SAYANG

7 3 0
                                    

Araw-araw napapaisip ako,
Ano ba talaga ang nagawa ko sa'yo?
Hindi ko kasi maintindihan,
Kung bakit mo ako iniwan.

Binigay ko naman lahat,
Lahat ng oras ko sa'yo ay sapat.
Pero bakit wala pa rin?
Bakit parang 'di mo ata napansin?

Ginawa ko ang lahat para sa'yo.
Lahat ng gusto mo, ibinigay ko.
Mahal na mahal kasi kita,
Pero sinayang mo lang ang aking halaga.

Alam mo, sayang talaga.
Iniwan mo ang taong sa'yo sumaya.
Pero sige, hahayaan na lang kita,
Sinayang mo 'ko eh, wala na 'kong magagawa.

Raid's Short PoemsWhere stories live. Discover now