Kabanata 31

98 3 0
                                    

Sino

"Sabi ko na nga ba eh!" Halos mapatalon ako sa sigaw ni Dianne sa akin, napaharap ako sa kaniya at kunot noo ko siyang tiningnan. I looked at him annoyed, but she's looking at the convenience store door.

"Bakit ba?!" Tanong ko. Tinuro niya ang likod ko kaya humarap ako dito. Nanlaki ang mata ko ng makita si Perseus na ngayon ay nakatayo sa station ng mga snacks. Araw araw ba talaga dapat ang pamimili ng lalaking ito?

"May gusto talaga siya sayo Emerald! Pabalik balik siya dito eh." Bulong ni Dianne. Umirap ako at pinagpatuloy ang pagkekwenta ng pera.

"Pustahan sayo siya magbabayad." Bulong niya pa. Maya maya lang ay kinulbit ako ni Dianne at nginuso ang tao sa harap namin. Damn this girl!

"Confirm..." she whispered before she left.

"Babayadan ko na." Perseus said in front of me. Tahimik ko itong kinuha at tiningnan ang presyo.

"200 pesos." Seryoso kong sinabi. He handed me his money. Binalot ko ang kaniyang pinamili at binigay sa kaniya ito. Inaasahan kong aalis na siya pero nagkamali ako. Nasa harapan ko pa din siya ngayon! Kumunot ang noo ko sa kaniya.

"May kailangan ka pa?" I asked. He's still wearing his mask, and even he wears it I'm sure that he's handsome! His usual leather jacket and boots is his outfit today.

"Kung...mamimili ka ulit...I'm willing to help you.." he said before he left. Doon ko lamang naramdaman ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko. Huminga ako ng malalim.

Ano ba talaga ang dapat kong maramdaman? This is so unusual. He's a stranger but yet I'm feeling this. But...what if he's not a stranger? What if I knew him before? Sino ba talaga siya? Bakit pakiramdam ko pilit niyang idinidikit ang landas naming dalawa? What is his real motive?

Buong araw ko yung inisip hanggang sa dumating ang panibagong araw, at katulad ng inaaasahan, nandito na naman siya! Kaya naman lalong lumakas ang pagsasabi sa akin ni Dianne na may gusto daw sa akin si Perseus. Hindi na ako mapakali. Gustong gusto kong makausap si Perseus! I want to know him!

Wala siyang gaanong sinabi noong araw na yun.

"Ikaw na muna ang magsara ng store Emerald, nag half day si Belle at Dianne." Sabi ni manager. Tumango ako. Nasabi nga sa akin ni Dianne na half day lang siya ngayon dahil may party daw sa kabilang baryo at imbitado siya. She wants me to go with her but I refused, I don't want parties.

"Sige po manager." I said. Umalis na siya at iniwan na ako. Ako naman ay nag ayos na para sa pag alis. Nilagay ko na ang close sa pintuan, inalis ko ang cap sa aking ulo at nilock na ang store. Tumayo ako sa tabi ng kalsada at nag antay ng tricycle. I looked at my wrist watch and it's already 5 pm. Tumingala ako para makita ang medyo madilin nang langit. Huminga ako ng malalim.

"Emerald?" Napabaling ako sa tumawag sa akin. At napangiti ako ng makita si Benito!

"Benito!" Mabilis akong lumapit sa kaniya at niyakap siya. Ang tagal niyang nawala!

"Kamusta ka na?" I asked. He smiled at me. Halos walang pinagbago sa kaniya! After kasi niyang matulungan ako sa mga papel ko para makapasok sa trabaho ay nag abroad siya para maging welder doon. At hindi ko alam na nakauwi na pala siya! It's been two years!

"Okay lang naman! Sayang sarado na, kakamustahin ko sana si manager." Ngumisi ako. Benito have a crush on our manager. My beautiful manager is Gina Fuentabella.

"Siya pa rin? Ang tagal na niyan? Bakit ba hindi mo pormahan?" Natatawa kong tanong. Napakamot siya sa kaniyang batok.

"Gusto ko munang maging successful bago humarap sa kaniyang pamilya.." he answered. Ngumiti ako. Benito is really a good guy, kung ako si manager hindi ako magdadalawang isip na sagutin ang lalaking ito.

"Pero paano kung...may gusto na siyang iba?" I asked. Nakita ko ang malungkot niyang ngiti. Bumuntong hininga siya.

"Papakawalan ko siya. Hindi ko ipipilit ang sarili ko sa kaniya...kahit mahal na mahal ko siya. It will be unfair to her, I want to be fair." He said. Natawa ako sa ingles niya.

"Naks! Umienglish ka na ha!" Sabi ko at hinampas ang kaniyang braso. Natigil kami sa pagtawa ng may tumikhim sa likod namin, at ng lingunin ko ito ay nagulat ako. With a mask on his face, it's Perseus!

"B-Bakit ka nandito?" Medyo lumayo ako kay Benito para makausap ng maayos si Perseus, hindi ko makita ng maayos ang mata niya dahil madilim na ang paligid.

"Sige Emerald, una na ako, may dadaanan pa eh." Mabilis na nagpaalam si Benito.

"Sige, salamat Benito." I said before I let him go. Bumaling na ako kay Perseus na wari ko'y nakatingin kay Benito.

"Your boyfriend?" He asked. Kumunot ang noo ko. He looked at me and I felt shiver down my spine. Bakit ang lamig ng titig niya?

"B-Benito is just a friend. Bakit ka nga nandito?" I asked again. Lumapit siya sa akin. Ako naman ay nanigas sa aking kinatatayuan. Damn bakit lumalapit siya?!

"I will drive you home." He said at nagulat na lang ako ng hinagilap niya ang aking kamay at hinila sa motor niya na nakaparada sa harap. Kinuha niya ang helmet at sinuot sa akin. I stared at him while he's putting on me the helmet. Bakit kaya? Tama kaya si Dianne? Ano ba talagang pakay mo Perseus?

"Sino ka ba talaga?" I whispered. He stopped moving and he stared at me. Lalo akong kinabahan. He crouched a little. And then he stared at my eyes. Nanlaki ang mata ko ng unti unti niyang ibinaba ang mask niya. Halos mahimatay ako sa hitsura niya! His pointed nose and red lips is so tempting! Sabi ko na nga ba eh, gwapo siya! Napapikit ako ng mariin dahil nakaramdam ako ng kaunting kirot sa aking ulo, pero hindi nagtagal ay nawala din ito. When I open my eyes, I saw his dark and charcoal eyes.

"I'm Perseus Samuel Williams...nice to meet you Emerald Stone..." he whispered.

Dangerous Enemy (TCB#2)Where stories live. Discover now