Kabanata 30

103 3 0
                                    

Persistent

Akala ko hindi na mauulit ang pangyayaring yun. Bumalik ulit siya at hindi lang isang beses...kundi marami! Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nasa harapan ko siya. At ito pa ang napapansin ko, even though walang customer na nakapila sa counter nina Dianne ay sa akin siya pumipila kahit pa may customer pa ako at available naman sina Dianne! Damn it! I only know what his name...pero hindi ako tanga sa ginagawa niya! He probably knows me!

"Feeling ko gwapo itong si kuyang nakamask." Bulong ni Dianne sa akin. Hindi ako makatingin kay Perseus na ngayon ay namimili sa mga noodles. Pinagmamasdan yata ito ni Dianne kaya napansin niya.

"Madalas yata yan dito ah?" Nagtataka niyang tanong sa akin. May customer na lumapit sa akin kaya lumayo ako kay Dianne.

"200 pesos Ma'am." I said, the customer handed me the money, ngunit agad akong kinabahan ng makitang nakapila na si Perseus sa counter ko.

"Ahm kuya...dito ka na pumila, wala namang pila dito sa akin." Anyaya ni Belle kay Perseus, pinagpatuloy ko ang ginagawang pagbabalot sa products na pinamili ngunit ang tainga ay nakikinig.

"I can wait...thanks." Perseus said in a baritone. After that wala na akong narinig kay Belle.

"Just two cup of noodles." He said and then he handed me the noodles.

"100 pesos." I said. Hindi man lang ako tumingin sa mga mata niya, nang ibinigay niya ang bayad at agad ko itong sinuklian at binigay ang resibo. Nakahinga ako ng maluwag ng umalis na ito. Thanks God!

"May napapansin ako sa lalaking yun!" Nagulat ako sa biglaang sinabi ni Dianne. Hinigit niya pa nga ako patungo sa kaniya para makabulong siya.

"Nakita kong umirap sayo si Belle dahil hindi sa kaniya pumunta yung lalaking nakamask!" She said.

"Lagi namang mainit ang ulo niya sa akin."

"Pero alam mo napapansin ko na talaga eh....mukhang may gusto sayo si kuyang nakamask." She said. Nanlaki ang mata ko. What the?! Hindi ko nga kilala yung lalaking yun eh!

"Baka nagkakamali ka lang Dianne. Normal lang na bumili siya dito ng madalas dahil ito lang naman ang malapit na convenience store dito." I said.

"Bahala ka! Alam ko na!" Lumapit siya sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay.

"Di ba bumili na siya ng makakain? Alam kong masusustentuhan nito ang pagkain niya sa loob ng dalawang araw at hindi niya na kailangang bumili ulit dito. At kapag bumalik ulit siya dito ibig sabihin lang nun....gusto ka talaga niya!!" She said excitedly. Umirap ako at the same time kinabahan.

"Dianne, I don't want to entertain boys right now...I'm working to help nanay Luz." I said.

"Alam mo Emerald hindi habang buhay ay magmumukmok ka na lang sa saya ni aling Luz! Kailangan mong maghanap ng lalaking magmamahal sayo para alagaan ka kung sakaling ikaw naman ang magkasakit!" She said.

"I can take care of myself." Lumayo ako sa kaniya at inayos na lang ang mga pera.

My day ended with Dianne who's always talking about the boy with the mask named Perseus. Hindi ko nga siya kilala eh, tapos hindi ko man lang makita ang tunay niyang itsura kaya paanong mangyayari ang mga naiisip ni Dianne? Atsaka may mas malaki pa akong isipin kaysa diyan, and it is my memories.

Kinabukasan ay maagap akong nagising para tulungan ulit si Nanay. Wala din akong trabaho ngayon dahil sunday, tuwing sunday ay sarado ang convenience store.

"Tutulungan ko na po kayo sa paglalako." I said. Bumaling sa akin si nanay Luz, I saw a little wrinkles on the side of her eyes, she's aging.

"Emerald alam mo naman ang nangyayari kapag sumasama ka di ba?" She said. I pouted. But I really want to help her!

Dangerous Enemy (TCB#2)Where stories live. Discover now