CHAPTER 11 ~ Weird Feelings

8 1 0
                                    

Yherie POV

Habang sa byahe ay pumikit lang ako at nag tulog tulogan. Ang tahimik, di din open yong radio.

"Are you awake?"

Pinapatulog niya ko kanina tapos ngayon tatanungin kung gising ako?  Ano ba talaga.

"haissh...nevermind."

Patuloy ko lang pinipikit ang mata ko. Ayaw ko siyang tignan,  alam kong nagtitimpi lang iyan. Tumahimik na siya at nag drive na lang.

Nagising ako ng maramdaman ko ang kamay ni Kelvin na humawak sa kamay ko. Minulat ko kaagad ang mga mata ko at tinitigan iyon.

"Where here."

Nakatulog nga talaga ako kasi parang ang dali dali lang ng byahe,  malayo kasi ang bar na yon kapag nandito mang gagaling. Lumabas na siya ng sasakyan kaya lumabas narin ako. Nauna siyang pumasok sa loob ng bahay.

Papasok ba ako? Ayaw gumalaw ng mga paa ko.

"What's the problem?"

Bumalik si Kelvin sa labas,  siguro napansin niyang hindi parin ako pumapasok.

"I'm not going to scold you."

Hinawakan niya ako at pumasok na kami sa loob ng bahay. Hinatid niya ko hanggang sa tapat ng kwarto ko pero di parin ako makapasok dahil nga hawak parin niya ang kamay ko.

"Stop holding my hand,  I want to go inside."

Pero di siya nakinig. Alam kong titig na titig siya sakin kaya ayaw kong tumingin at nakayuko lang ako.

"Yherie, look at me."

Hinawakan niya ang baba ko at itinaas iyon,  alam ko para akong bata na pinagagalitan.

"Damn..Am I too scary to you?"

Tumango ako,  kasi oo natatakot ako sa kanya, natatakot ako sa mga tingin niya. Pero niyakap niya ko bigla. Hindi ako makagalaw kahit di naman mahigpit ang pagkakayakap niya. Napakaiba ng feeling pag dumadampi ang balat ni Kelvin sakin, ni hindi ko nga maintindihan. This is all new to me.

"Sorry for making you feel that way. I'm not angry to you. I just hate seeing other man holding your hand and touching you like that....that shit."

Tinulak ko siya para makawala sa pagkayakap niya. Ayaw kong marinig niya na ang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ko gusto ang nararamdaman ko. Naguguluhan ako, ang weird pag hinahawakan niya ako. Papasok na sana ako sa kwarto ko ng magsalita siya ulit.

"You know what sucks Yherie? being the one who always cares more."

Para akong na statwa sa mga sinabi niya. Umalis na siya at pumasok sa kwarto niya. Focus Yherie, train your mind to be stronger than your feelings. This is nothing. Just nothing.

Pumasok na rin ako sa kwarto at humiga mga ilang oras din akong nakatitig sa kisame. Nakakapanibago ang mga pinapakita niya,  ni ang cold niya nga sa akin noon.  Sinisigawan pa nga ako. At hindi rin naman kami nagpapansinan. Basta ewan siya, matutulog nalang nga ako.

Umaga na ng magising ako. Naligo lang ako at nag ayos ng kaunti at bumaba narin para maka pag almusal.

"Good morning ma'am."

Bati sakin ni Manang Lolit, ngumiti naman ako sa kanya at nagsimula ng kumain. Nandito pa kaya si Kelvin? Bakit ko ba tinatanong? Wala naman akong pakialam kung pumasok ba siya o hindi.

Hindi pa naaayos yong sasakyan ko,  hindi ko naman maasikaso yong insurance para don. Kung bibili naman ako ng bago ma di detect nila Daddy yon kasi card ko yong gagamitin. Wala naman akong malaking cash na hawak. Hindi naman nagpapautang yong mga kaibigan ko. Bahala na nga,  magko commute nalang ako pag gusto kung lumabas.

Me: "Yes?"

Sinagot ko ang tawag ni Lily. Pero tumungo narin ako sa kwarto ko.

Lily: Kamusta ka na?  Sorry kagabi,  nalasing ako hindi kita nahatid.

Me: "Magsabi ka sakin ng totoo Lily,  paano nalaman ni Kelvin kung nasaan tayo kagabi?"

Lily: Di ko alam, nagulat nalang ako ng nasa harapan na namin siya at hinahanap ka. Hindi pa nga kita naituro nakita ka na niya.  Iba ding klase ang radar ng asawa mo eh.

Me: "Ikaw yong sumigaw?"

Lily: Oo gaga, mabuti naman narinig mo. Halatang galit na galit si Kelvin nong nakita ka niya may kasamang ibang lalaki.

Lily: Sabi ko pa nga huwag siyang manununtok tapos sagot niya di ka naman daw niya ipapahiya. Gentleman naman kasi yon Erie, ikaw lang tong di nakakapansin.

Me: "May alliance ba kayong dalawa?  Bat ba kampi ka talaga don."

Lily: Wala,  I just like him for you. Huwag ka kasi don sa lalaking pinakikilig ka lang. Piliin mo yong secured ka tiyaka kaya ka rin pakiligin.

Me: "What do you mean?"

Lily: Hay nako Yherie,  ikaw tong naturingang matalino sa barkada. Simple lang, accept Kelvin.

Me: "Mag asawa na nga kami."

Lily: Mag asawa nga,  pero di mo tanggap. Open yourself and let him in.  Walang divorce sa Pilipinas, kaya hindi talaga kayo maghihiwalay.

Me: "There still an annulment."

Lily: Seryuso ka ba? Sa tingin mo papayag ang parents mo? Hay nako. Sige na babye na prend,  nandito si Marcus sa condo ko eh,  alam mo na may meeting kami.

Me: "Kadiri ka."

Tumawa lang siya sa kabilang linya,  inend call ko narin,  baka makarinig pa ko ng ungol ng aso. Napaka active naman kasi ng sex life ng dalawang iyon. Yon daw yong secret ng relationship nila, ay iwan diba dapat love?

A/N Hay kilan kaya magkaka sex life din tong bida natin?  Hahahaha


















I've Been With My Old ManWhere stories live. Discover now