Chapter 21

264 8 0
                                    

- - - - - - -
MANANG: Sir? Gabi na po ah? Saan po kayo galing?

HERMINIO: Hinanap ko po kase si Thania Manang eh...

MANANG: Bakit po Sir? Hindi pa po ba siya nakakauwi? Sabi kasi ni Ma'am Regina pumunta sa bahay ng kaniyang kaklase eh

HERMINIO: Hindi mo ba napansin ang mga pangyayari dito kanina Manang?

MANANG: Hindi po Sir eh? Nasa likod po kase ako kanina, naglalaba at naglinis po kase ako ng buong bahay. May nangyari po ba?

HERMINIO: Manang puwede po bang pagkauwi ni Thania sa bahay at saktong wala ako, pwede po bang pakitingna-tingnan po silang mag-ina? At kung sakali pong may mangyari man dito sa bahay o kung mag-away man sila, huwag po kayong magdadalawang isip na tawagan po ako ha?

MANANG: Sige ho sir!

HERMINIO: Sige na po Manang magpahinga na po kayo

MANANG: Sige po sir. Kayo din po sir

HERMINIO: Sige Manang.

*Nagpunta na nga sa kani-kanilang silid ang dalawa.*

--- Kwarto ---

Regina's POV:

Bakas na bakas sa mukha ni Herminio ang galit ngunit pinipili niyang hindi ipakita sa akin dahil ayaw niyang nasasaktan ako at hindi niya kayang saktan ako. Nananatili siyang tahimik, hindi ako kinakausap dahil alam kong iniiwasan niyang makapanakit. Ang itsura niya ngayon ay kunting imik ko lang ay sasabog na sa galit. Alam ko namang mali ang nagawa ko, hindi ko sana iyon ginawa. Patawarin mo ako Honey, patawarin niyo ako ng anak mo. Pangako pagkauwi ng prinsesa natin, hindi ko na ito sasaktang muli. Mahal na mahal ko kayo.

--- Kinaumagahan ---

HERMINIO: Good morning Manang! Manang may naihanda ka na bang agahan?

MANANG: Ahh itong ulam niyo nalang po sir pero patapos na din.

HERMINIO: Ahh sige po pakibilisan na lang po ng kunti kase may pupuntahan pa po ako ehh.

MANANG: Tapos na ho Sir. Ito na po oh *sabay abot ng ulam*

HERMINIO: Salamat po Manang. Sumabay na rin ho kayo sa akin. Pagsaluhan na po natin itong hinanda mo.

MANANG: Ehh para po sa inyong mag-asawa yan Sir ehh? Kakain nalang ho ako mamaya.

HERMINIO: Sige na Manang umupo ka na po at nang mapagsaluhan na po natin ito. Tsaka tulog pa naman po si Regina.

MANANG: Sige po Sir. Ipaghahanda ko nalang po siya ng makakain niya pagkatapos nating kumain. Ahh tsaka nga pala sir saan po kayo pupunta at parang ang aga-aga naman po?

HERMINIO: Ipagpapatuloy ko po ang paghahanap kay Thania. Hindi pa po siya nakakauwi at hindi naman po sumasagot sa mga tawag ng kaniyang ina.

MANANG: Ano po bang pwede kong maitulong?

HERMINIO: Total pinagkakatiwalaan ka naman po ni Thania. Pwede po bang ikaw nalang ho komontact sa kaniya? Baka sakaling sagutin niya po mga tawag niyo. Itanong niyo po kung nasaan siya ngayon para mapuntahan po po natin siya at maiuwi na na ho natin? Kung okay lang po Manang?

MANANG: Yon lang naman pala Sir eh. Sige po tatawagan ko po siya mamaya pagkatapos nating kumain. Iuupdate ko ko nalang ho kayo kapag nakausap ko na ho siya.

- - - -
Paalis na sana si Herminio nang biglang tumunog ang telepono.

- - - On phone - - -

Nathania Jane Life's JourneyWhere stories live. Discover now