Chapter Twenty-one

8K 230 6
                                    


NANG magsawa sa kakalangoy si Coleen ay umahon siya at lumapit sa open cottage kung saan nakaupo si Alexa. Pinapatulog nito ang bunsong anak. Iniwan niya si Franco na nakipagkarera sa paglangoy kay Gaizer. Ang pangaya na anak ni Alexa ay nasa ihawan kasama ang Lolo Rick nito. Kumakain ito ng hotdog.

"Umupo ka rito, Coleen. Huwag kang mahiya. Kumain ka kung nagugutom ka," sabi ni Alexa.

Umupo naman siya sa katapat nitong bench. Nakalatag ang mga pagkain sa mesa na nakapagitan sa kanila. Kumuha siya ng plato saka nilagyan ng inihaw na hita ng manok at inihaw na kamoteng baging. Naiilang pa rin siya kay Alexa.

"Matagal na ba kayo ni Franco, Coleen?" mamaya ay usisa ni Alexa.

Tumingin siya nang deretso rito. Sinipat din niya ang kabuoan nito. Nakasuot lang ito ng ternong itim na underwear. Maganda rin ang katawan nito at hindi halatang dalawa ang anak. Makinis din ang kutis nito. Saka niya naisip ang tanong nito.

"Uh, actually hindi pa kami opisyal na magkasintahan," sagot niya.

Natawa si Alexa. "What do you mean? Friendship lang ba talaga ang meron kayo?" usig nito.

Nilinis niya ang kanyang lalamunan. "We started with friends and we're working together on one project. Yes, we're friends but there's a sexual relationship issue," aniya.

Tumawa na naman si Alexa. "You mean, friends with benefits?"

She smirk. Maybe she's right but Coleen hate the term that Alexa said. Parang gusto na niyang i-assume na boyfriend na niya si Franco at ayaw niyang isipin ng iba na sexual relationship lang meron sila. Nasasaktan siya.

"Well, I might be right, because you and your boyfriend Cedric was not officially revealed your breakup. So it's still enclosed. Ganoon sa showbiz 'di ba? Hindi lahat ng lumalabas na balita ay totoo. Baka may konting tampuhan lang kayo ni Cedric. Oh, sorry, napadaldal na ako," ani Alexa.

Hindi maikakaila ni Coleen na nainsulto siya sa sinabi ni Alexa. Ayaw niyang isipin nito na play girl siya. Kailangan malaman nito na hindi lang tsismis ang pakikipaghiwalay niya kay Cedric.

"Ang totoo, nakipaghiwalay na talaga ako kay Cedric. The rumor is true and about his ex-girlfriend pregnancy. Iyon talaga ang totoong dahilan," bunyag niya.

"So hindi totoo na si Franco ang dahilan kaya ka nakipaghiwalay kay Cedric?"

Hindi siya kaagad nakasagot. Inaamin niya, isa si Franco sa dahilan kung bakit ganoon na lang kadali para sa kanya na makipaghiwalay kay Cedric.

"I admit, Franco was one of the reasons," tugon niya.

"Oh, meaning, nagkagusto ka talaga kay Franco."

Naloko na. Mas matindi pa palang mag-usisa si Alexa kaysa mga taga-media. Pero mas kampante siyang magkuwento rito dahil ramdam niya na ligtas ang mga sekreto niya.

"Gusto ko si Franco pero ayaw kong basta manindigan dahil inaamin ko na naguguluhan pa rin ako. Masyado kasing mabilis ang pangyayari. Feeling ko hindi ko pa deserve ang katulad niya," aniya.

Napangiti si Alexa. "Naninibago ka lang sa katulad niya. Siguro hindi lahat na meron kay Franco ay kasama sa standard mo. Of course, you're obviously not a high profile kind of woman, so you just looking for a man who will compatible with your standard. Pero high profile si Cedric, higit na mayaman kaysa kay Franco at mas sikat. May problema ka ba kay Franco?"

Bumuntonghininga siya. "Magkaiba sila ni Cedric. Franco was like, an ideal man, almost perfect. Feeling ko, ang nagiging girlfriend niya ay hindi maaring magkamali. I think I'm not a girl who deserves his affection. I'm not an ideal girlfriend and Cedric very warm to women and he doesn't show more efforts. Mas sanay siyang makipagrelasyon."

Obsession 2, Claiming Her (Completed)Where stories live. Discover now