Kabanata 15: Katutuhanan

372 6 0
                                    

Alam niyang lahat ng narinig niya ay mali pero kahit anong gawin niya sumasagi parin sa isip niya ang taong Paano kung totoo ang sinabi ng kanyang inaama? Hindi na niya talaga maiwasang maiyak sa katutuhanang pinipilit niyang hindi paniwalaan.

"Si Ginoong Beowolf Diell, ang Alkalde ng bayan ng Dalaguete at ama ng iyong kasintahang si Sextans Pornue, pumatay sa mga magulang mo. Siya ang nagpautos na sagasaan ang sasakyang lulan ang magulang mo. Siya ang dahilan kung bakit ka na naulila at siya ang dahilan kaya nag-iisa ka ngayon"

Umiling-iling lang si Zafira habang umiiyak. Ayaw ng paniwalaan ang katutuhanang sumampal sa kanya. Ayaw niyang paniwalaan na ang ama ng taong mahal niya ang dahilan kung bakit nagdudusa siya ngayon. Napahangolhol siya dahil sa sakit ng katutuhanang sumampal sa kanya. Parang pinipiraso at dinudurog ang puso niya.

"Sumama ka na sakin pabalik sa mansyon at putulin mo ang relasyong namamagitan sa inyo ni Sextans na anak sa pumatay sa magulang mo" sabi ng kanyang inaama

Hindi na nagdalawang isip na sumama rito dahil ayaw na niyang makita ito. Kasi kapag nakikita niya ang mukha nito, bumabalik ang araw ng pagkawala ng dalawang taong minahal niya ng lubos.

Naunang lumabas ang inaama niya kaya sumunod siya rito. Namumugto ang mata niya habang naglalakad palabas sa uniberisidad. Nang makalabas na siya sumakay siya kaagad sa karuwahe at bago niya isira ang pinto, nakita niya si Sextans na tumakbo palabas. Pumapatak galing sa noo ang pawis at hinihingal ito. Bakas sa mukha nito ang pagmamakaawa na huwag siyang umalis pero pinikit niya ang mata niya kasabay ng pagpatak ng luha niya at nang binuksan niya ang  mga mata niya, una niyang nakita ang lumuluhang si Sextans. SAKIT. Iyan ang namalagi at nagpapaiyak sa kanya ngayon. Masakit makita ang mahal niyang lumuluha dahil sa paglisan niya. Masakit iwan ang taong nagmamahal sa iyo ng lubos at minamahal ka rin ng lubusan pero ang pinakamasakit ay malaman ang katutuhanang ang ama ng mahal mo ay siyang dahilan kung bakit ka nag-iisa at kung bakit namatay ang magulang mo.

Muli niyang tinignan ang umiiyak na si Sextans. Kahit masakit ay pinilit niyang isara ang pinto ng karuwahe. "Zafira huwag mo akong iwan!" sigaw nito sa labas

Napahagulhol nalang siya-iyan nalang kasi ang magagawa niya. Kahit mahal niya si Sextans, hindi parin niya kasi masikmura na ang sariling ama nito ang kumitil sa buhay ng mga magulang niya at ang ama nito ang dahilan kung bakit nagdudusa siya ngayon.

Nagsimula ng umandar ang karuwahe at walang lingon likod niyang linisan ang uniberisidad. Kailangan niyang umalis muna at layuan si Sextans para makapag-isip-isip kung ano ang gagawin.

********

Naluluhang tinignan ni Zafira ang apat na sulok ng silid-tulugan niyang nagsisilbing kulungan niya. Isang linggo na ang nakaraan at kain tulog basa ang palagi niyang ginagawa. Tungkol naman sa binatang si Sextans, wala na siyang alam kung ano nangyari rito. Masakit na malayo rito pero pinilit niyang magpakatatag. Nakausap niya ang inaama niya patungkol sa mga magulang niya at ang sabi nito ay tutulungan siya nitong makamit ang hustisya. Nakikita naman niya ang sinasabing tulong nito dahil ngayon ay umalis ito at nagsampa ng demanda laban sa ama ni Sextans. Mahirap pero kailangan niyang LUMABAN para makamit niya ang hustisyang inaasam-asam kahit ama pa ng taong mahal niya ang kalaban niya.


Naninikip na naman ang dibdib niya kakaisip sa mga masasakit na pangyayari kaya napag-isipan niyang lumabas at makalanghap ng sariwang hangin. Nang makalabas na siya, napangiti siya ng tumama ang sikat ng araw sa balat niya. Matagal kasi niyang naramdaman ang init na dala ng araw na tumatama sa balat dahil ikinulong niya ang sarili niya sa apat na sulok ng mansyon. Naglalakad siya papunta sa hardin at natuwa siya ng makita ang mga naggagandahang bulaklak. May iba't ibang kulay ang mga ito na siyang dahilan kung bakit napapatingi siya ng abot tenga pero naglaho ang matamis niyang ngiti ng makita ang mukha ng taong isang linggo na niyang hindi nasilayan.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya

Linapitan siya nito at bakas sa mukha ng binata ang pagkalungkot at pagdudusa dahil sa sitwasyon nila "Bakit mo ako iniwan? Kung kailan sinagot muna ako, saka mo ko iiwan? Pinagloloko mo ba ako?"

Hindi niya mapigilang maluha dahil sa trato ng binata sa kanya at dahil pati siya nahihirapan na "Sextans......hindi ko na kasi masikmura na makita ka" aniya

Kumunot ang noo nito at naguguluhan "Putangina Zafira! Ganon na ba talaga ako ka pangit sa paningin mo?"


"Sextans naman....patapusin mo muna akong magsalita. Pwede ba?"

"Sigi pero siguraduhin mong may katuturan iyang paliwanag mo" anito

Buntong-hininga siya "Sextans namatay ang mga magulang ko dahil sa isang aksidente. Na sagasaan ang sinasakyan nilang sasaktan dahil nawalan nang preno ang sumagasa sa kanila at dahil doon naging mag-isa ako at nagdudusa, pumipilit na lumalaban sa buhay mag-isa. Pero nagulat ako dahil noong nakaraang linggo, nalaman ko na hindi aksidente ang nangyari sa aking mga magulang. Planado ang lahat. Plinano natanggalan ng preno ang sumagasa sa sasakyan ng mga magulang ko at balak talaga nilang patayin ito at swenerte sila dahil nagtagumpay silang tuldukan ang buhay ng mga magulang ko. Pero alam mo kung anong mas masakit?" napapakapit siya sa dibdib niya dahil sa paninikip at dahil sa sakit na naramdaman niya "Ama ng taong mahal ko ang nagpapatay sa mga magulang ko na siyang dahilan kaya na ulila ako at yun ay walang iba kundi si Ginoong Beowolf Pornue, ang ama mo...."


Nabigla ito at hindi makapaniwala sa nalaman. Biglang tumulo ang luha nito "Naniniwala ako sa mga sinabi mo kasi talagang masamang tao ang ama ko" aniya sabay kuha ng kamay ko "Pero ang ama ko ang gumawa non, hindi ako kaya nakikiusap ako, huwag mong tuldukan ang relasiyon nating kakasimula palang. Huwag mo akong iwan"


"Hindi mo alam kong gaano ako nasasaktan dahil sa paghiwalay nating dalawa. Kung pwede palang bumalik sayo, ginawa ko na sana pero hindi talaga pwede"

"Bakit?"

"Kasi pinagbabawalan ako ng aking inaama at sa tuwing nakikita kita, bumabalik ang alaala nong gabing nawala ang mga magulang ko. Masakit para sakin na alalahinin ang nakaraan kaya ngayon maghiwalay muna tayo"


Binitawan niya ang kamay ko "Hindi. Hindi ko kaya at alam mo yun!" sigaw niya


"Sextans sa ngayon lang naman tsaka hindi naman tatagal ang paghihiwalay natin"



"Ayoko ko nga!" sigaw nito at mukhang galit na galit



"Sextans naman... Intindihin mo ako kahit ngayon lang" pagmamakaawa niya



Umiiyak parin silang dalawa pero alam niyang si Sextans ang nasasaktan ng sobra "Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?" tanong niya at tinanguan niya lang ito "Sigi kung ganon. Aalis na ako" anito sabay alis pero hinawakan niya ang kamay nito



"Sandali....." aniya sabay yakap dito "Lagi mong tandaan mahal na mahal kita kahit malayo ka"



Kumalas ito sa pagkakayakap at hinalikan siya "Mahal na mahal din kita" anito sabay alis



Parang pinipiga ang puso niya habang tinitignan ang papaalis na si Sextans. Masakit para sa kanya na hiwalayan ito pansamantala pero wala siyang ibang magawa. Pagnakikita niya ang binata nasasaktan siya dahil bumabalik ang masakit na alaala ng pagkamatay ng mga magulang niya pero pag hindi niya nakikita ang binata masakit parin dahil na mimiss niya ito. Hindi na niya alam ang gagawin niya ngayon. Litong-lito na siya dahil sa lahat ng pipiliin niyang desisyon, masasaktan parin siya.

Nagmahal Sa Maginoong ManyakWhere stories live. Discover now