Pasilip Na Pangyayari

3.3K 48 7
                                    

Pumasok siya sa may tindahan ng libro at tumingin-tingin sa mga salansanan na puno ng mga libro. Gustong-gusto ng dalagang magbasa ng mga libro kaya namamangha siyang tignan ang mga librong gawa ng mga tanyag na manununulat. Habang tinitignan niya ang mga libro, may isang librong kumuha ng kanyang atensyon. Isa ito sa mga gawa ng kanyang paboritong manununulat kaya gusto niya itong makuha. Nasa itaas na bahagi ito ng salansanan kaya kailangan pang umakyat sa hagdan para makuha ito. Kaya inakyat niya ang hagdan kahit hindi siya kamurong umakyat ng ganitong klaseng hagdan. Masasabing swerte siya ngayong araw dahil nakuha niya ang inaasam niyang libro pero ang swerte ay may kakambal na kamalasan kaya sa kasamaang palad ay nahulog siya. Napapikit at napahiyaw ang dalaga at hinanda ang sarili para sa pagkahulog pero naramdaman niyang may sumalo sa kanya. Minulat niya ang kanyang mga mata at na estatwa siya ng makita ang subrang gwapong nakasalo sa kanya. Mayroon itong makinis na balat, may maginoong mukha, may matatangos na ilong, may makakapal na kilay, may maninipis at mapupulang labi, may malaperpektong hubog ng katawan, may makikisig na bisig at higit sa lahat may nakapagandang asul na mata. "Binibini, ayus ka lang ba?" nag-aalala at Maginoong tanong nito.

Hindi makapagsalita si Zafira dahil sa angking kagwapohan ng binatang nakasalo sa kanya pero pinilit niyang buksan ang kanyang mga labi para makasagot "A-ayus lang a-ako" nauutal niyang saad

"Ahh ayus lang pala" sabi nito sabay bitiw sa kanya kaya tuluyan siyang na hulog sa sahig "sana hindi nalang kita sinalo eh ayus ka lang pala" dagdag pa nito

Halos mahulog ang panga ng dalaga sa pagkagulat. Walang hiya siya! May pasalo-salo pa siya eh bibitawan lang pala niya ako!

""Huyy walang hiya ka! Bat mo kung bitawan!? " naiinis na relamo ng dalaga sa binatang nakatayo sa kanyang harapan at walang planong tulungan siyang makatayo

"Sabi mo ayus ka lang kaya binitawan kita at tsaka makareklamo ka wagas hah!? Bakit nagreklamo ba ako nung ginahasa mo ako?" nagulat si Zafira sa tanong nito

"Huyy hindi kita ginahasa no!" giit niya

"Anong hindi? Ginahasa mo kaya ako!! Ginahasa mo ako sa tingin no! Makatingin ka sakin parang huhubaran muna ako" reklamo nito na ikinagulat at ikinainis ni Zafira

"Huyy hindi kita ginahasa sa tingin at hinuhubaran!! Ang kapal naman ang pagmumukha mot naisip mo Yan!" sigaw niya

Ngumisi ang binata "Talaga ba?" tanong nito kaya napipikon na siya

"Ang taas naman yata ng tiwala mo sa sarili na gwapo ka..... Huyy gusto kong malaman mo na mas gwapo pa ang unggoy kesa sayo!" asik ng dalaga pero lahat ng sinabi niya ay purong kasinungalingan dahil hindi maikakaila na talagang gwapo ang binata at sadyang kailangan niyang magsinungaling para LUMABAN.

"Alam ko, alam mo at alam ng buong taga nayon, binibini na ako ang pinakagwapong lalaki sa bawat ng lupa at lahat ng babae ay nagsusumamo, lumuluhod at nagmamakaawang makipagtalik sa isang eksperto at makisig na kagaya ko" may mayabang na tonong saad nito

"Grabe ang hangin at alam mo ikaw yung tipong maginoong tingnan pero may nakakadiring bibig. Sa makatuwid isang kang MAGINOONG MANYAK!" sigaw ng dalaga sa walang reaksiyong mukha ng binata at halatang sanay na ito na tawagin nang kung ano-ano

Wala paring reaksiyon ang binata "edi ano ngayon?" tanong nito "ayus lang na tawagin mo akong Maginoong manyak kasi hindi parin nito mawawala ang angkin kong kagwapohan"

"At sino may sabing gwapo ka?" tanong ng dalaga sabay pamiwang

"Ikaw"

"Huyy hindi ko sinabing gwapo ka!" giit niya

"Huyy ka rin! Oo hindi mo sinabi pero nakikita ko sa mga mata mo kanina. Yung mga titig mong halatang ipinagpapantasyahan ako at baka sa pantasya mo ay hinahalikan kita sa labi pababa sa leeg tapos papunta sa dibdi--"

"TAHIMIK!!" sigaw niya para maputol yung sasabihin ng binata. Nakakadiri na yung pinagsasabi nito at hindi na kaya inosenteng niyang tenga. "Nakakadiri kana kaya pwede ba tumahimik ka!" aniya

"Susss may 'kadiri-kadiri' pang nalalaman eh totoo naman yung mga sinasabi ko na pinagpanta-"

"Tumahimik ka sabi kung ayaw batukan kita diyan" pagbabanta ng dalaga pero hindi parin natitinag ang binata

"Weee..... Bakit kaya mo bang batukan ang kagaya kong gwapo?" tanong nito

"Oo kaya ko" matapang niyang sagot

"Edi woww!" sabi nito "Matapang ka talagang dilag kaya gusto na kita"

Biglang na estatwa naman si Zafira dahil sa sinabi ng binata sa kanya. Ano gusto siya nito? At bakit parang may naramdaman siyang kakaiba nung sinabihang may gusto ito sa kanya?

"At mukhang masarap ka kainin sa kama dahil lumalaban ka" dagdag nito na ikinabigla niya

Ano? Kainin sa kama? Napakabastos at manyak talaga ng lalaking nasa kanyang harapan. Malapit na talaga niya itong tadyakan pero pinipigilan niya lang dahil ayaw niyang gumawa ng eksena.

"Napakabas-" natigil yung pagsasalita niya dahil linagay ng binata yung hintuturo nito sa bibig niya

"Wag mo nang sayangin yung laway mo binibini dahil baka wala na kung sisipsipin mamayang gabi. At maghintay ka lang na tanungin kita ng 'Maaari mo bang ibuka ang iyong hita para sa akin binibini?'." malandi nitong saad sabay alis

Sorry sa mga grammatical and typo error😅✌️
Tamad po kasi ako mag edit

*****************
Please VOTE AND FOLLOW ME PO❤️

Sana basahin niyo po hanggang dulo

Ano po yung masasabi niyo?
Just comment and I accept sa mga bash

THANK YOU😘

Nagmahal Sa Maginoong ManyakDove le storie prendono vita. Scoprilo ora