Chapter Five

9.7K 260 8
                                    


"OKAY. Have you bring some requirements?" tanong ni Franco na siya bumasag sa katahimikan.

Ibinalik ni Coleen ang tingin kay Franco. Pagkuwan ay iniabot niya rito ang naka-folder niyang resume kasama ang sketch ng design niya at tablet gadget kung saan niya nai-save ang digital design. Hindi na tiningnan ni Franco ang resume niya. Una nitong tiningnan ang digital design niya. Kinakabahan siya habang hinihintay ang komento nito.

"Okay naman ang designs mo pero siguro konting improve pa sa spacing at color. Medyo dull kasing tingnan at para sa akin medyo old fashioned ang design. Pero puwede na ito. There's always room for improvement naman, eh. Sa physical sketch, okay sa akin," komento ni Franco.

Inaasahan na niya ang komento nito. At least hindi harsh ang komento nito the way na madi-discourage siya.

"Thank you. What about my resume?" aniya.

Matamang tumitig sa kanya ang binata. Deretsong tumitig din siya sa mga mata nitong malagkit kung tumitig. Awtomatikong bumaba ang tingin niya sa kissable lips nito. Sandaling kinagat nito ang ibabang labi nito.

Sanay na siyang nakaka-encounter ng mga guwapong lalaki at hunk pero hindi naman siya mabilis naa-attract. Kung tutuusin ay maraming mas guwapo kaysa kay Franco sa modeling industry. But she admitted that Franco has seductive look. Every time she saw him even accidentally, his appearance was really attractive.

Nabanggit sa kanya minsan ni Farlie na pinag-aagawan ng ilang movie producer si Franco dahil sa natural acting skill nito. Pero mukhang walang interes sa pag-aartista ang binata. Iniisip niya kung ano ang mga posibleng dahilan.

Nabaling ang tingin ni Coleen sa mga kamay ni Franco na pinagsupling nito. He took a deep breath and he bit his lower lip again. She felt something hot element ran toward her innermost, awaken her unexpected lust. It's an awkward to remember the fact about his lips, that those lips had been owned her first kiss. She took a quick bit on her lower lip as she respond to him. So lustful idea. She shook her head just to set her mind in normal.

Ano ba ang ginagawa mo, Coleen? Sita ng kontrabida niyang isip.

Iniisip na lang niya na normal lang iyon sa isang babae na nakakasalamuha ng seductive na lalaki. His smirk turned her mind back in reality. Ngumiti na lamang siya.

"Honestly I hate reading resumes. I prefer for a personal interview," wika nito pagkuwan.

"Okay," sabi lang niya.

"The first thing I wanted to ask and to know is about your reasons why you need extra income or a job. I think your job was enough to sustain your needs or even your family's needs. Wala ka pa namang sariling pamilya," he said with ironic smile on his lips.

"Gusto ko lang ma-secure ang future ko. Of course, we both know that modeling and showbiz are not lifetime job. Honestly, sometimes my income in modeling was not enough. I'm breadwinner of my family. Ako ang sumusuporta sa tatlong kapatid ko na nag-aaral at dalawa sa kanila ay college na. Ang isa ay nag-aaral ng medisina at education naman ang isa. Ang nanay ko ay nagkaroon ng stroke at paralisado na. Pabalik-balik siya sa ospital. Lahat ng expenses namin sa bahay ay kargo ko lahat. Siyempre, gusto ko ring makapag-invest ng house and lot at business. Malaki rin ang nagastos ko sa pag-aaral," kuwento niya.

Namumungay ang mga mata ni Franco habang seryosong nakatitig at nakikinig sa kanya. Para bang ina-absorb talagang mabuti ng utak nito ang sinasabi niya.

"I admire your personality, Coleen. Kahit anak ka sa labas ng nanay mo ay hindi mo pinabayaan ang mga kapatid mo. Alam ko kung gaano kahirap ang pinagdadaanan mo and I understand why you chose to inter the showbiz. So, ilang taon ka na ngayon?" anang binata.

Obsession 2, Claiming Her (Completed)Where stories live. Discover now