Kabanata 29

101 3 0
                                    

Welcome

"Alam mo, simula yata noong nahimatay ka madalas na kitang nakikitang tulala." Nakahalumbaba si Dianne ng itanong ito. Napabaling ako sa kaniya. Naglalunch kami ngayon at dahil sa tanong ni Dianne ay napatingin ako sa kaniya.

"Let's just eat." I said before I start to eat my foods. Hindi na siya umimik at nagpatuloy na lang sa pagkain. I breathed heavily, it's been a week since I saw that guy and he never leaves my mind! Mata lang ang nakita ko sa kaniya pero ganito na ang epekto sa akin! Meron ba siyang kinalaman sa past ko? Did I know him? If I knew him he probably knows me too! Pero bakit hindi niya ako kinausap man lang? Is he finally the key for my lost memories? Napatungo ako, what if umasa na naman ako?

Dianne keep on talking as we doing our work, pero kahit yata maubos ang laway ni Dianne ay hindi mawawala sa isip ko ang mata ng lalaking yun.

Tinanggal ko ang aking maliit na cap sa aking ulo para makapag out na. It's already 5 in the afternoon, siguradong nasa bahay na si nanay Luz. Nakita kong umalis na si Bella, si Dianne naman ay nasa office pa ni manager, I checked the counter before I went out. Bumaling ako sa glass door at nakitang hindi pa nakapaskil ang karatula na close kaya kinuha ko ito, but before I put the sign I saw a tall man walking towards the glass door. Hindi na ako nakakilos ng tuluyan na itong pumasok!

Close na kami! Nakapag submit na rin ako ng pera! Pano na yan? Bakit ba naman kasi kinalimutan ni Dianne na ilagay ito!

"Sir...sorry pero magsasara na kami. Kung gusto niyo po balik na lang po kayo bukas." Magalang kong sinabi. Tumigil ang lalaki sa harap ko. Napansin kong medyo familiar ang outfit niya. He's wearing a brown leather jacket, a black maong pants and a brown boots, he's also has a black mask and a cap.

"What time the store will open?" He asked in a formal way. Nangilabot ako sa malamig niyang boses. Tinaas ko ang aking tingin at halos manigas ako sa kulay abo niyang mga mata. My heart beat faster. Suddenly my knees trembled. I don't know what's happening to me. Blanko ang titig niya sa akin na para bang nag iintay ng kasagutan.

"S-Seven am..." i answered.

Tumango siya at hindi na muling nagsalita. Diresto siyang naglakad palabas. Ako naman ay parang pinako sa aking kinatatayuan. Hindi ko alam kung anong gagawin. Should I ask him? Pero paano kung hindi?

Mabilis kong binuksan ang glass door at nakita ko siyang naglalakad patungo sa isang motor. Napakagat labi ako at tumigil sa pagtakbo.

"Sandali!" Tawag ko. He stopped walking, dinagundong ng malakas ang dibdib ko. Hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko. Lalo pa akong kinabahan ng humarap siya sa akin, I tried to step toward him, I swallowed hard when I slowly walk in front him. I stopped when I'm already near. I bit my lower lips. Ano nga bang itatanong ko? Damn it Emerald!

"P-Pwede ko bang malaman a-ang pangalan m-mo?" I asked slowly. Tumungo ako dahil hindi ko na nakayanan ang mata niya. Napakabigat niyon. If I continue to stare at his charcoal eyes I will definitely faint in nervousness.

"Why?" Mabilis niyang tanong. Huminga ako ng malalim at tumingala para magtama ang mata namin. Kaya ko ito. What if he's one of those people that will make me remember? Walang mangyayari kong hindi ko susubukan. His eyes is the only trigger I experience, bukod sa nangyari doon sa concert.

"I felt that you're familiar." I said. Nanlaki ang mata ko ng humakbang siya papalapit. Parang binuhol ang utak ko sa nangyari. He crouched so that our eyes would level, halos magtama ang ilong namin dahil sa sobrang lapit niya. Lalo akong kinabahan sa mata niya. Isang tulak lang sa akin alam kong matutumba ako!

"Now...do you remember me?" He whispered. Nagkatitigan kami. Para akong mahihimatay sa mga mata niya. Hahakbang sana ako paatras ngunit nabigla na lang ako ng hinigit niya ako sa aking bewang at niyakap sa kaniyang dibdib! What is happening?! Damn it!

"Call me Perseus...Emerald." he said before he let me free, bago siya sumakay sa motor ay sinulyapan niya muna ako bago humarurot palayo.

Para akong nawalan ng lakas. I feel so drained. Perseus...it sounds familiar. Narinig ko na ito kay Dianne! Shit! Mababaliw na yata ako!

Kinabukasan ay hindi ako mapakali, simula sa paggising hanggang sa pagpasok sa trabaho ay para akong sinisilihan sa sobrang kaba. Bakit ba ako kinakabahan? At halos ilang beses akong napapatingin sa glass door kapag may pumapasok dito! Am I expecting Perseus? The man I talked to yesterday?

"May hinihintay ka ba?" Tanong ni Dianne ng mapansin ang madalas kong pagsulyap sa pinto. Bumaling ako sa kaniya at mabilis na umiling.

"Wala.." i said. Nagkibit balikat siya at pinagpatuloy sa ginagawa.

Maya maya lang ay para akong nakakita ng multo ng makita ang pamilyar na pigura ng lalaki. Hindi ako pwedeng magkamali. It's Perseus! The man with a charcoal eyes!

"O-One hundred p-pesos ma'am." Aligaga kong sinabi sa customer habang pasulyap sulyap sa direksyon ni Perseus. Nakita ko siyang dumiretso sa station ng mga beer in cans!

"Ate...One hundred fifty po yung nakalagay.." mabilis akong bumaling sa harapan ko kung nasan ang customer. Damn it!

"Ah! Sorry po! Wait lang!" Mabilis kong nilagay sa kahera ang pera at sinuklian ang babae. Binigay ko dito ang kaniyang pinamili at ngumiti.

"Salamat po." Sabi ko.

Muli akong sumulyap sa station ng mga beer in can pero wala na siya doon, nasan na yun? Nilibot ko ang mata sa paligid pero hindi ko siya nakita. Namamalikmata lang ba ako kanina? Napailing na lang ako, at dahil sa pag iling ko nahulog ang cap kaya kinailangan ko itong damputin sa sahig, at ng sandaling tumayo na ako ay halos malaglag ang puso ko sa nakita sa aking harapan! Perseus is right in front of me!

"A-Akin na po." Sabi ko at kinuha sa kaniyang kamay ang basket kung nasan ang kaniyang pinamili. Halatang halata ang pagpapanic ko! Shit! Bakit ba ako nagkakaganito! damn it! Hindi na ako natutuwa!

Ramdam na ramdam ko ang kaniyang titig habang ginagawa ko ang trabaho. At halos hindi ko magawang sumulyap sa kaniya, muntikan ko pa ngang mabitawan ang mga beer in can dahil sa panginginig ng kamay, kailan pa ako naging pasmado?

"F-Five hundred pesos Sir." I said. Dumukot siya ng wallet sa bulsa at dumukot doon ang isang libo. Kinuha ko ito at agad siyang sinuklian.

"T-Thank you.." i said when I'm done with his things. Mabilis akong sumulyap sa kaniya, why is he always wearing that mask?

"Welcome.." he said before he left, doon pa lang ako nakahinga ng maluwag.

Dangerous Enemy (TCB#2)Where stories live. Discover now