KABANATA III

1.7K 84 4
                                    

Huminahon ka, Via, huminahon ka. Huwag mong sabihing magpapadaig ka sa mga taong 18's! Mas matanda ka sa kanila, mas marami kang alam! Bakit nagpapaalipin ka?

Napasabunot na lang ako sa aking buhok para maibsan ang kalitohang nararanasan ko. 1880 ngayon, ipinanganak si Andres noong 1863, nakalimutan ko kase yung exact date eh.

'Yan kase di ka nagaaral ng mabuti, Via! Yan ang napapalá mo.'

Oo na, oo na. Hindi ako nakikinig ng history noong elementary ngunit may alam akong kahit kaunti. 1880 minus 1863... Hmmm, 17! Disesyete ngayon si Andres at mas matanda siya sa akin ng isang taon. Sabi sa talambuhay niya ay naulila siya ng maaga. Ibig sabihin ay----- Ibig sabihin ay ulila na sila ngayon! Kawawa naman pala sila. Nawalan agad ng magulang. Siguro ay malungkot na malungkot sila ngayon at naghihirap sa sitwasyon. Samantala sa panahon ko ay wala nang pakialam ang mga kabataan sa kanilang mga magulang.

Minsan sa paglalakad ko sa paguwi ay aksidente kong narinig ang usapan ng mag-ama sa kanilang cellphone. Pinapauwi na ng tatay yung anak pero nagpupumilit yung anak na sa kaibigan niya nalang siya matutulog. Nakita ko sa mata ng tatay yung lungkot pero ano naman kaya yung nararamdaman ng anak? Sa totoo lang, nakakaawa na ang henerasyon namin.

Natigil ang aking pagmumukmok nang biglang dumating si Andres.

"Oh, bakit tila ang lalim ng iniisip mo at nakatulala ka sa durungawan?" wika niya at umupo sa harap ko.

*durungawan- bintana

Nakasandal parin ang aking bába sa palad at nakatingin sa bintana.

"Iniisip ko lang kung paano makakabangon ang Pilipinas sa pagiging alipin ng mga Espanyol"

Naramdaman kong natigilan siya sa sinabi ko. Makabayan si Andres kaya alam kong naiintindihan niya ako. Not to mention, siya ang nagpasimula ng rebolusyon sa pamamagitan ng pagbuo ng KKK.

"Bakit mo naman naitanong?" tahimik niyang tanong

Tumingin ako sa kanya ng may mapait na ngiti.

"Dahil ayokong may nakikita akong Pilipino na nahihirapan sa kamay ng mga dayuhang Espanyol" sagot ko

Agad niya namang tinakpan ang bibig ko na naging dahilan kung bakit sobrang lapit na namin sa isat-isa.

"Shh! Isara mo ang iyong masatsat na bibig at baka may makaulinigan ng iyong mga pahayag"

*masatsat- madaldal
*makaulinigan- bahagyang makarinig

Marahan akong tumungo at binigyan ko siya ng pakawalan-mo-na-ako look.

Nang mapansin niya ito ay agad siyang namula at lumayo ng distansya sa akin.

"Humayo ka na at magsimulang magligpit ng bunton na plato. Nariyan ang ilan sa mga damit ni ina. Pumili ka ayon sa iyong kagustuhan."  wika niya habang nakatalikod at papaalis

*bunton- tumpok

'Hays, sana ay makasabay ako sa pagtatagalog niyo'

"Opo, opo" tugon ko

Napa-buntong hininga na lang ako. Bigla ko namang naalala ang nangyare kanina.

Hindi ko alam ang gagawin ko kung palayasin ako ni Andres sa lugar na 'to.  Wala na akong ibang mapupuntahan dahil wala naman talaga akong kilala.

"Sa tingin ko ay mas mabuti kung manatili muna siya rito" tugon ni Andres

Nagulantang ang lahat pati na ako sa sinabi niya. Sa totoo lang, ay akala ko papalayasin niya na ako.

"Pero kuya---" Hindi na pinatapos ni Andres si Ciriaco na magsalita nang bigla akong tinuro niya

"Hindi natin pwedeng hayaan lamang ang isang binibini na mag-isa at walang patutunguhan. Samakatuwid baga'y kahit na ang tingin natin sa maharlika ay bulastog at talampalasan at mapaniil, kailangan nating kilatisin ang bawat isa dahil iba-iba ang mga tao. Hindi tayo patas."

Reincarnated in 1880Where stories live. Discover now