BAKLA

8 1 0
                                    

Tayong dalawa ay nagmamahalan,
Nangako pa tayong walang iwanan.
Araw-araw nananalangin ako,
Sana tayong dalawa hanggang sa dulo.

Pero may isa nga lang na problema,
Ayaw talaga sa'yo ng aking pamilya.
'Di ko alam ang dahilan bakit gano'n?
Gusto ko ikaw ang kasama sa lahat ng panahon.

Dumating sa puntong umalis ka na,
Umalis ka na at iniwan na 'kong mag isa.
Hanggang sa nalaman ko ang balita,
Nalaman kong may iba ka na pala.

Ang bilis! Ang bilis-bilis mo!
Parang wala pa ngang isang segundo.
Nalaman ko kung sinong ipinalit mo,
Aba't isa palang bakla ang bumihag ng puso!

Raid's Short PoemsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora