Chapter Four

9.3K 232 8
                                    

NA-REALIZE ni Coleen na mas mahirap pala na mas malapit siya kay Cedric at madalas silang nagkikita. Hindi katulad noong nasa Singapore siya at patawid-tawid naman ng bansa si Cedric. Mas smooth ang relasyon nila noon. Wala silang pakialam sa mga naglalabasang isyu na nakakabit sa kanila. They trusted and understand each other. But everything has changed kung kailan pareho na silang naglalagi sa Pilipinas.

Hindi niya maintindihan kung bakit. She felt there's something wrong with their relationship. Thinking of the scene at Cedric's unit, she had thought that he was cheating on her. Hindi siya satisfied sa paliwanag nito tungkol sa pagpunta ni Lara sa unit nito. Malakas ang kutob niya na may mali sa senaryo. Masyadong manipulado.

Tatlong araw na hindi nagparamdam si Coleen kay Cedric. Kahit ilang beses itong tumatawag sa kanya ay hindi niya pinapansin. Nagpapakaabala siya sa kanyang trabaho. She's trying to resolve her own mess that silently killing her confidence. She must stronger than before.

Wala pang isang taon ang relasyon nila ni Cedric kaya hindi dapat siya muna mag-expect ng perfection. Marami siyang kailangang dapat unahin at pagtuunan ng pansin. Isa na roon ang pamilya niya. May pangarap pa siyang magkabahay. Worth two million ang gusto niyang bahay. Nasa plano rin niya ang pag-invest ng business. At siyempre, ang pangarap niyang maging mahusay na interior designer. Kapag stable na ang buhay niya at naabot na niya ang kanyang goal ay maari na siyang magretiro sa maingay na industriyang kinabibilangan niya.

Pagkatapos ng halos tatlong oras na fashion show ay tumambay sa dressing room si Coleen. Binura niya ang makapal niyang makeup at pinalitan ng manipis. Light pink lang ang lipstick na ginamit niya. Kaunting blush on at foundation. Inalis na niya ang mascara. Inisang tali niya na mataas ang kanyang buhok. Fitted yellow jeans ang suot niya pang-ibaba at puting blouse naman pan-itaas. Mabuti na lang may baon siyang two inches sandals.

May usapan sila ng co-model niyang si Crystel na mag-unwind sa bar ng kapatid nito. Matagal na niya iyong hindi nagagawa kaya pumayag siya sa paanyaya nito. Nang makontento siya sa hitsura niya ay isinukbit niya ang kanyang puting shoulder bag at binitbit ang katamtamang laking paper bag kung saan niya inilagay ang mga hinubad niyang damit at sandals.

Pagdating niya ay na-trap siya sa tapat ng dressing room ng mga lalaki. Nakatambay kasi ang mga male model sa labas suot ang kani-kanilang irarampang damit. Sa dami ng nagguguwapuhang lalaki roon ay tanging isa sa mga ito ang umagaw sa atensiyon niya. Si Franco, na suot ang bagong desinyo ng sikat na jeans. Topless ito at tanging itim na necktie ang nakasabit sa leeg nito.

Abala ang binata sa pagtipa sa cellphone nito habang nakasandig ito sa dingding malapit sa pinto ng dressing room ng mga ito. Bagong gupit ang buhok nito. Pangkaraniwang barber cut lang ang style ng buhok nito at may kaunting mga hibla na nakalawit sa noo nito. This guys really cool for her. His dominating aura always caught her attention.

Hindi kaagad niya naiiwas ang kanyang paningin nang hagipin siya ng paningin nito. Nahuli nito ang mga mata niya. Bigla siyang nailang pero hindi na siya nag-abalang umiwas ng tingin. Dahil busy ito sa cellphone nito, hindi siya umaasa na mababaling sa kanya ang atensiyon nito. But he gave her an affiliative smile. Because of his presence, she didn't fell the absence of other creatures around her. It seemed like she's inside the round place that everything around her was exclusively for her and Franco. That was a peculiar feeling. She doesn't even aware when he stepped toward her. He was standing on front of her-a bet closer.

Nagulantang na lang siya nang may bumundol sa kanya buhat sa likuran. Napahakbang siya paharap at sumubsob siya sa matigas na dibdib ni Franco. Maagap naman ang mga kamay ng binata sa pag-alalay sa kanya. Kinapitan siya nito sa kanyang magkabilang braso.

"That's cool," komento ng ibang lalaking nasa paligid nila.

Mabilis siyang kumilos palayo kay Franco. Malapad ang ngiti nito habang pinagmamasdan siya.

Obsession 2, Claiming Her (Completed)Where stories live. Discover now