CHAPTER 12 ~ Ash gray

6 2 0
                                    

Yherie POV

"Pwede ba Yherie,  sabihin mo na nga."

Hinila ko si Lily para umuwi nalang kami. Nandito kami sa kompanya ni Kelvin at kanina pa ako pinipilit ni Lily na ipakilala ko na daw ang sarili ko kung sino talaga ako para papasukin na kami.

"Excuse me manong guard,  baka di mo kasi kilala ang kaibigan ko.  Siya lang naman..hmm hhmm."

Tinakpan ko ang bibig ni Lily para di niya masabi,  nakakahiya kasi. Muka kasing wala talagang alam ang mga tao dito na may asawa ang boss nila. Siguro ganun talaga baka bawal malaman.

"Ano ka ba, tama na uwi nalang tayo."

Alok ko ulit kay Lily,  pero di talaga siya natinag pinilit niyang makalusot.

"Oh my gosh,  Lily. Are you okay?"

Nadapa siya dahil kasi tumakbo siya, tanga kasi. Madulas yong sahig kaya na out of balance. Tinulungan siya ng guard na makatayo pero ayaw niyang magpatulong.

"Kaya ko."

"Hay nako Lily,  sabi ko na ngang umuwi na tayo nakakahiya kaya,  daming nakakita sayo,  pinagtitinginan na tayo."

Tumayo na siya, halatang bad trip din. It's a silly thing that a rich girl like Lily end up like this. Pag nalaman to ni Tito siguradong maiipit ang kompanyang to. Oh wait! Ay Kelvin nga pala to.

"Lily, okay ka na ba. Are you hurt.  Tara sa clinic."

"OA mo naman,  clinic agad. Pero prend masakit."

Tiningnan niya pa ang tuhod niya na ngayon ay namumula pa. Pag nalaman talaga ni, Tito to malalagot talaga si Kelvin.

"Oyh Lily, ahm alam mo naman si Tito Harry."

"Ano ka ba don't worry. Dad will never know about this, ikaw naman masyado mong pinagtatakpan ang asawa mo,  ayeeeh oyy. "

Iyan na naman, pinagtatakpan agad. Ayaw ko lang ng gulo.

"What are you two doing here?"

Napatingin kami ni Lily kay Kelvin na ngayon ay nasa harapan namin.

"Say it."

Tiningnan ko si Lily. Sasabihin ko ba? pwede ko naman sigurong suyoin si Daddy.

"Tara na lang."

Hinila ko na siya para makaalis na pero pinigilan niya ako.

"Ha?"

Naguguluhan niyang tanong. Nako naman. Aalis nalang nga kasi ayaw kong magkautang na loob kay Kelvin. Baka hingan pa ko ng kapalit.

"No Yherie, nandito na tayo. Nadapa na nga ako eh. Para saan pat pumunta tayo dito?"

"Inaabala ka ba nila Sir? Pasensya na Sir,  kanina ko pa sila pinipigilang makapasok, mapilit po eh. Tara na ma'am."

Hinawakan ako ng guard at inaya nang lumabas. Pero pinigilan siya ni Kelvin.

"Hey,  don't touch her. Hindi naman nakaka abala ang asawa ko sakin."

Napatingin ako sa mga mata niya na tinititigan ako, kahit singkit siya ay nakikita parin ang ash gray na kulay ng mga ito. Mabilis niya akong nginitian. Langyang puso to,  ang bilis na naman.

"Asawa niyo po?"

Gulat na tanong ng guard. Tumango lang si Kelvin sa kanya.

"Ay nako sorry ma'am, hindi ko po sinasadya. Sorry po talaga"

"Oh,  diba. I told you so, papasukin mo kami,  kasi kilala kami ng boss mo. Paano kung nalaglag ang baby nila dahil na stress sayo."

Kinurot ko bigla si Lily sa pinagsasabi niya,  anong baby? Pagiging exaggerated talaga nito, nagiging out of reality.

I've Been With My Old ManWhere stories live. Discover now