Chapter Ten

9.4K 227 2
                                    

PUMIRMA na si Coleen para sa bagong project niya bilang actress. Sa pagkakataong iyon, siya na ang leading lady. Excited na siyang gawin ang project at sigurado naman siya na kakayanin niya. Malapit na ring matapos ang naunang project niya. Kaunti na lang naman ang part niya sa pelikula.

Binanggit niya kay Cedric ang tungkol sa bago niyang project at nagpapasalamat siya dahil hindi na ito nagprotesta. Tiniyak naman niya na walang magiging problema sa kanyang pag-arte. Naging abala ang binata sa pag-aaral dahil malapit na ang exam nito. Hindi na muna niya ito inaabala.

Mula sa RM production office ay dumeretso si Coleen sa opisina ni Franco para ibigay ang hinihingi nitong interior design niya para sa bago nitong project. Alas-tres na ng hapon kaya inaasahan niya na hindi ito gaanong busy. Hinatid kaagad siya ng secretary nito sa opisina.

Naabutan niyang abala sa pagtipa sa laptop nito si Franco. Nakasuot lang ito ng puting polo na naka-unbutton ang dalawang bahagi sa dibdib nito. Nakasilip ang matipuno nitong dibdib. Hindi man lang ito nag-abalang tingnan siya kahit nang makaupo na siya sa katapat nitong silya.

Inilabas niya sa kanyang dalang folder ang ginawa niyang sketch. Nag-message lang ito sa kanya sa Facebook para sabihin ang tungkol sa sketch. Inilatag niya sa mesa nito ang sketch.

"Here's my design. I'm not sure if it's fit for your new project," sabi niya.

Tiniklop ni Franco ang laptop nito saka naibaling ang tingin sa kanya. He smiled like he's contented what he had seen. Pero hindi pa naman nito nakikita ang trabaho niya. Pagkuwan ay kinuha nito ang ginawa niyang sketch at sinuri.

"So, is this your bar counter design?" tanong nito.

"Yes. Sinunod ko lang ang sinabi mo na dapat ay spacious ang loob ng counter. There's a belt-in cabinet at the back and the storage cabinet on the left side, so, the bartender can work fast," paliwanag niya.

"Okay, I like it. Thanks for the urgent response. I really need this design tomorrow."

"Thanks. Kumusta naman ang ibang project?" pagkuwan ay tanong niya.

"I think you should visit the area on your own. Magkaiba tayo ng taste kaya hindi ko masasabi na gusto mo rin ang nagustuhan ko. Well, for me, the on-going projects reached my expectations. Your design may apply once the construction has been furnished. You really need to visit the site on that day," palatak nito.

"Sorry if I didn't inform you about my vacation," naiilang na sabi niya.

Sarcasm shown Franco's smile. "Ayaw kong tumayong boss sa 'yo, Coleen. I always respect your decision. But next time, call me or message me in Facebook if you have the plan to go out of the town or the country, so I can manage my time to shoulder your responsibility to my company."

Lumabi siya. Naninibago siya kay Franco. O baka talagang hindi lang maganda ang mood nito sa mga oras na iyon.

"Sorry," tanging nabigkas niya.

Hindi niya maiwasang isipin ang sandaling inangkin siya ni Franco. She's hoping that he would not be affected and wont assume or wanting for more. Sa palagay naman niya ay sanay na si Franco na biglang nagkakaroon ng sexual intercourse sa babae. Ang totoo, hindi pa rin siya naka-get over sa nangyari sa kanila kaya inaaliw niya ang kanyang sarili at hanggat maari ay iwasan muna niya si Franco. Pero marami na silang koneksiyon sa isa't-isa kaya hindi niya ito basta maiiwasan.

"It's okay. At least you did your part. So, what do you want for a snack?" pagkuwan ay sabi ni Franco.

"Uh, thanks but I'm full. Pauwi na rin ako," mabilis niyang tugon.

"Mukhang hindi ka busy ngayon. Tapos na ba ang ginagawa ninyong movie?" usisa nito pagkuwan.

"Uhm, matatapos na by next month."

Obsession 2, Claiming Her (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon