Chapter Twenty

8.9K 228 6
                                    


NAALIW na naman si Coleen sa kuwentuhan nila ni Franco kaya ang ending ay hindi siya nakauwi. Hindi na siya pinayagan ng binata na umuwi. Habang tumatagal ay lalong nasasanay ang dalaga na kasama ang binata. Kapag hindi niya ito nakikita o nakakasama, pakiramdam niya't hindi buo ang araw niya. Kahit busy ito sa trabaho ay may oras itong sunduin siya sa gabi at nililibre siya ng hapunan.

Hindi niya maiwasang ikumpara si Franco kay Cedric. Malayong-malayo ang dalawa. Na-realize niya na naging bulag siya sa pagpili ng lalaki. Masyado niyang nabuhos ang atensiyon niya kay Cedric kaya hindi niya napansin na mayroong mas higit pa rito at iyon ay si Franco. Pero hanggang sa sandaling iyon ay hindi pa rin siya makapaniwala na may katulad ni Franco na halos sambahin siya. May tiwala naman siya sa kanyang karesma pero sa dami ng lalaking nakatrabaho niya ay walang katulad nito na naglakas-loob na magpahiwatig ng interest sa kanya lalo pa't alam nito na may boyfriend siya. Ang tapang ni Franco ay pambihira.

At speaking of Cedric. Hindi siya nito tinantanan ng message sa Facebook dahil sa pahayag niya sa media tungkol sa estado ng relasyon nila. Inaaway na siya nito.

"Nag-deny pa kayo ni Franco samantalang obvious na may malalim kayong relasyon. Huwag kang magpakahangal sa lalaking 'yon, Coleen. Ginagamit ka lang niya. Buksan mo ang isip mo. May mali, hindi ka dapat naniniwala sa magagandang salita niya." palatak ni Cedric sa massanger.

Naiinis siya. Sinagot niya ito.

"Mas magtitiwala ako kay Franco kaysa sa 'yo. Huwag mo na akong guluhin, Cedric. Mag-focus ka na lang kay Natalie. Balita ko nanganak na siya. Tatay ka na kaya magtino ka."

"It's not confirmed yet. Ipapa-DNA ko ang bata. Once napatunayan kong ako ang ama, maninindigan ako at susuportahan ang bata. Pero once, hindi ako ang ama, maaring tama ako na sit-up ang lahat nang ito. I'll assure you, babawiin kita kay Franco," sagot nito.

Bumuntonghiniga siya. "Nasisiraan ka na ng bait, Cedric. Huwag mong idamay ang bata. Maging responsable kang lalaki. Please, tigilan mo na ako," reply niya.

"Okay, hindi kita guguluhin pero once napatunayan ko ang hinala ko, titiyakin ko na kusa ka ring babalik sa akin. Pagsisisihan mo ang desisyon mo."

Hindi na niya ito sinagot. Binitawan niya ang kanyang cellphone saka siya bumangon mula sa kama. Dumeretso na siya sa banyo at naligo. Tanghali na kaya nagmadali siya. Kailangan makarating siya sa tamang oras sa venue ng taping nila para sa bagong endorsement niya. Iyon na ang huling taping pagkatapos ay mababakante siya ng ilang araw. Sumakto ang pahinga niya sa pagyaya ni Franco na mamasyal sa farmland ng pamilya nito sa Tagaytay.

BIYERNES ng umaga. Nagsilbing alarm clock ni Coleen ang maagang pagtawag ni Franco. Naalimpungatan siya at dagling dinampot ang kanyang cellphone saka sinagot.

"Hello?" sagot niya sa namamalat na tinig.

"God! Kagigising mo lang ba? Narito na ako sa tapat ng bahay n'yo," sagot nito.

Bumalikwas siya ng bangon. Patay na! Hindi pa siya naliligo. "Uh, wait, maliligo pa ako. Pumasok ka muna," aniya.

"Huwag ka nang maligo. Maliligo rin naman tayo pagdating sa Tagaytay, eh. Don't say hindi ka pa nakapag-empake," wika nito.

"Nakapag-empake na ako."

"Okay. Lumabas ka na. Maaabutan na tayo ng matinding traffic."

"Okay, wait. Ibababa ko na ang phone."

"Sige."

Nang maputol ang linya ay ipinasok niya sa kanyang shoulder bag ang cellphone saka siya tumakbo papasok ng banyo. Mabilis siyang nag-shower. Pagkatapos ay nagsipilyo. Na-realize niya, kapag si Franco pala ang palagi niyang kasama ay palagi siyang matataranta. Hindi uso rito ang Filipino time. Ang sabi ay alas-sais siya susunduin pero alas-singko pa lamang ng umaga ay naroon na ito. Tulog pa ang ibang miyembro sa bahay nila.

Obsession 2, Claiming Her (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon