Chapter 3

1.3K 42 6
                                        

To: Jojo
September 4,2018
6:06pm

Sir Jojo, good evening po. Sir, pasensya na po pero hindi ko na po kaya ang mga ipinapagawa ng Management sa Mr Universe. Nahihirapan na po ako kasi wala po sa kontrata yung mga ipinapagawa nila saakin. Sana po ay maintindihan nyo po.

From: Jojo
September 4, 2018
6:08pm

Sige Ion. Sasabihin ko sa kanila na hindi mo na itutuloy ang iyong mga task. Wag kang mag alala, hahanapan kita ng iba pang trabaho.

To: Jojo
September 4,2018
6:09pm

Maraming salamat po ulit Sir. Wag kang mag alala, mag hahanap parin po ako ng trabaho po. Thank you po.

"Cheeeeeeeeeeers!!!" sabi ko. Nag inuman kami ngayon ng mga kasama ko sa gym kasi salubong sa birthday ng coach ko.

Alas dose na at parang naramdaman ko nag vibrate ang cellphone ko sa bulsa ko. Kinuha ko ito at pag tingin ko sa caller ID, 'SIR JOJO'

"Brad, labas muna ako, tumatawag ang handler ko" nag paalam muna ako sa mga kaibigan ko.

"Sige Brad!" sabi nila. Lumakad ako hanggang sa labas para walang masyadong ingay. Pa gewang-gewang na ang lakad ko papalabas kasi kanina pa kami dito nag iinuman pero makakapag salita pa naman ako ng maayos.

"Hello Sir? Napatawag po kayo?" Sabi ko nung sinagot ko yung tawag.

"Ion! May trabaho ka bukas! Mag eescort ka sa Showtime sa Ms. Q&A. Kaya kung nakikipag inuman ka diyan kasi halata naman sa boses mo, nako baka hindi ka makagising ng maaga bukas. Call time mo 8am sa ABS-CBN." Saad niya.

Showtime? Ibig sabihin, nandoon si Vice Ganda? Napangiti naman ako. Siyempre, makikita ko na ulit ang nag iisang Vice Ganda at may trabaho na ako kung makakagising ako ng maaga.

"Sige po sir! Maraming maraming salamat po! Hindi ko po kayo bibiguin." Sabi ko. At binaba niya na ang telepono.

Agad naman ako nagpaalam sa mga kasamahan ko. "Mga brad, uwi na ako. Binigyan ako ng trabaho bukas na bukas na agad sa ABSCBN kaya kailangan ko nang magpahinga"

"Wow congrats Ion! Magiging artista ka na!!" At tinukso pa ako ng mga baliw at nagtawanan sila.

"Sige alis na ako! Wag kayo magpakalasing masiyado ha! At Jobert! Happy birthday ulit!"

"Salamat Ion! Ingat ka!" Sabi ni Jobert.

"Kayo din!" At kumaway na ako at nag lakad pauwi.

Parang nawala ang pagka lasing ko nung naisip ko na makikita ko na si Vice Ganda ulit bukas. Nakahiga na ako sa kama at nakangiti parin ako. Nasasabik na akong makita ka ulit.

Right Time (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon