MARUPOK

13 2 0
                                    

Hirap maging marupok 'no?
Konting lambing lang okay na kayo.
Okay na agad wala pang isang minuto,
Parang hindi ka lang din nagtampo.

Nakakatakot kasi 'di ba?
'Pag nagtampo baka mawala siya.
Baka sabihin ang arte natin,
Kasi hindi raw natin sila pinapansin.

'Pag tayo nagtampo,
Nagagalit sila.
'Pag sila nagtampo,
'Di natin kaya.

Ang hirap talaga,
Kapag malambot ang puso.
Kasi ayaw mong mawala siya,
Pero sa huli siya rin mang iiwan sayo.

Raid's Short PoemsOnde histórias criam vida. Descubra agora