Kabanata 5:Ang Muntikang Halik

590 12 0
                                    

"Binibini! Gumising na po kayo!" sigaw ni Ginoong Mordred kaya nagising si Zafira

Naiinis ang dalaga dahil ginising siya ng maaga. Sino kaya ang nagpagising sa kanya?

"Gumising na kayo binibini dahil pinagigising na kayo ni Ginoong Sextans!" sigaw nito na kinainis niya

Bwesittt ka Sextans! Walang hiya ka! Ang himbing-himbing ng tulog ko tapos pinapagising mo ako! Magbabayad ka talaga!

Padabog na bumaba si Zafira sa kama at nagbihis bago bumaba. Parang pinagsakloban siya ng langit at lupa habang bumababa sa hagdan at pinapatay niya ng tingin ang bintang nakangising nag-aabang sa kanya sa dulo ng hagdan.

"Kumusta ang tulog mo, binibini?" tanong nito nang makababa siya sa hagdan

Inirapan niya ito "Ako ay mahimbing na natutulog sa aking kama at bigla akong ginising ni Ginoong Mordred kaya nabulabog ang mapayapa kong pagpapahinga at ang ikinagagalit ko ay pinapagising pala ako ng isang panauhin na walang ibang ginawa kundi landiin ako at inisin araw-araw" mahinahon pero may diing sagot ng dalaga

"Talaga? Nakakaawa ka naman kung ganoon, mahal kong binibini" painusente nitong saad "Huwag kang mag-aalala dahil nasisigurado akong may makisig na pangangatawan at may kaaya-ayang mukha ang nagpagising sa mapayapa mong pagtulog"

"Sa tingin ko ginoo, isang halimaw at may nakakasukang mukha ang nagpagising sakin" aniya sabay lampas sa binata

Sinundan siya nito "Nagkakamali ka binibini! Bawiin mo yung sinabi mo!" galit nitong sabi

Hindi pinansin ng dalaga ang binata at nagpatuloy sa paglalakad papuntang salas.

Sinusunda parin siya ni Sextans na panay puri sarili. "Pwede ba ginoo, tumigil kana! Nakakairita na ang pagpupuri mo sa iyong sarili" reklamo niya

Hindi nagsalita ang binata sa likod niya kaya nilingon niya ito pero paglingon niya, wala siyang makita kahit anino nito. Nagtaka siya pero binaliwala lang niya. Umupo siya sa sopa at nagsimulang maggansilyo ng may biglang kumalabit sa likod niya. Hindi niya ito pinansin hanggang kumalabit na naman ito. Naiinis niyang linapag ang ginansilyo niya at tumingin sa likod. Hindi makagalaw at biglang bumilis yung tibok ng puso ni Zafira dahil sa paglingon niya, sinalubong siya ng mukha ni Sextans.

Sobrang lapit ng mukha nila at paggumalaw ang isa sa kanila ay tiyak na mag-iisa ang mga labi ng dalawa. Dahan-dahang lumayo si Zafira habang nakatingin sa mapupula't malalambot na labi ng binata. Hanggang ngayon hindi parin siya makapagsalita at ang bilis parin ng tibok ng puso niya dahil sa hindi malamang kadahilanan.

"Bakit ganyan ang mukha mo, binibini?" tanong nito sa namumutla niyang mukha "Ayus ka lang ba?"

Hindi siya makapagsalita at parang naestatwa parin siya hanggang ngayon. "Huyy magsalita ka naman" anito

Hindi niya alam kung anong nangyayari sa kanya kaya iniwan niya bigla ang binata at tumakbo papuntang silid-kainan. Baka nagugutom lang siya kaya nararamdam niya ang kakaibang pagbilis ng tibok ng puso niya.

Hinihingal siyang umupo sa isa sa mga silya paharap sa magarang mesa ng silid-kainan "Anong nangyayari sayo, binibini?" tanong ni Ginoong Gawain na naghahanda ng agahan

"Hindi ko po alam kung anong nangyayari sa akin" sagot niya

"Alam mo!? Ikain mo nalang iyan kasi baka nagugutom ka lang" sabi ng ginoo

"Mukhang tama po kayo"aniya sabay kuha ng pagkain

Habang kumakain siya biglang pumasok si Sextans at umupo paharap sa kanya."Bakit mo ako iniwan?" tanong nito nang hindi siya tinitignan

Nagmahal Sa Maginoong ManyakWhere stories live. Discover now