Para sa aking magulang,
Na ni minsa'y 'di nagkulang.
Nagpapasalamat ako,
Na ako ang anak ninyo.Papa, salamat po sa'yo,
Dahil ikaw ang tatay ko.
Ang haligi ng tahanan,
Handa kaming ipaglaban.Mama, swerte ako sa'yo,
Kung wala ka, wala ako.
'Di sana ako masaya,
Kung 'di kita naging mama.Ipinagmamalaki ko,
Kayong dalawa sa mundo.
Wala nang hihilingin pa,
Kayong dalawa, sapat na.
YOU ARE READING
Raid's Short Poems
PoetryYo bruhs! So this is where I'll be posting all my poems so you can read it anytime anywhere. Different kinds of genres will be found in here. Hope you enjoy reading!