Kabanata 2:Ang Pagkikita

686 17 0
                                    

Magpatuloy sa paghiwa ng kalabasa si Tessie. "Tessie! Pumunta ka sa palengke at bumili ng sangkap ng tinapay dahil napaubos na ang nasa paminggalan."utos ni Ginoong Gawain

"Masusunod po Ginoo" saad ni Tessie at naghanda ng umalis

Hindi pa nakakapasyal si Zafira sa labas ng masyon kaya naisip niyang sumama sa pamamalengke kay Tessie. "Aling Tessie, maari po bang sumama ako sa palengke?" tanong niya

Hindi umimik si Tessie dahil hindi ito pwedeng lumabas ng mansiyon. Yun ang bilin ng Alkalde sa kanila. "Maari po ba?" tanong na naman ng dalaga

Napakamot sa ulo si Tessie. "Pasensiya kana binibini. Hindi ka maaring sumama sakin dahil iyon ang bilin ng Alkalde."

Naging malungkot ang mukha ng dalaga at nagmakaawa kay Tessie na payagang sumama. "Sigi na po. Payagan niyo na po akong sumama sa inyo. Hindi po ako bababa sa karuwahe at hindi po ako magiging makulit. Sigi na po, payagan niyo na po ako..."

Gustong-gusto talaga niyang lumabas ng mansiyon pero hindi siya pinapayagan kaya ngayon kahit bawal, sasama siya sa palengke kahit hanggang sa karuwahe lang siya mamalagi.

Walang ibang nagawa si Tessie dahil subrang kulit ni Zafira kulang nalang humiga sa sahig para magmakawaang sumama. "Sigi, pwede kanang sumama pero hindi kayo pwedeng bumaba sa karuwahe." saad nito na ikinatuwa ng dalaga

Gumuhit ang malaking ngiti sa labi ni Zafira dahil pinayagan siya nitong sumama. Nagmadali kaagad siyang pumunta sa kanyang silid pahingahan at nagbihis. Pagkatapos niyang magbihis, pumunta kaagad siya ng palihim sa labas. May ngiti parin siya sa kanyang labi nang sumakay sa karuwahe at pumwesto siya sa gilid ng bintana para makita ang tanawin sa labas.

Isang maliit pero mayaman na nayon ang Perrigrines dahil sa responsableng Alkalde. Lahat ng yamang lupa at tubig ay nasa nayon na at sagana pa ito sa prutas, gulay, palay at isda kaya palagi silang nag-aangkat sa ibang lugar. Hindi parin kumukupas ang yaman nito hanggang ngayon at sinisikap parin ng Alkalde na manatiling nasa itaas at pagkapasok mo palang sa nayon ay matatanaw muna kaagad ang aking ganda at sagana nito sa kalikasan kaya halos lahat ng taga rito ay iningatan ang angking yaman nito.

Subrang ganda ng tanawing nakikita ni Zafira ngayon kaya hindi maalis-alis yung matamis na ngiti sa kanyang labi. Natutuwa siya dahil sa wakas nakalabas na siya sa mansiyon at nagpapasalamat siya kasi pinayagan siyang sumama sa pamamalengke.

Lumipas ang ilang minuto, nakarating na sa wakas sila sa palengke. Ang ingay ng paligid at ang daming tao. May mga nagmamadali, may sumisigaw ng kanilang paninda, may nagbebenta at may namimili. "Binibini, dito ka lang sa loob ng karuwahe at huwag na huwag kang lalabas" sabi ni Tessie at tinangoan naman nito ng dalaga

Gustong-gusto ni Zafira na bumababa pero wala siyang ibang magawa kundi pigilan ang gusto niya dahil pagbumababa siya may malaking posibilidad na maligaw siya sa palengke. Medyo may kalakihan kasi ito at tiyak na maliligaw ka kapag hindi mo kabisado ang lugar kaya kahit ayaw niya, nanatili parin siya sa loob ng karuwahe.

Kalahating oras na ang lumipas pero wala parin si Tessie kaya nababagot na si Zafira sa loob. "Binibini, hahanapin ko lang si Tessie. Dito ka lang po at babalik po ako kaagad." saad ng kotsero sa kanya at tumango siya

Siya nalang ang naiwan sa karuwahe kaya na nagdadagan yung pagkabagot niya. Hindi na alam ng dalaga ang kanyang gagawin para mawala yung pagkabagot niya hanggang na pag-isipan niyang bumababa. Hindi naman siya lalayo sa karuwaheng sinakyan nila kaya sa tingin niya ayus lang ito.

Lakas loob siyang bumababa sa karuwahe habang nagdadasal na sana walang mangyayaring masama sa kanyang desisyon. Pagkababa niya ay may gumuhit na ngiti sa kanyang mga labi dahil sa wakas nakatapak na siya palengke ng nayon ng kanyang inaama. Halos ilang araw at linggo ang hinintay niya para makalabas ng mansiyon at sa wakas ngayon, nakalabas na talaga siya.

Hayyy sa wakas nakalabas na talaga ako sa mala kulungang mansiyon ng aking inaama.

Pumasok siya sa may tindahan ng libro at tumingin-tingin sa mga salansanan na puno ng mga libro. Gustong-gusto ng dalagang magbasa ng mga libro kaya namamangha siyang tignan ang mga librong gawa ng mga tanyag na manununulat. Habang tinitignan niya ang mga libro, may isang librong kumuha ng kanyang atensyon. Isa ito sa mga gawa ng kanyang paboritong manununulat kaya gusto niya itong makuha. Nasa itaas na bahagi ito ng salansanan kaya kailangan pang umakyat sa hagdan para makuha ito. Kaya inakyat niya ang hagdan kahit hindi siya kamurong umakyat ng ganitong klaseng hagdan. Masasabing swerte siya ngayong araw dahil nakuha niya ang inaasam niyang libro pero ang swerte ay may kakambal na kamalasan kaya sa kasamaang palad ay nahulog siya. Napapikit at napahiyaw ang dalaga at hinanda ang sarili para sa pagkahulog pero naramdaman niyang may sumalo sa kanya. Minulat niya ang kanyang mga mata at na estatwa siya ng makita ang subrang gwapong nakasalo sa kanya. Mayroon itong makinis na balat, may maginoong mukha, may matatangos na ilong, may makakapal na kilay, may maninipis at mapupulang labi, may malaperpektong hubog ng katawan, may makikisig na bisig at higit sa lahat may nakapagandang asul na mata. "Binibini, ayus ka lang ba?" nag-aalala at Maginoong tanong nito.

Hindi makapagsalita si Zafira dahil sa angking kagwapohan ng binatang nakasalo sa kanya pero pinilit niyang buksan ang kanyang mga labi para makasagot "A-ayus lang a-ako" nauutal niyang saad

"Ahh ayus lang pala" sabi nito sabay bitiw sa kanya kaya tuluyan siyang na hulog sa sahig "sana hindi nalang kita sinalo eh ayus ka lang pala" dagdag pa nito

Halos mahulog ang panga ng dalaga sa pagkagulat. Walang hiya siya! May pasalo-salo pa siya eh bibitawan lang pala niya ako!

""Huyy walang hiya ka! Bat mo kung bitawan!? " naiinis na relamo ng dalaga sa binatang nakatayo sa kanyang harapan at walang planong tulungan siyang makatayo

"Sabi mo ayus ka lang kaya binitawan kita at tsaka makareklamo ka wagas hah!? Bakit nagreklamo ba ako nung ginahasa mo ako?" nagulat si Zafira sa tanong nito

"Huyy hindi kita ginahasa no!" giit niya

"Anong hindi? Ginahasa mo kaya ako!! Ginahasa mo ako sa tingin no! Makatingin ka sakin parang huhubaran muna ako" reklamo nito na ikinagulat at ikinainis ni Zafira

"Huyy hindi kita ginahasa sa tingin at hinuhubaran!! Ang kapal naman ang pagmumukha mot naisip mo Yan!" sigaw niya

Ngumisi ang binata "Talaga ba?" tanong nito kaya napipikon na siya

"Ang taas naman yata ng tiwala mo sa sarili na gwapo ka..... Huyy gusto kong malaman mo na mas gwapo pa ang unggoy kesa sayo!" asik ng dalaga pero lahat ng sinabi niya ay purong kasinungalingan dahil hindi maikakaila na talagang gwapo ang binata at sadyang kailangan niyang magsinungaling para LUMABAN.

"Alam ko, alam mo at alam ng buong taga nayon, binibini na ako ang pinakagwapong lalaki sa bawat ng lupa at lahat ng babae ay nagsusumamo, lumuluhod at nagmamakaawang makipagtalik sa isang eksperto at makisig na kagaya ko" may mayabang na tonong saad nito

"Grabe ang hangin at alam mo ikaw yung tipong maginoong tingnan pero may nakakadiring bibig. Sa makatuwid isang kang MAGINOONG MANYAK!" sigaw ng dalaga sa walang reaksiyong mukha ng binata at halatang sanay na ito na tawagin nang kung ano-ano.

Nagmahal Sa Maginoong ManyakWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu