Kabanata 10:Muling Pagkikita

428 10 0
                                    

Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita. "Arayyyyyyyyy" napahiyaw siya sa sakit dahil hinila lang naman siya ni Sextans. Mukhang galit na galit ito dahil ginambala niya sa ginagawang milagro.



"Anong ginagawa mo dito?" marahas siya nitong binitawan

"Nag-aaral" sagot niya sabay irap

Tumayo ito ng matuwid at halatang nagpipgil na mainis "Umalis kana" mautoridad nitong utos

"Ayoko!" sigaw niya "Tsaka bakit mo ako papaalisin? Bakit gusto mong balikan ang babaeng mukhang hito na yun?"

"Hindi ko na yun babalikan kasi nandito kana" anito sabay alis

Umirap nalang siya sa hangin at umalis na rin. Pumunta na siya sa kanyang dormitoryo at humilata sa kama. Hindi parin niya makalimutan ang nasaksihan kanina. Nakakadiri talaga ito at nakaramdam siya ng pagkainis sa nakatalik ng binata kanina. Mukha itong hipon at ang landi-landi talaga nito.

______

Bumangon na si Zafira dahil malapit ng magsimula ang unang klase niya tapos mag-aagahan pa siya. Naligo siya tapos nagbihis at lumabas na. Nang makapasok siya  sa kapiterya gaya parin ng dati, ang dami paring tao. Ilang minuto naman siyang pumila matapos makakuha ng pagkain. Umupo siya sa bakanteng upuan at nagsimula ng kumain. Sa gitna ng pagkain niya may biglang sumulpot sa harapan at wala nang iba kundi si Sextans ang Maginoong Manyak.

"Anong ginagawa mo rito?" nagmamataray siya

"Wala lang. Gusto ko lang makita ang nakakaakit mong mukha" anito habang nakatitig sa kanya

"Umalis kana nga!" pagtataboy niya rito

"Ayoko nga. Gusto ko pa kitang ma kasama"


"Doon kana lang sa babaeng higad na nakatalik mo kahapon"

"Uyyy nagseselos siya" pang-aasar nito

"Hindi ako nagseselos no tsaka ayoko sayo" pero ang totoo, gusto niya ito pero pinipigilan niya lang takot kasi siyang mahulog rito at masaktan dahil nasisiguro siya na hindi siya nito sasaluhin. Masakit mang tanggapin pero dapat talagang harapin ang katutuhanan dahil yun ang totoo.



"Huyy tara na dahil mahuhuli kana sa klase mo" napatingin siya rito at nagpatanto niya malapit na pala ang unang klase niya

Dali-dali siyang lumabas sa kapiterya at pumunta sa kanyang silid-aralan pero naramdaman niyang nakasunod sa kanya ang binata "Bakit ka nakabuntot sakin?"


"Ihahatid kita" maikling sagot nito

"Huwag na. Kaya ko namang pumasok mag-isa. Salamat nalang"

"Hindi. Kailangan kong ihatid kita para walang makalapit sa na ibang lalaki sayo"


Tumaas ang kilay niya "Masama ba na may lumapit sakin na lalaki?"

"Oo masamang-masama dahil akin ka, pag-aari kita at para sakin ka lang" anito sabay halik sa noo niya "Hintayin mo ako dito dahil sabay tayong magtatahalian" anito sabay alis at naiwan siyang nakatulala


Halos lumabas sa dibdib niya ang puso niya. Hinalikan siya nito sa noo at hinatid siya nito sa kanyang silid-aralan. Panaginip lahat ba ito? Nang mapagtanto niya na hindi ito panaginip, pumasok na siya na lutang at parang timang na nakangiti. Sandali bakit nakangiti siya? Wala lang naman yung paghalik nito sa noo niya tsaka hinatid lang naman siya nito. Hindi yun malaking bagay pero bakit para sa kanya ang lalaki-laki na ng epekto nito?


Natapos na lang ang klase, ang paghalik parin ni Sextans ang laman ng isip niya. Hindi niya parin ito makalimutan at paulit-ulit niya itong naiisip. Lumabas na siya at nabigla siya dahil nakita niya si Sextans na may hinihintay.


Nagmahal Sa Maginoong ManyakTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang