Chapter Twelve

9.8K 263 3
                                    


HINDI na sigurado si Coleen kung kakayanin pa niya ang susunod na eksena nila ni Franco sa taping. Mabuti na lang more on kissing scene ang sumunod nilang eksena sa nalalabing araw nila sa Subic Bay. Napapansin niya na unti-unti na niyang namamanipula ang kissing scene nila ni Franco. She could act like the best actress and her real desire wasn't bothered her anymore. But she noticed some changes in her own behavior and mindset.

Sa huling gabi nila sa Subic bay ay nagpa-cocktail party si Ms. Helen at Ms. Cynthia. Inukupa nila ang beach front canopy. Lahat ng kababaihan ay nakabikini lang. Ang mga lalaki naman ay halos naka-swimming trunk. Nagsisimula na ang party pero nasa hotel room pa rin si Coleen. Nakasuot na siya ng ternong itim na underwear. Katatapos lang nilang mag-usap ni Cedric sa cellphone. As usual, nagtalo na naman sila.

Lumabas na siya at nagtungo sa beach. Hindi pa siya nakarating sa inukupa niyang canopy ay muling tumunog ang cellphone niya na hawak niya. Tumatawag na naman si Cedric. Naputol ang pag-uusap nila kanina dahil may kinausap ito. Dumeretso siya sa pampang ng dagat at doon sinagot ang tawag. Maingay kasi sa canopy.

"Hello!" sagot niya.

"Babe, listen to me, don't mind the issue about me and Natalie. I think there's someone who wants to bother us. Hindi ka pa ba nakakahalata? Ang simpleng bagay ay pinapalaki nila para maging malaking kasiraan sa atin. Kung magpapaapekto ka, hindi magiging mabuti ang bunga nito sa relasyon natin," paliwanag ni Cedric, tungkol pa rin sa lumabas na litrato nito kasama si Natalie.

"So, ano ang dahilan na nakipagkita ka sa kanya?" usig niya.

"It was an accident. Hindi kita makontak noong gabi kaya nagpunta ako sa Calla studio sa akalang naroon ka but you're not there. Paglabas ko ay nasalubong ko si Natalie. Kinumusta ko lang siya. Ni hindi nga nagtagal ang pag-uusap namin dahil umalis kaagad ako," sagot nito.

Bumuntong-hininga si Coleen. Pakiramdam niya'y balewala na lang ang mga sinasabi ni Cedric. Tila wala na siyang pakialam anuman ang gawin nito. Naiinis siya sa kanyang sarili. She's hoping for some painful emotions but her guilt occupied her system. She doesn't mind what Cedric did, it's either he lied or saying the truth or even cheated on her. She swallowed her unusual emotions and ended to press the end call key on her phone.

Sa pagkakataong iyon ay iginiit niya sa kanyang sarili na wala na siyang karapatang magalit o masaktan anuman ang matutuklasan niya kay Cedric, kung pinagtataksilan man siya nito. Because she's undeniable doing it in the same way. She cheated on him not once.

Nang muling tumawag si Cedric ay hindi na niya ito sinagot. Nabaling ang tingin niya kay Franco na humahakbang palapit sa kanya. Nakasuot lamang ito ng bughaw na swimming trunk at may bitbit na dalawang baso ng cocktail. Naabutan pa nito na tumutunog ang cellphone niya.

"Why don't you answer the call? Is that Cedric calling?" kaswal na tanong nito.

Hanggat maari ay ayaw muna niyang makipag-usap kay Franco na silang dalawa lang. Pakiramdam kasi niya ay lalo lamang niya itong binibigyan ng pagkakataon na mahulog sa kanya. Iniwasan niya ito. Humarap siya sa dalampasigan.

"Have a drink, first," anito saka inalok sa kanya ang isang baso ng cocktail.

Kinuha niya ang inumin ngunit hindi siya nag-abalang tingnan ang binata. Pero pilit nitong kinukuha ang atensiyon niya. Tinabihan siya nito na halos magdikit ang mga braso nila.

"Ano ba ang iniisip mo? Wondering about your boyfriend who is now involved in another scandal? You should aware of the rumor and realistic issue, Coleen. Sometimes, a rumor was right and realistic composed of lies. Kaya minsan mas naniniwala ako sa rumor kaysa nakikita ko," wika nito.

Obsession 2, Claiming Her (Completed)Where stories live. Discover now