Kabanata 34

93 3 0
                                    

Jealous

Naging magulo ang pag iisip ko sa mga lumipas na araw. Simula ng sabihin yun sa akin ni Perseus ay para bang mas lumakas ang nagtutulak sa akin na makaalala. I don't want to stuck here without my memories, I want my memories back. I want it so much. I feel strange without it.

Ginulo ni Perseus ang isip ko. Ngayon sigurado na ako na kasama nga si Perseus sa mga nakaraan ko. At siguro hanggang doon na lamang yun dahil kapag pinilit ko ang sarili kong makaalala mas lalo lang itong mawawala. Natatakot din akong marinig ang lahat, natatakot akong malaman na sobrang iba ng buhay ko sa ginugol ko sa loob ng apat na taon na walang memorya.

"Alam mo bang nakita ko kahapon na nag aaway si Benito at Manager?" Dianne whispered after we saw manager walk inside to his office. Napatingin ako kay Dianne. Nag aaway? Bakit naman? Anong nangyari kay Benito?

"Bakit sila mag aaway?" Natataka kong tanong. Bumuntong hininga siya. Lalo siya sa aking lumapit para bumulong.

"Ang narinig ko kasi sa iba na mukhang may manliligaw si Manager na ibang lalaki. Matangkad at mukhang mayaman, gwapo din daw! Mukhang talo si Benito! Nagseselos ata eh." She whispered.

Matagal ng hinahabol ni Benito at nililigawan yang si manager. Pero hindi ko pa rin magets kung bakit hindi ni manager ito pinapansin. Kawawa naman si Benito. Sa totoo lang mabait na tao si Benito. Gwapo din naman, may desente naman siyang trabaho, kaya bakit hindi niya mapa oo si manager?

Maybe manager likes someone else? Bakit hindi niya sabihin kay Benito? Maybe she do not want to hurt Benito? Pero kailangan niyang sabihin para naman hindi na mas masaktan pa si Benito!

Benito is my friend and also he help me for so many times, and I'm just concerned!

"Kakausapin ko si Benito mamaya." I said. Hindi na nagsalita si Dianne dahil may customer na palapit.

Naging abala kami sa araw na iyon dahil medyo maraming customer. At katulad ng inaasahan ko pumasok si Perseus at dumiretso sa counter kung nasan ako. Kumunot ang noo ko dahil iba yun sa nakagawian niya. He usually go to a noodles station before going here to pay for what he takes.

Napatingin sa kaniya ang lahat pati na rin si Dianne, marahil ay nagtataka sa padalos dalos nitong galaw patungo sa akin. Kinabahan tuloy ako dahil baka may isipin silanb kakaiba! Lalo na si Dianne! Malikot pa man din ang pag iisip ni Dianne!

"Emerald can we talk?" He asked. Napatingin ako sa kaniya. His mask is on his face, and his usual leather jacket and a boots is his outfit.

"After my work." Tipid kong sinabi. Pa simple ko siyang sinamaan ng tingin. Why would he walk like that from me? Damn it! Mukhang nakuha niya ang aking tingin at mabilis na umalis sa store. Narinig ko ang munting halakhak ni Dianne ng lumingon ako dito ay siya namang pag irap ni Belle sa kabilang bahagi.

"Uyy! May di ka sinasabi ah? Sino yun? Jowa mo? Kaya ba lagi kang wala kapag lunch time? Siya ang kasama mo?" May panunuya sa mga tanong nito. Umirap na lang ako at hindi pinahalata ang kaba ko sa mga tanong niya.

"May kailangan lang kaming pag usapan! And it's not what you think! Ang dami mo agad na isip!" Sabi ko at umiwas ng tingin sa kaniya. Humalakhak siya.

"Okay...mag iintay na lang ako kung kailan ka mag open up." May panunuya pa rin sa kaniyang mga salita.

"Tss."

Nagpatuloy ako sa pag tatrabaho. Nang matapos ay padabog akong naglakad sa tapat ni Perseus, buti naman naisipan niyang mag park sa malayo sa store kung hindi sisipain ko talaga siya!

"Bakit lumapit ka na lang dun at ganun ang sinabi?!" Galit kong sinabi. Agad niyang tinaas ang kamay at tumayo ng tuwid.

"I'm sorry, nawala sa isip ko. Next time then." He said and then he tried to hold my hand, iniwas ko ito sa kaniya at ng tingnan niya ako ay inirapan ko lang siya.

"Baka mag isip ng masama si Dianne!" I shouted.

"Ano namang masama sa ginagawa natin?" He asked innocently. Seriously? Inirapan ko siya at padabog na kinuha ang helmet at ako na ang nagsuot sa sarili.

"Let's go!" Padabog kong sinabi. Mabilis siyang sumakay at ako naman ay umangkas. Sa ibang kainan na naman niya ako dinala. This time it's a fast food.

Bumaba ako at nauna ng pumasok sa fast food. Pumila ako sa counter at nag tingin ng ioorder. Naramdaman ko kaagad si Perseus sa aking likod dahil agad niyang hinawakan ang kamay ko. He squeezed it and then I turned to him.

"I order, maghanap ka na lang ng upuan natin." He said.

"Okay." Sabi ko at naglakad palayo. Medyo maunti lang ang tao, hindi pa ako nakakalayo ng lumingon akong muli kay Perseus at halos mag arko ang kilay ko ng may makitang isang babae na kumakausap sa kaniya! Wow ha! Inintay lang akong umalis at kinausap na siya! Inggrata! Naka mask na't lahat si Perseus pero lapitin pa ng babae? Dahil sa inis ay padabog akong bumalik sa tabi ni Perseus, nakita ko ang pagkagulat ni Perseus at yung babae naman ay mukhang dismayado. Malandi! Dismayado siya kasi hindi tumagal ang pag uusap nila? Ganun?

"A-Ah sige aalis na ako, salamat!" Sabi nung babae at mabilis na umalis. Now I stared angrily at Perseus. Tumaas naman ang kilay niya.

"Who's that?" I asked. Kita ko ang pagtataka sa kaniyang mata.

"I don't know? Bakit? Gusto mong makilala?" Pilosopo niyang tanong. Lalo akong nainis. Nag aalab ang kaloob looban ko.

"Gusto mong sapak?" I asked angrily. Humalakhak siya at nakita ko ang pagkakatuwa sa mata niya. Mas lalo akong nainis doon.

"Kidding! She's just asking me for random things...why?" He said. Naningkit ang mata ko. Nagtanong? O nakipag landian? It's obvious!

"At sinagot mo naman? Ano gustong gusto?" Medyo mahinahon kong tanong. Kung pwede ko lang siyang sampalin, ginawa ko na. Ayaw ko lang makagawa ng malaking atensyon sa lahat kaya pinipigilan ko ang aking sarili.

"Wait..what are you talking about? I told you she just asked me! Anong gustong gusto?" Umirap ako at hindi nagsalita, lumingon ako sa babae na nasa counter at nagsabi na ng order ganun din ang ginawa ni Perseus ng matapos ay naglakad na ako sa upuan na pepwestuhan namin, ramdam ko ang pagsunod niya sa akin.

"Why are you mad? At bakit ka nga pala bumalik dun? Di ba I told you to find our seat?" He asked. At may gana pa talaga siyang ibalik ang usaping yun! Napaka talaga!

"Don't talk to me." I said, mukhang hindi na siya natutuwa dahil naging seryoso na rin siya, inilagay ng waiter ang aming mga pagkain at ako naman ay nagsimula ng kumain. Siya naman ay nanatiling nakatingin sa akin.

"Emerald, let's talk." Mariin niyang sinabi.

"I'm eating!" I said. Sumulyap ako sa kaniya at nakita ko ang pagsasalubong ng kaniyang kilay. Hindi ko alam pero nag iinit talaga ang ulo ko. Una dahil dun sa nangyari sa store at mas lalo pa akong nainis ng kausapin siya ng babaeng yun! Nababaliw na yata ako!

Nagpatuloy ako sa pagkain, ganun din siya, mas nauna akong natapos at mabilis din siyang natapos.

"Now let's talk. What are you mad about?" He asked seriously.

"Wala." I said. Mukhang naiinis na siya dahil hindi niya nagugustuhan ang mga sagot ko.

"I'm serious Emerald. Kinausap lang naman ako ng babae-"

"At kinausap mo din! Stupid flirt." I whispered the last words. Nagdugtong ang kaniyang kilay.

"So you're jealous?" He asked. Napaayos ako ng tayo. At diretsong napatingin sa kaniya.

"Ofcourse not! Why would I be?" I said. Lalo lang siyang nainis sa sinabi ko. Tumayo ako at naglakad paalis sa harap niya.

"Damn!" Rinig kong sabi niya bago siya sumunod sa akin.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at mabilis na nagpara ng tricycle at dahil sa mabilis kong kilos ay hindi niya na ako naabutan. Nakita ko siyang madilim ang tingin sa tricycle kung nasan ako. Nakita ko ding medyo natanggal na ang mask niya.

"Jealous? I'm not jealous!" Halos isigaw ko ito sa loob ng tricycle.

Dangerous Enemy (TCB#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon