CHAPTER 10 ~ Opening

6 2 0
                                    

Yherie POV

"Hey, you should give a tip."

Kakatapos lang namin kumain ni Lily sa isang Chinese restaurant. Nagtawag siya ng waiter para sa bill namin.

"Why me?"

Siya tong maraming kinain ako pa magbibigay ng tip. Ang lakas lakas ng loob niya kanina magyaya dito dahil treat niya daw, tapos ipapain niya ko.

"Sige na, ambag mo na, mayaman ka naman."

Dumating na yong waiter at ipinakita na niya yong babayaran namin. Linabas ko na ang wallet ko kasi ako daw ang magbibigay ng tip.Tumango siya sakin at sabay kuha ng isang libo sa wallet ko.

"Keep the change okay?"

Nagtataka ko naman siyang tinitigan. Naalala ko nga pala. Si Lily ay isang mayaman na kuripot. Sana sinabi niya na ako naman talaga ang magbabayad, may pa tip tip pa siyang nalalaman.

"Ano?"

"Mga paraan mo talaga Lily, kahit
kilan."

Tumawa lang siya at napailing na lang ako. Lumabas na kami ng restaurant, nakapag shopping narin kami, kunti lang naman.

"Sinamahan ka ba ni Kelvin ng tinanggal yong plaster mo?"

"Oo"

Nakita ko naningkit ang mga mata niya. Siniko siko niya pa ako.

"Ano ba Lily?"

"Mahal mo na?"

Mahal agad? nagbibiro ba to? Nauna na akong naglakad, di ko talaga maintindihan kung bakit gustong gusto ni Lily si Kelvin, yon bang bet niya para sakin. Sana siya nalang nagpakasal at hindi ako.

"Oyh joke lang, ikaw naman pikon agad"

Hinabol niya ako at tinapik sa likod. Kaibigan ko si Lily pero nakakahiya siya minsan. Si Kelvin ang nag drive noon kasi nga wala akong driver. Tiyaka beast mode siya ng time nayon, ewan ko kung bakit. Binaba niya ako sa clinic ni Doc. Miguel at binalikan nong tapos na. Sinamahan parin naman yon diba? Basta ganun.

"Nagtext si Lorrie, opening ng bar niya, she wants us to be there."

Talaga? Iba din tong si Lorrie eh, business minded din di lang halata. Idol kasi ang kuya niya.

Sa aming magkakaibigan siya pa lang ang naka open na agad ng business. Masaya naman kami sa achievement niya. Si Lily naman mukang walang amor sa mga ganyan, ako? Hindi ko alam. After I graduated, my parents planned for my engagement. I never been with my friends all throughout the preparation. I never been trained to a business, maybe because Kelvin is already a businessman and he will take care of everything in that matter.

"Tara, we should be there."

Abot tenga ang ngiti ko ng dahil makakapasok uli ako ng bar. Iniisip ko palang yong mga tugtog na papasayaw ka at yong atmosphere sa loob nakaka good vibes, I really need that.

"Hala iuuwi na kita."

Hinila niya na ako at tumungo na kami sa parking lot. Ayuko pang umuwi at tiyaka nasa trabaho naman si Kelvin at gabi din yon dumadating kaya pwede naman ako umattend ng opening ng bar ni Lorrie.

"Ano ka ba, ayuko kong umuwi. Magtatampo si Lorrie pag di tayo pumunta, sige ka."

Sana kagatin, sana kagatin, cross finger. Nakikita kong na korner ko siya at napapaisip siya kung ano gagawin niya. Lily hates misunderstanding in our troops. Alam kong papayag iyan.

"Basta Errie, di tayo mag tatagal, you show off then iuuwi na kita. Mag promise ka."

Okay narin yan basta makapunta lang ako at gusto ko rin makita kung ano ang interior design ni Lorrie sa bar niya.

I've Been With My Old ManOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz