Kabanata 4:Panauhin

569 14 0
                                    

Hindi mapakali si Zafira dahil sa lalaking nasa kanyang harapan. "Binibining Zafira, ito ang aking nag-iisang anak na lalaki" sabi ni Ginoong Beowolf

Kahit ayaw niyang tumingin sa lalaki, tumingin parin siya dahil wala siyang ibang magawa.

"Ikaw yung nasa-"

"Ako si Zafira Hydra Luvdale, ginoo" pinutol niya ang sinabi ng binata dahil baka malaman ng kanyang inaama na lumabas siya sa mansiyon

Ngumisi yung binata at parang alam nito na may tinatago siya. "Ako naman si Sextans Pornue, binibini. Nagagalak akong makilala ka" sabi nito sabay lahad ng kamay

Natatawang nakipagkamay siya sa binata dahil sa pangalan nito. Hahaha pangalan pa lang manyak na!

Pero nagtaka si Zafira kung bakit magkaiba ang apiledo ng mag-ama.

KUMUNOT ang noo ni Sextans dahil mukhang nagpipigil tumawa ang dalaga at parang alam niya kung bakit ito natatawa kaya gumawa siya ng paraan para makaganti siya "Binibini parang nagkita na tayo" sabi niya na ikinagulat ng mukha ng dalaga

Isang puntos! Huh akala mo matatawanan mo ko! Pwes nasa akin ang huling halakhak

Napapansin kasi kanina ni Sextans na ayaw ipaalam ng dalaga ang pagkikita nila sa tindihan ng libro kahapon at nagtataka siya kung ayaw nitong ipaalam kaya ito ang gagawin niyang armas laban sa dalaga.

Nakikita niyang kinakabahan ang dalagang tumingin sa seryosong mukha ng Alkalde ng nayon na ito. Kaano-ano kaya ito ng dalaga?

"Ahmm sa tingin ko hindi pa tayo nagkita dahil hindi pa ako naka punta sa bayan niyo" giit nito

"Ahhh baka magkamukha lang kayo nung babae sa tindihan ng libro kahapon na nakilala ko" sabi niya at biglang namutla ang dalaga. Hahahaha

"Baka hindi iyon ang aking inaanak Sextans dahil hindi pa ito nakakapunta sa palengke" sabi ng alkalde

Ahhh inaanak pala niya ito at ano hindi pa nakakapunta sa palengke? Hahaha mukhang sinungaling ang dalaga.

"Hydra, diba hindi ka pa lumabas ng mansiyon?" tanong nito sa kinakabahang dalaga

"H-hindi pa po..."sagot nito

Mukhang takot ang dalaga sa kanyang inaama. Magandang panlaban ito sa gagawing pang-iinis ng binata.

Sa pagkikita nila kahapon ng dalaga ay namangha siya dahil hindi ito nasilaw sa aking niyang kagwapohan. Kadalasan kasi sa mga nakikita at kakikilala niyang mga dilag ay nagkakagusto na sa kanya at minsan nababaliw na sa kanya pero iba si Zafira sa lahat dahil batay sa kanyang pananalita ay kaya nitong batukan siya kaya nahahamon siyang angkinin ang dalaga. Hindi siya papayag na hindi niya maangkin ang dalaga kaya gagawin niya ang lahat para mailista ito sa mga pinaiyak at binaliw niya ng sobra.

Humanda ka Zafira Hydra Luvdale. Isasama kita sa listahan ng pinaiyak ko at darating yung panahon na kusa mong ibubuka iyang hita mo para sa akin....

"Tara pumunta na tayo sa silid kainan para makakain na ng agahan" sabi ng Alkalde na unang lumabas sa salas at sumunod naman ang kanyang ama kaya silang dalawa nalang ng dalaga ang naiwan

"Tara na binibini. Pumunta na tayo sa silid kainan para makakain"sabi niya sa dalagang walang planong sumunod sa mga alkalde

"Mauna kana" saad nito

Tumango siya pero may naisip siyang gagawin kaya napangisi nalang siyang tumabi sa dalaga "Hindi ka pa nagugutom, binibini?" malambing na tanong niya

"Hindi pa" sagot nito

"Anong gusto mong kainin? Pagkain o ako?" malandi niyang tanong

Nandidiring tumingin sa kanya ang dalaga kaya tumawa siya. "Hahaha biro lang..... Pero alam mo tayo lang dalawa yung nandito"sabi niya"Pwede namang takpan natin yung bibig mo para hindi nila marinig yung pag-ungol mo"

Nagmahal Sa Maginoong ManyakWhere stories live. Discover now