Kabanata 8: Pag-alis

606 11 0
                                    

Nakatulala parin si Zafira dahil sa ginawa nila kanina ni Sextans. Halos mawala ang pagkabirhen niya kase umatake ang paakamarupok niya.

"Bakit nakatulala ka diyan? Ano gusto mo take two?" nabalik siya sa reyalidad ng magsalita si Sextans sa harapan niya

"Alam mo napaka bwesit mo!?"

"Walang anuman binibini. Nagagalak akong mapaligayahin ka" halos bumuga siya ng apoy dahil sa pagkainis. Ang bastos talaga nito.

Umalis si Zafira sa salas kung saan siya nakatambay at pumunta sa silid-aklatan. Hindi niya namalayan na nakabuntot sa kanya si Sextans. Umupo siya sa isang upuan at nagsimulang magbasa. Biglang sumulpot si Sextans sa harapan niya kaya napatalon siya sa gulat.

"Bakit ka ba nanggugulat ha? At bakit ka nandito? Ayokong makita ang pagmumukha mo kaya umalis kana" pagalit niyang sabi

"Sabi mo eh!! Sigi aalis nako" sabi nito sabay alis

"Sandali! Dito ka lang!" dali-dali niyang hinigit pabalik ang kamay ni Sextans

"Iihi ako. Ano sama ka?" nahihiyang binitawan ni Zafira ang kamay ng nakangising si Sextans

"Bakit naghahanda kayo ng maraming pagkain?" tanong ni Zafira dahil ang daming pagkain ang inilatad sa mesa

"Ngayon na po babalik ang alkalde, binibini" sagot ni Ginoong Gawain

Nagulat si Zafira dahil sa ngayon na pala uuwi ang kanyang inaama. Babalik na naman pala sa dati ang buhay niya. Makukulong na naman siya sa malaking mansiyon na ito at magiging limitado na naman ang mga kilos niya. Magiging walang silbi naman ang buhay niya at mamabulok na naman siya dito. Dahil babalik na ang kanyang inaama, ibig bang sabihin nito aalis na rin si Sextans? Hindi na ba sila muli magkikita?

Dali-daling hinanap ni Zafira si Sextans at nakita niya ito sa sariling silid-pahingahan na nagliligpit ng gamit. Nakauwang ang pinto kaya walang ingay niyang pinasok ang silid. Nakatayo siya sa likod nito at parang may kirot siyang nararamdaman habang tinitignan ang binata na naghahandang umalis.

"May sasabihin ka?" Nagtataka siya kung bakit alam ni Sextans na nasa likod siya nito

"Hah? Wala!" iiwan mo na ba ako?

"Ah talaga?!"

Umupo siya sa gilid ng kama ni Sextans at nasasaktang sinisilayan ang binata. "May kailangan kaba?"

"Wala" maikling sagot niya

"Eh bakit ka nandito?"

"Wala lang. Aalis kana ba talaga?" pinipigilan ni Zafira na umiiyak sa harap ng binata

"Oo dahil tapos na ang pamamalagi ko dito"

"Hindi ba pwedeng dito ka nalang mamalagi?" tanong na naman niya

"Hindi na pwe--teka bakit ganyan ka?" ngumisi ito "Ayaw mong umalis ako no dahil nahuhulog ka na sakin?"

Mabilis pa sa alas kwatro na umiling ang dalaga "Hindi no! Ano ka sinuswerte?"

"Sus sabihin muna kase. Ayus lang naman sakin na umumin ka"

"Che iwan ko sayo!" padabog na tumayo si Zafira at handang ng umalis pero pinigilan siya nito

Hinawakan ni Sextans yung kamay niya "Gusto mong makasama ako no?"

"Hindi ko ibig na makasama ang isang kagaya mo ginoo dahil lubhang nakakainis at nakakasuka ang mga katagang lumalabas sa bibig mo!"

Ngumisi si Sextans na naging dahilan para kabahan si Zafira. Humakbang ito palapit sa kanya kaya napaatras siya. Patuloy itong humahakbang kaya patuloy din siya umaatras haanggang sa maramdaman niya yung pinto sa likod niya. Lumapit ang mukha ni Sextans sa mukha niya.

Nagmahal Sa Maginoong ManyakWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu