Chapter Eleven

10K 261 3
                                    

HINDI pa man nagsisimula ang taping ng bagong project ni Coleen ay marami nang naglalabasang komento ang haters niya na against sa kanya. Kasehodang desperada na siyang sumikat kaya pinatos niya ang daring movie. Well, inaasahan na niya iyon, but she doesn't care.

Binigyan na siya ni Cedric ng kalayaan dahil kung hindi ay lalo lamang lalala ang pagtatalo nila. Pero alam niya, hindi ito masaya sa desisyon niya. Umaasa siya na maiintindihan din siya nito. Subalit kasabay ng mga naglalabasang isyu tungkol sa kanya ay isang litrato ang gumimbal sa kanya. Kumalat sa social media ang litrato ni Cedric na kasama ang ex-girlfriend nitong si Natalie. Nakuhaan ng litrato ang dalawa sa labas ng Calla studio.

Hindi niya alam kung ano ang iisipin niya. Halata sa litrato na malaki na ang tiyan ni Natalie. Obvious na gabi nakuha ang litrato dahil madilim ang paligid ng mga ito. Masyadong malapit sa isa't-isa ang dalawa at mukhang seryosong nag-uusap. Hindi niya maalala kung kailan siya huling sinundo ni Cedric sa Calla na gabi. Imposibleng pupunta ito roon kung wala siya, maliban na lang kung may iba itong pakay.

Sa pagkakataong iyon ay hindi siya basta nagpapaapekto. Hindi na siya katulad dati na mag-iisip kaagad ng masama kapag may lumabas na litrato ni Cedric na may kasamang babae. Pero hindi niya puwedeng palagpasin ang isyu na 'yon. Sinubukan niyang tawagan si Cedric pero busy ang linya nito.

Alas-otso na ng gabi. Dapat ay nakauwi na ito sa unit nito kung wala itong schedule sa modeling. Hindi rin ito naka-on-line sa Facebook o kahit sang social media account nito. Bumuntong-hininga siya. Inilayo na lamang niya ang kanyang mga gadgets para makatulog siya. Kailangan niyang magising nang maaga dahil maaga ang biyahe nila papuntang Subic kung saan kukunan ang unang taping sa bagong project niya.

KINABUKASAN ay maagang nakarating si Coleen sa RM studio. Tinawagan na niya si Donny para mag-drive para sa kanya. Marami siyang dalang gamit dahil three days raw aabutin ang taping nila sa Subic. Naroon na rin ang ibang artist at maging ang direktor ng pelikula. Si Ms. Cynthia ang nag-assist sa kanila. Ang ibang casts ay naki-ride na sa kanya. Handa na silang lahat pero ang leading man niya ay hindi pa niya napapansin. Late comer talaga ito.

Pagdating sa isang beach resort sa Subic Bay ay kaagad silang dumeretso sa hotel room na nakalaan sa kanila. May private mansion house ang resort na exclusive lang para sa kanila. May nakahanda nang pagkain at meron ding mga kuwarto. Pero silang mga artista ay nasa five story building ang room. Kasama niya sa kuwarto ang kanyang make-up artist na si Alicia.

Nag-lunch na silang lahat saka naman dumating si Franco. Ang paimportanteng leading man niya. Nagkaroon sila ng short meeting at orientation bago ang simula ng taping. Magsisimula sa beach area ang unang part ng taping, kung saan unang pictorial ni Coleen AKA Sabrina, na kukunan naman ni Franco, AKA Fernando, the photographer and the boss.

Ang unang senaryo, maa-attract si Sabrina kay Fernando at magkaroon ito ng lihim na pagnanasa. Sa kuwento, engaged na si Fernando sa long time girlfriend nito. Pero unang kita pa lang ni Fernando kay Sabrina ay nakaramdam na ito ng interest.

Here they go. Bago lumubog ang araw ay nasa beach area na si Coleen at ang ibang staff. Ang kunwaring photographer na si Franco ay hawak na ang malaking camera. At dahil nasa beach sila, ternong itim na underwear ang suot ni Coleen. Si Franco naman ay nakasuot ng Hawaiian short pants at puting polo na hindi nakabotones upang may hunk impact habang nililipad ng hangin ang damit nito. Nakalugay naman ang aalon-along buhok ni Coleen habang nililipad rin ng hangin.

Nakapuwesto na ang dalaga sa dalampasigan na hanggang hita niya ang tubig. Mabuti hindi masyadong maalon.

"Okay, let's start from the beginning!" sigaw ni Ms. Helen, the movie director.

Pumuwesto na rin si Franco sa tapat niya at inihahanda ang camera. Hindi sigurado si Coleen kung marunong kumuha ng magandang litrato si Franco. Well, that not an important thing. Acting lang naman.

Obsession 2, Claiming Her (Completed)Where stories live. Discover now