Chapter Fourteen

8.8K 229 5
                                    


NASORPRESA si Franco nang malaman ang tungkol sa nagkalat nilang litrato ni Coleen sa social media. Hindi niya inaasahan na may sumalisi pala ng litrato habang nasa pampang sila ng dagat noon ng dalaga sa Subic. Umani iyon ng batikos. Majority sa nag-comment naka-post nilang litrato ay negatibo. Marami ang nagsabi na hindi parte ng taping ang eksena. At base sa article na nakasulat, nakalagay na behind the scene ang nakuhang litrato.

Iyon ang unang pagkakataon na nadawit siya sa kontrobersiya. Tahimik ang career niya at wala siyang ni isang haters. Ngayon ay naging haters na rin niya ang mga haters ni Coleen. Malamang isinusumpa na siya ng mga supporters ni Cedric. Hindi niya kinaya ang komento ng iba hinggil sa nasabing larawan. Binansagan na siyang ahas. Magaman totoo naman. Pero ang nagpainit sa ulo niya ay ang nagsabi na malandi si Coleen.

Nakatambay lang ang binata sa kanyang opisina. Katatapos lang niyang mag-lunch. Inaasahan niya na pupunta roon si Coleen dahil nag-chat siya rito ay sinabing kailangan niya ng bagong designs nito. Pero mukhang malabo nang makakapunta ang dalaga. Malamang sa mga sandaling iyon ay abala ito o kaya'y dinaramdam ang lumabas na litrato nila. Bigla siyang nakonsensiya.

Mamaya ay dinampot niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Ms. Cynthia. May kutob siya na may kinalaman ito sa pagkalat ng litrato.

"Yes, Franc?" sagot naman ng babae.

"Pasensiya na sa abala. Gusto ko lang itanong kung alam mo ba ang tungkol sa nagkalat na litrato namin ni Coleen," aniya.

"Oh, that's what exactly I want to open up with you but I don't have time to meet you now. So, masaya ka ba sa good news?" anito.

Tama ang hinala niya. "Who took a picture then?" tanong niya.

"Of course, me. Nakita ko kayo noon na nag-uusap sa tabing-dagat. Hindi ko inaasahan na hahalikan mo siya so, kinuhaan ko kayo ng litrato gamit ang cellphone ko. Gumawa ako ng dummy account sa Instagram at nagpanggap akong supporter ni Cedric. So, ayon, kumalat ang larawan. Bakit parang hindi ka ata masaya, my dear?" paliwanag nito.

Naiinis siya. Wala sa plano niya na ipalandakan sa madla ang namamagitan sa kanila ni Coleen. Ang gusto niya ay palihim itong aagawin kay Cedric, paiibigin niya hanggang sa kusang makipaghiwalay ang dalaga sa boyfriend nito. Hindi kailangang maintriga silang dalawa at lalong ayaw niya na madungisan ang pangalan niya at lalo na ang dangal ni Coleen.

"Sana hindi ka na lang nakialam. I had my own plans. Dahil sa nagkalat na litrato, masisira ang plano ko at baka mawala pa sa akin si Coleen," nanggagalaiting pahayag niya.

Narinig niya ang bungisngis ni Cynthia. Lalong nag-init ang ulo niya.

"Oh, sorry. I just want to help you," wika nito.

"Help? No, it didn't help anymore, Cynthia! You should focus on your own plan for Cedric. Huwag na huwag n'yong papakialaman si Coleen, dahil kung hindi ay pare-pareho tayong mawawasak ang career! You know the reasons why I accepted the project that you had offered to me. You also knew my reasons for interring modeling. I can live without those jobs. So, please be careful with your moves," palatak niya saka pinutol ang linya.

Panay ang buntong-hininga ni Franco habang ikinakalma ang galit. Mamaya ay tumunog ang door bell. Tiningnan niya sa monitor ng CCTV niya kung sino ang nasa labas. Si Haide, and bagong secretary. Nag-resign na kasi ang dati niyang secretary matapos ikasal sa British fiance. Nag-migrate na ito sa Britain. Pinindot niya ang remote ng pinto para magbukas.

Pumasok naman ang secretary. "Sir, may gusto pong makipag-usap sa inyo," sabi nito.

"Sino?" kunot-noong tanong niya.

Obsession 2, Claiming Her (Completed)Where stories live. Discover now