Kabanata 20: Pamamaalam

546 8 1
                                    

Pilit niyang tinanggap ang katutuhanan pero ayaw mag sink in sa utak niya. Naiinis na siya. Nasasaktan na siya ng sobra. Hindi na niya kaya. Tumayo siya galing sa pagkakaupo sa sofa at tinahak ang kanang pinto.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Cepheus sa kanya


"Sa cr! Bakit?" galit na tanong niya


"Zaf sa kaliwang pinto ang cr" mahinahong saad nito

Hinilamos niya ang kamay sa mukha dahil sa matinding frustration. Ayus sana ang sakit sa puso dahil kay Sextans pero nakakaputangina lang kasi hindi lang sakit sa puso ang problema niya, pati sakit sa utak pinuproblema rin niya. Ano pa ba ang dadagdag? Sakit sa baga? Sakit sa bituka? Hayy hindi niya na kaya...


Sa halip na pumunta sa cr, sinubsub niya nalang ang sarili sa kama habang umiiyak. "The one of the solution to ease the pain of yours is to let it out and cry. Kaya umiyak ka kung gusto mo basta huwag mo lang madaliin ang pagkamatay mo dahil may maraming naghahangad ng buhay ngayon. Babalikan kita bukas at makikipag-usap tayo kay Sextans para matapos na to"


"Ayoko. Hindi ko kaya!"aniya


"Kakausapin na natin bukas para isang bagsakan na" anito sabay labas sa kwarto niya


Kahit ayaw niya, may point naman ito. Haharapin na niya bukas para isang bagsakan nalang pero ngayon kailangan niyang umiyak dahil pag hindi niya ito eh-iiyak, sasabog siya anytime at ayaw niyang mangyari yun. Kaya ayun iyak siya nang iyak hanggang makatulog.


Namamaga ang mata niya ng bumangon sa kama. Sabi ng katulong niyang gumising sa kanya, pinagigising na raw siya ni Cepheus at pinagbibihis dahil may pupuntahan daw sila. Alam niyang ang paghaharap nila Sextans ang lakad niya ngayon kaya isang butil na naman ng luha at pumatak sa pisngi niya. Hindi pa pala naubos ang luha niya kagabi?


Nagbihis na siya at simpleng jeans at t-shirt lang ang suot niyang bumaba sa salas. Nadatnan niya si Cepheus na mukhang feel at home sa mansyon niya. Tumikhim siya para makuha ang atensyon ng binata kaya napabaling ito sa kanya.


"Oh your ready so let's go?" tumango lang at tinahak nila ang kotse sa labas ni Cepheus "Get in" anito kaya sumakay siya


Isang park na wala masyadong tao siya dinala ng binata kaya for sure dito sila magkikita ni Sextans. Gusto niyang makausap ng masinsinan ito at gusto rin niya ng closure kahit minuto lang ang tinagal nila.

Sa hindi kalayuan nakita niya si Sextans na nakaupo sa isang upuan. Linapitan nila ito.


"Sextans" tawag ni Cepheus sa kapatid kaya napabaling ito sa kanila

Gaya parin ng dati, in love parin siya rito pero ngayon kailangan niyang itigil ang nararamdaman niya dahil nagiging tanga na siya.


"Totoo ba na wala kang amnesia at pinapaikot mo lang ako?" diretsong tanong niya rito


Kita sa mukha nito ang pagkalungkot at kunsensya. "Magpapaliwanag ako" anito



"Alis muna ako" saad ni Cepheus sabay lakad palayo


Tinignan niya muli si Sextans "Fine. Now explain" aniya




"Oo isa akong gago, bwesit at masahol sa hayop ang ugali pero tao ako may kunsensya. Nasaktan ako sa pang-iiwan ni Angel kaya nagloko ulit ako at ikaw ang unang biktima. Noong una, pinaglaruan lang kita at pinapaikot pero habang tumatagal hindi ko namalayan na nagkagusto ako sayo dahil sa pagiging mabait mo at masungit. Linigawan kita. Totoo iyong panliligaw ko sayo. Linigawan kita kasi baka mapalitan mo si Angel sa puso ko pero one day binawi ko yung papalitan ko si Angel nang makita ko muli siya. Bumalik siya para sakin at bumalik ang pagmamahal ko sa kanya. Naglaho ang lahat satin. Mahal ko si Angel kaya siya ang pinili ko. Kinalimutan kita at  balak sana kitang hiwalayan pero na kukunsensya ako sa ginawa ko sayo kaya pinalabas kong hindi kita maalala at sa tingin ko yun lang ang paraan para sukuan mo ako at kusa kang lalayo. Pero mali ako. Sa halip na sukuan at layuan mo ako, pinilit mong lumaban para sakin. Dun ako sobrang nagalit sa sarili ko kasi sinaktan ko ang taong walang ibang ginawa kundi mahalin at ipaglaban ako. Ang gago ko" anito at ilang butil na luha ang pumatak galing sa mga mata nito "Patawarin mo sana ako sa mga ginawa ko sayo"


Iyak parin siya ng iyak "Sextans, akala ko noong dumating ka sa buhay ko hindi na ko mag-iisa. Akala ko ikaw na yung kukumpleto sakin. Akala ko ikaw yung makakasama ko habang buhay. Akala ko ikaw na pero sabi nga nila maraming nasasaktan sa maling akala" tumawa siya ng mapait "Sextans ang sakit. Sobrang sakit. Tagos hanggang buto yung sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko akalain na grabe ako ka tanga at kamanhid para hindi maramdaman na ginagago muna ako noong una. Ang bobo ko rin kasi nagpapaniwala ako sa mga sinasabi mo. Nabulag ako sa pagmamahal ko sayo kaya hindi ko nakita kung asaan ako sa puso mo. Hindi ko nakita na wala pala ako sa loob ng puso. Alam mo? Nagmumukha akong kontrabida sa kuwento niyo ni Angel. Ako yung pader sa pagmamahalan niyong dalawa kasi minahal kita at hinayaan kong magkagusto ka sakin. Para kitang ninakaw sa kanya. Ang sakit Sextans. Ang sakit..... "




Napakapit siya sa dibdib niya kasi parang pinipiga ito sa sakit. Sana tulungan siya ng sakit niyang Alzheimer's ngayon na kalimutan ang sakit na nararamdaman.


"Zafira patawarin mo sana ako" anito


"Pinapatawad na kita" ngumiti siya ng pilit kahit masakit "Kahit patawarin kita, hindi mo naman ako mamahalin diba? Kaya ano ang silbi ng hindi ko pagtanggap ng tawad mo?" sabay tawa habang dumadalos-os ang luha sa mata "Pinapalaya na kita. Sana maging masaya kayo habang buhay at ipangako mong mamahalin mo siya gaya ng pagmamahal ko sayo. Huwag mong kalimutan ha na minahal ka ni Zafira Hydra Luvdale ng sobra-sobra. Hanggang sa muli nating pagkikita at kahit darating ang panahon na hindi kita maalala, huwag kang mag-aalala kasi may lugar sa puso ko at babaunin ko yun hanggang sa huli kong hininga" aniya



"Paalam at mahal na mahal kita Sextans kahit may mahal kang iba" huli niyang saad bago iwan ang binatang minahal niya kahit kailan niya lang nakilala

Nagmahal Sa Maginoong ManyakWhere stories live. Discover now