Kabanata 18:Sakit Ni Zafira

395 8 0
                                    

Kumakain sila ngayon sa parke at nagkukulitan sina Alucard at Sextans na ikinainggit ni Zafira. Miss na miss na niya si Sextans. Ang pang-aasar nito at ang pagiging malambing nito.

"Magandang umaga binbini" bati ni Sextans sa  dumaang babae sabay kindat at kinikilig naman ang haliparot na babae

Nanggigil si Zafira sa selos at parang mapapatay niya ang babae. "Huyy tukmol! Andito ang jowa mo! Itigil mo yang pagiging babaero mo!" sigaw ni Alucard

Kumunot ang noo at tumawa si Sextans "Wala akong jowa sa ngayon noh kasi hindi ko siya maalala" anito sabay tingin sa kanya

Umiwas ng tingin si Zafira para ikubli ang namumuong luha sa kanyang mata. Masakit para sa kanya ang sitwasyon nila ngayon ng binata pero hindi niya ito susukuan at iiwanan dahil mahal na mahal niya si Sextans at kahit masakit titiisin niya.

"Magiging maayos din ang lahat" saad ni Cepheus na biglang tumabi sa kanya

Tumango-tango nalang siya at bumuntong-hinga. Inayos niya ang sarili niya at nagkunwari na naman na maayos sa harap ni Sextans at sa mga kaibigan nito pero ang totoo, wasak na wasak na ang puso niya at si Cepheus lang ang may alam nito.

Ilang sandali ang lumipas, dumating ang ina ni Sextans kaya humiwalay ang mga ito at nag-usap ng masinsinan. Samantalang sina Alucard at Miya ay umalis din para mamasyal kaya sila lang dalawa ni Cepheus ang naiwan.

"Ayus ka lang ba?" tanong ni Cepheus

"Ayus lang ako" sagot niya

Tumango lang si Cepheus at nabalot sila ng katahimikan. Lumipas ang ilang minuto, binasag ni Zafira ang katahimikan.

"Ayus lang ako" pag-uulit niya

KUMUNOT ANG NOO NI Cepheus dahil sa sinabi ni Zafira. Bakit inulit nito ang sinabi kanina?

"Cethues asaan tayo?" tanong nito kaya nadagdagan ang pagkakataka niya

"Cepheus ang pangalan ko at hindi mo ba alam ang lugar nato?"

"Alam ko pero....... Nakalimutan ko" anito

Nabahala ang binata dahil sa inaakto ni Zafira. Nagtataka siya habang tinitignan si Zafira na nakatulala. Ano bang nangyayari kay Zafira? Ayus lang ba ito?

Lumipas ang ilang minuto, dumating na sina Sextans at ang ina nila na mukhang masaya at nagkakasundo na. Natuwa siya dahil naging maayos na ang ina niya tungkol sa kapatid niya at tingin niya sa syudad na ito titira kasama ng ibang nilang kapatid.

Tinignan niya si Zafira na nakatulala parin. "Zaf tara na" tumingin ito sa kanya na may blangkong mukha at tumango

"Talaga bang ayus ka lang?" tanong niya

"Oo ayus lang ako" anito "Tara alis na tayo. Gusto ko ng magpahinga" dagdag pa nito sabay lakad patungong kanan

"Zaf sa kaliwa ang daan hindi sa kanan" pagtatama niya

Tumango naman ito at naglakad patungong kaliwa. Nagtataka na talaga siya sa dalaga.

Biglang sumulpot si Miya sa gilid. "Anong nangyayari kay Zafira. Bakit parang ang lutang niya?" tanong niya

Nagkabit balikat siya "Hindi ko alam pero ngayon na papansin kong nagiging makakalimutin siya"

Tumango-tango lang si Miya at bumalik kay Alucard. Sinundan niya si Zafira at nakita niya itong linapitan ni Ginoong Mordred.

"Sino ka? Bakit mo ko linalapitan?" tanong nito kaya linapitan din niya ito

"Zafira si Ginoong Mordred yan. Hindi mo ba maalala?" tanong niya

Nagmahal Sa Maginoong ManyakWhere stories live. Discover now