Chapter Seven

9.5K 267 28
                                    

WALANG kahirap-hirap na nakuha ni Coleen ang kanyang driver's license. Pero kahit puwede na siyang mag-drive ay tinatawag pa rin niya si Donny kapag may pupuntahan siyang lugar na hindi niya kabisado. Dalawang linggo na ang lumipas simula noong magsimula ang taping ng pelikula na kinabibilangan niya.

Nasorpresa ang dalaga nang makatanggap siya ng invitation mula sa RM movie production. Ito ang kompanya na madalas ay nagpo-produce ng mga daring movies. May niluluto raw na bagong project ang mga ito at need ng bagong talents. Nae-excite siya. Natutuwa rin siya dahil puro papuri ang natatanggap niya mula sa director ng on-going project niya.

Mukhang masuwerte talaga sa kanya ang taong ito. Maliban sa sunud-sunod na oportunidad sa showbiz ay dalawang project na ang naipagkatiwala sa kanya ni Franco. Ang nakakatuwa pa roon ay tinupad ng butihing binata ang pangako nito na ima-manage ang construction ng pangarap niyang bahay. Pero sa kabila ng blessing na natatanggap niya, ang kapalit naman nito ay ang paglala ng away nila ni Cedric. Talagang sinusubok ang relasyon nila dahil may lumitaw na namang litrato nito na kasama si Lara na magkasamang lumabas sa isang hotel. Iyon na ata ang pinakamalaking dagok sa relasyon nila. O baka simula pa lang iyon.

Kahit siguro balatan niya ng buhay si Cedric ay hindi niya ito mapapaamin kung ano ba talaga ang tunay nitong relasyon kay Lara. Pumutok din ang balita na hiwalay na si Lara sa boyfriend nitong Atleta. Malamang hindi na rin kinaya ng boyfriend nito ang isyu tungkol kay Lara at Cedric. O kaya'y natuklasan nito ang totoo.

Dahil wala siyang makuhang matinong sagot kay Cedric ay naglakas-loob siyang mag-set ng appointment kay Lara. Pinagbigyan naman siya nito. Nagkita sila sa isang hotel sa Quezon Avenue at umukupa ng VIP dining room. Nauna siyang dumating at nakapag-order na rin siya ng pagkain.

Nang makita niya nang personal ang babae ay kaagad na uminit ang dugo niya. Mas matapang itong tingnan kaysa kanya. Nakasuot ito ng pulang dress na hantad ang kalahating hita nito. Nakalugay ang aalon-alon nitong buhok na blonde na hanggang baywang ang haba. Nakasuot pa ito ng sunglasses. Mas matangkad ito sa kanya pero ipinagmamalaki niya na mas maganda ang katawan niya kaysa rito at proud siya sa natural niyang ganda. Humarap siya rito na manipis lang ang makeup niya nang magkaalaman kung sino ang mas maganda.

Naka-dress din siya na kulay asul at half-shoulder. Mas mahaba lang nang konti ang laylayan nito sa suot ni Lara. Inisang-bungkos naman niya ang kanyang buhok na mataas. Maliliit na jade stone ang hikaw niya at dalawang bangles na silver. Iyon lang ang alahas na suot niya.

Nang umupo ito sa katapat niyang silya ay itinaas nito sa ulo ang sunglasses nito. Dapat lang dahil ayaw niyang makipag-usap sa taong nakatago ang mga mata. Saktong dumating din ang order niyang pagkain. Hinintay niyang makaalis ang waiter bago sinimulan ang litanya niya.

"So, may matino ba akong sagot na makukuha mula sa 'yo? Hanggang kailan kayo magwawalang-bahala ni Cedric sa naglalabasang isyu tungkol sa inyo? Ilang beses nang sinabi sa akin ni Cedric na magkaibigan lang kayo pero ni minsan ay hindi siya nag-abalang ipakilala ka sa akin ng maayos bilang kaibigan. Kung ikaw sa part ko, ano ang iisipin mo?" palatak niya.

Ngumisi si Lara. "Actually, my life became miserable since I met Cedric. But he was a good friend of mine. I ignored all the issues about us because I know it's just a rumor. I know what you had felt right now, Coleen, and understand you. But of course, there's always a back story before we reach the point where we stand know. Because of Cedric, I had lost my boyfriend. Sometimes I asked myself if is it bad to have a guy friend who is related to my past?" litanya rin nito.

Nalukot ang noo niya. Ano'ng ibig nitong sabihin? Na may nakaraan ito kay Cedric?

"What do you mean by past?" tanong niya.

Obsession 2, Claiming Her (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon