Kabanata 35

99 2 0
                                    

Dangerous enemy

I feel very bad kahit na nakabalik na ako sa trabaho. I make myself busy at hindi nagtagal ay nakita kong pumasok sa store si Perseus, his eyes immediately bore onto mine, umirap lamang ako, hindi siya nagtangkang lumapit at lumabas din ng store.

"Mauna na ako Emerald, may gagawin pa ako..." paalam ni Dianne.

"Sige."

Nang umalis si Dianne ay agad din akong nag ayos para sa pagcoclose, nakita kong lumabas na si manager dala dala ang kaniyamg coat. Lumingon siya sa akin.

"Ikaw na ang magclose nito Emerald, sige una na ako." She said, tumango lang ako at hinayaan siyang umalis. Manager Gina Fuentebella is very pretty. A morena and a tall girl, sobrang sexy din niya, pwede siyang ihalintulad sa mga barbie!

After I put a sign 'close' on the glass door ay agad na akong lumabas pero agad napatigil ng makita ko si Manager na nakatayo pa rin doon at may kausap na tao, at first I thought it was Benito but when I have a clearer view of it I realized it's Perseus! And without a mask! He is talking with manager without a mask! Mas lalo akong nairita.

Para akong nakapako sa aking kinatatayuan habang nakatitig sa likod ng taong kausap ni manager. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero sobrang masakit sa dibdib ng nakikita ko. Lalo na ng makita ko ang ngiti kay manager. Siya ba? Siya ba ang tinutukoy ni Dianne na gusto ni manager kaya hindi niya magustuhan si Benito?

Damn it! They looked good together!

Nagtagis ang bagang ko at dahil sa galit ay padabog akong naglakad palayo. Agad akong nagpara ng tricycle, hanggang sa makauwi ay nag iinit ang ulo ko. Nagkulong ako sa kwarto at hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

Maybe si manager naman talaga ang gusto ni Perseus? And those word he told me was all a lie! Hindi dapat ako nagpaloko ng ganito! Hindi dapat ako naniwala! I almost fell! At naiinis ako sa sarili ko! I get it! Hindi ko siya kilala! Hindi ko siya maalala! At kahit anong pilit kong ibalik ang lahat ay hindi ko kaya!

Maybe...Perseus is just a small part of my past, at hindi naman talaga siya nandito para sa akin! He is here to flirt and nothing more!

"Ayos ko lang ba anak?" Nanay Luz asked one morning, katulad ng nakasanaya, I helped her with her foods that she will sell later.

"Opo nay." I said. Nagpatuloy ako sa panggagawa, tumahimik na lang din si Nanay Luz.

Kahit anong gawin ko apektado pa rin talaga ako sa nangyari kahapon. Iniisip ko na wala akong dahilan para maging ganito. Ang pagkakamali ko lang ay ang umasa at maniwala sa kaniya. And I promised to myself that it will be never happen again.

Lumabas ako ng bahay para maghanap ng tricycle na masasakyan patungo sa store pero sa halip na tricycle eh isang pamilyar na motor ang tumigil sa harap ko. And no other than Perseus!

Huminga ako ng malalim at pinagcross ko ang aking braso. Bumaba siya sa motor at humarap sa akin.

"Sakay ka na, ihahatid kita." He said.

Hindi ako umimik at nagpatuloy sa paglinga, naghahanap ng tricycle na masasakyan.

"Emerald!" Narinig ko ang pagkairita niya sa asal ko. What is his problem? Bakit hindi si manager ang ihatid niya di ba? Tutal at close naman sila!

Bumaling ako sa kaniya, I equal his dark stare.

"Kaya kong makarating sa store ng wala ang motor mo." Sabi ko at pumasok na sa tricycle na tumigil sa harap ko. Mas lalo pa akong nainis ng makita ko siyang sumusunod sa tricycle kung saan ako nakasakay.

Dangerous Enemy (TCB#2)Where stories live. Discover now