo

Reincarnated in 1880Where stories live. Discover now