CHAPTER 8 ~ Stop your old ways

16 2 0
                                    

A/N ANG TAGAL KUNG DI NAKA UPDATE. BUSY LANG KASI, SORRY TALAGA MGA DZAI.

DI AKO MAGALING MAG ENGLISH KAYA MIX NA LANG. HAHAHA

Yherie POV

Lumabas ako ng kwarto at sabay naman ang paglabas ni Kelvin sa office niya. Hindi naman talaga matatangi na gwapo siya sa edad niya.
Malinis din siya tingnan. Ayos na ayos ang buhok. Kahit sa dami yata ng ginagawa niya di niya nalilimutan magsuklay.

May dala siyang folder at binabasa ang loob noon, kaya di din siguro niya ako napansin na lumabas din ng kwarto ko. Patuloy lang siyang naglalakad habang ng babasa hanggang sa napadaan siya sa harapan ko.

"What?"

Huminto siya at naka kunot nuo na tinanong ako. Napatingin ako sa binabasa niya. Pinilit ko maintindihan iyong nakalagay. Pero sa haba non tinamad nalang akong basahin.

Nauna na akong bumaba sa kanya at tumungo sa kusina. Kumuha ako ng pitchel sa ref at tumunga ng tubig at ininom ito. Nakita ko si Kelvin na papunta din kung nasaan ako.

"Are you following me"

Tiningnan lang niya ako at di nagsalita. Nakakasira ng araw ang taong to. Kung bakit kasi nandito pa siya at di pumasok sa trabaho. Simula nong na discharge ako sa hospital kung minsan nalang siya umalis ng bahay.

Nilapag niya yong folder na binabasa niya kanina pa sa coffee table. Parang na ko'curious talaga ako sa laman non. Pero di ko nalang pinansin.

Lumapit siya sakin at kinuha yong pitchel at tumunga din ng tubig niya. Ibinalik narin niya yong pitchel sa ref.  Umalis na siya dala yong baso na may lamang tubig ng makita ko na naiwan niya yong folder.

"Hey,  you left this"

Lumingon siya at nakita niya ako na tinuturo yong folder.

"Bakit di mo binasa?"

Napakunot noo ako sa sinabi niya. Sinadya niya bang iwan yong folder para basahin ko? 

"You look so curious about my stuff,  that's why I left it for you to read."

Ganun ba kahalata sakin kung ano ang inisip ko. Iniwan ko yong folder na di manlang tiningnan ang loob. Ano? sinusubukan niya ako? Di ako nakikialam ng di akin. Malay ko ba kung ano laman non. Pakialam ko dun.

Dinaanan ko lang siya at umakyat ng hagdan. Over my dead body, di ko bubuksan yon kahit curious ako.

"You know what Yherie,  it's nothing. I thought you already have an interest over my business."

Wala akong paki sa business mo,  I have my own life to mind on. Kung wala lang talaga akong plaster sa braso ko talagang lalabas ako, mag pa'party,  gagala. Ilang linggo na akong di manlang nakakakita ng ibang tao bukod kay manang Lolit, nakakasawa nang makita at makasama parati ang perfectionist na lalaking to.

Kelvin is like an unwanted gift that surprise you while unwrapping it. Paiba iba siya ng ugali,  parang okay narin siya noong nasa hospital pa kami. Nagkakausap na siya ng matino.  Akala ko nga magiging ganun na talaga siya. Hindi sa hinahanap ko yong pakikitungo niyang iyon. Basta!

Bumalik kasi siya sa kung ano talaga ugali niya, yong tinitipid lahat ng sinasabi. Parang bang kailangan mo pang bilhin yong bawat words niya para makarinig ka ulit ng matinong salita sa kanya.

I enter my room and locked the door. Oo nga pala,  di tinuloy ni Kelvin yong kaso sa driver ng truck, ewan ko kung bakit. Kahit sinabi pa niya yong laws are made for us to use it,  napa wow na wow talaga ako sa kanya non, pero hanggang salita lang talaga siya. Para ma amaze siguro mga tao sa kanya. Di nila alam no work, more talk naman tong lalaking to.

Nakarinig ako ng katok sa pinto. Alam kong si Kelvin yon,  kasi malakas ang pagkakatok. Patuloy lang akong nakahiga at di siya sinagot. Kung may sasabihin siya, pwede naman niya sabihin na kahit sa labas lang siya ng kwarto,  gawain naman niya yon, sinisigawan niya nga ako noon eh"

Kumatok uli siya,  pero mahina na. Hinihintay ko lang talaga siya mag salita. Napaupo ako bigla sa kama ng marinig kung bumukas ang pinto. Langyang mukong to. Nambubukas ng kwarto ng may kwarto.

"Hoy,  invasion of privacy na yan ah!"

Sigaw ko sa kanya. Linagay niya sa bulsa ng short ang kamay niya kasabay ng susi ng kwarto ko. Naka plain white shirt siya and black short na medyo above the knee kaya nakikita yong tuhod niyang maputi at wala manlang piklat. Siguro di to nakaranas makipaglaro ng habulan, walang bahid ng pagkadapa. Unfair naman,  meron kasi akong piklat sa tuhod na hanggang ngayon dinadaan ko sa panalangin at kojic.

"Di na ba masakit ang braso mo?"

Napatingin ako sa braso ko na may plaster, tina try kong galawin yong mga daliri ko paminsan minsan pero may kirot parin.

"Bat ka ba pumasok?"

"Kung gusto mo nang lumabas. I can't let you go out and just back in your old ways"

Napaisip ako kung ano yong mga old ways niyang tinutukoy?  Hindi naman ako pariwala. Di naman ako gumagamit at nagbibinta ng bawal.

"Stop partying"

Maikli niyang sagot. Iniisip ko palang na makukulong ako sa bahay na ito without social life,  parang di na ako makahinga ng maayos, masisiraan ako ng bait dito.

"No! sino ka para pagbawalan ako sa gusto ko?"

"I'm your husband"

Ko kontrolin niya rin ba buhay ko katulad ng ginawa ni Daddy noong nag aaral pa ako. Ayuko ko na,  I'm done with it.

"We have a deal right? Aside sa pinag usapan niyo ni Daddy. You gave me an assurance that I can do whatever I want to do, di mo ko pakikialam.Na yong mga restriction sakin ni Daddy noon ay di ko mararanasan sayo. Kasi sabi mo wala kang paki sakin."

So four months ko lang pala ma eenjoy ang freedom ko,  di pa nga four months e,  na ospital pa ko.

"You can still see your friends,  but starting today, di ka na iinom ng alak,  bawal ka ng lumabas ng gabi para mag party lang."

Seryuso niyang sabi. Lalabas na sana siya ng kwarto ko pero tumigil siya ng  nagsalita ako.

"Ayuko ko nga,  bakit mo ba ako pinagbabawalan ha, di na ako bata,  at saka ngayon ko lang naman nagagawa ang mga ganito"

Reklamo ko sa kanya,  tumayo na ako para kung sakali sasabunotan ko siya kung pagbabawalan niya parin ako. Tumingin siya sakin.

"Because I am married to you Yherie, you're my wife. I never thought that I will see you lying in a hospital bed like that. My reckless decision of letting you do whatever you wanted put you in that situation. Now, forget about the deal."

Di ko maintindihan kung bakit parang lalagnatin ako sa mga sinabi niya, nang iinit ang katawan ko. Kasabay narin ng pagbilis ng tibok ng puso ko.  Di ko maintindihan yong mga tingin niya sa akin na kanina ko pa iniiwasan.

"Gagawin ko kung ano gusto ko"

Kumuha ako ng lakas ng loob para sabihin iyon,  kasi yong mga titig ni Kelvin nakakawala ng tapang. Parang ma papa sunod nalang ako sa gusto niya.

"Fine, kill yourself. Tigas ng ulo mo."

Tuloyan na siyang lumabas ng kwarto. Napaupo ako sa kama na tila ng hihina,  parang ba akong nag defense ng thesis ko ng isang araw sa isang strikto na professor.

Di ko mapaliwanag kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko. Siguro sa inis at galit.  Bahala na. Basta buhay ko to. Morania kaya ako. 

A/N BUMAWI AKO DITO. BINASA KO ULIT PARA DI KO MALIMUTAN KUNG ANO TALAGA ANG KWENTO NILA KELVIN AT YHERIE. SALAMAT SA MGA NAGHINTAY.

ISAPA BAKA KAUNTI NALANG YONG ENGLISH,  DUMUGO ILONG KO EH. HAHAHA

I've Been With My Old ManWhere stories live. Discover now