CHAPTER 9 ~ New side

11 2 0
                                    

A/N SUNOD-SUNOD ANG UPDATE KO KASI INSPIRED AKO,  CHAR.  KASI NGA ANG DAMI KONG NAIISIP NA SCENCE AT NAKAKALIMUTAN KO LANG KAYA HINAHABOL KO LANG YONG MGA IDEA.

Yherie POV

Nakaupo ako sa inidoro, hindi ako natatae,  sadyang trip ko lang. Nakasarado naman yong takip nito. Hinihintay kong makaalis si Kelvin sa kwarto ko,  at nandito ako sa comport room ng kwarto ko rin. Ewan ko ba at nitong mga nakaraang araw ay basta na lang siyang pumapasok ng kwarto ko.

Tumakbo ako papunta dito ng marinig kong kumatok siya. Alam ko naman na papasukin niya rin naman ako kasi may susi siya. At saka umiiwas ako, di ko alam.

"Matagal ka pa?"

Ramdam ko ang pagkabagot sa tono ng pananalita niya. Almost 10 minutes na siguro siyang naghihintay.

"Oo eh, uhh."

Nag acting ako na nagsakit sakitan, na parang nahihirapan akong magbawas at masakit tiyan ko para tantanan na ako.

"Umalis ka na lang, baka maka amoy ka pa ng dika nais-nais."

Narinig kong bumukas at sumarado ang pinto. Pigil ako ng tawa ng lumabas. Alam ko namang ayaw na ayaw niyang naghihintay at diring diri din yon. Napatingin ako sa mga bra ko na naka kalat lang sa kama. Langya oo nga pala, inilabas ko ang mga iyan dahil di ko na gagamitin.
Nag init ang muka ko sa realisasyong nakita niya rin ang mga ito.

Napatalukbong ako ng kumot dahil sa kahihiyan. Paano kung isipin niya na ang liit ng hinaharap ko? Pinagliitan ko naman kasi yan eh. Lanya talaga,  pasok lang kasi ng pasok. May kwarto naman siya, never ko naman nga nakita loob ng kwarto niya. I never been there. Ano ba problema niya sakin.

"You're done"

Bigla kong kinumutan ang mga bra ko ng marinig ko ulit siyang magsalita.
Hinarap ko siya. Naiinis ako kasi ang bastos bastos niya. Insensitive naman kasi.

"Pwede ba Kelvin, stop invading my room"

Parang wala lang sa kanya ang mga sinasabi ko. Iniwasan ko ang mga mata niyang patuloy lang nakatingin sakin. Ang awkward kasi.

"Are you sick?"

"Hindi"

Diretso kong sagot. Bakit easy lang sa kanya tumitig,  ako na lang tong nag a'adjust. Kainis naman eh.

"Namumula ka"

Pakialam niya ba. At hindi ako namumula,  imagination niya lang.  Bakit naman ako mamumula.

"Kung may sasabihin ka, say it. Hindi tong ginugulo mo ako dito, inaano ba kita?"

Umupo siya sa recliner. Pinakailaman niya at pinindot pindot iyon. Wala ba siyang ganyan sa kwarto niya. Bakit akin yong ginagamit niya.Pumikit siya at dinama pa yong pagmasahe. Seriously? Pumunta lang ba siya dito para tumambay?

"Stop looking at me, baka matunaw ako"

Ah talaga lang,  ako pa talaga. Siya nga tong kanina pa ako tinitingnan. Tumayo siya at lumapit sakin. Napa atras naman ako.

"Wala akong balak sayo"

"Mas wala akong balak sayo,  kapal naman ng muka mo!"

I see him smirk. Yong pamumula ko talaga,  sa inis yon eh. Lumabas na siya ng kwarto.  Wala ba siyang magawa sa buhay niya at nang titrip lang ng iba? Nakikipaglaro ba siya sakin? Pambihirang lalaki to,  tumatandang paurong.

Tumunog yong phone ko, nag text siya. Binasa ko naman iyon. First time niyang mag text sakin,  ni hindi nga niya ako magawang tawagan noon.

Tanda:  Next time,  fix your things. Ang liit pala.

I've Been With My Old ManOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz