Chapter 41

1.7K 39 4
                                        




Vice's Point Of View

"Ate, pwede po ba ako'ng pumasok ng Showtime ngayon? Kahit bumalik ako mamaya. Please? Mag peperform si Ion ngayon eh." Tanging hiling ko sa Ate ko.

Ngayon kasi mag pe-perform si Ion. Hindi ako papayag na wala ako doon. Unang Magpasikat 'to ni Ion kaya dapat nandoon ako.

"Mahal na mahal mo talaga yan si Ion Tuy noh?" Tanong ni Ate.

"Oo te, eh mukhang nabihag nanaman po ang puso ng bunso nyong kapatid na bakla." Tawa kong sinabi.

"O alagaan mo yan ha? Nakikita ko naman na mahal na mahal ka non! Hindi na nga halos mabitawan ang kamay mo pag nandito yun." Sabi niya sa akin.

"Oo nga eh. Sobrang maalaga talaga 'yun te. Kulang nalang, siya ang mag huhugas ng pwet ko pag tumae ako. Kaya please payagan mo na ako!"

"O sya, mapiligilan ba kita? Baka di mo ako bayaran ng PF pag di pa kita pinayagan. Pero balik ka dito ha? May mga tests pa tayong gagawin." Biro niya sa akin.

"Hala! Ang kapal ng mukha mo Ate! Hahaha Pero sige. Dadagdagan ko pa yan, payagan mo lang ako. Gustong gusto ko lang talagang makita si Ion mag perform" sabi ko sa kanya.

"Ay ganon? Sige. Swerte ka, malakas sa akin si Ion. Kung si Te—" aba naman talaga si Ate Tina oh!

"Hephep! Salamat ate! I love you!" Pinutol ko siya. Ate naman, dont speak badwords! At tinawanan niya ako tapos lumabas na din.

Hindi pa alam ni Ion na lumabas ako ng ospital ngayon kaya gusto ko siyang i surprise.

Hindi pa nagsisimula ang show ay pinatanong ko sa staff ko nasaan si Ion. Nung nahanap nila ay agad ko itong pinuntahan. At narinig ko sina Jugs, Teddy at Ion na nag-uusap.

"Oh pre, ba't malungkot ka? Baka maapektohan yung performance natin niyan." Sabi ni Jugs.

"Oo nga tol, ano ba nangyari?" Dagdag naman ni Teddy.

"Wala pa pala si Betla. Hindi pa siya makakalabas ng ospital ngayon." Naririnig ko lungkot sa boses niya. Ang cute ng Baby ko.

"Ay sure naman ako tol na makikita ka nyang mag perform sa TV." Sabi ni Teddy.

"Eh iba parin kasi pag nandito siya eh. Kahit mayakap ko lang siya bago mag simula ang performance." Lungkot na sabi ni Ion. Gusto ko na sanang pumasok pero parang gusto ko pang makinig sa kanila.

"Mahal na mahal mo talaga si Ate tol noh? Napaka importante niya sa'yo." Sabi ni Jugs.

"Oo nga eh! Sobrang ganda ng ngiti ni Meme din ngayon dahil sa'yo." Sabi no Teddy.

"Oo. Sobrang mahal na mahal ko yun. Pero naiintindihan ko naman kung hindi siya makakapunta. Eh nanghihina pa kasi yun. Mamaya pagkatapos ng show, pupuntahan ko siya agad." Sabi ni Ion.

Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya ako nakikita. Nakita ako ni Teddy at Jugs at sinenyasan ko silang wag maingay na nandito ako at ipagpatuloy lang ang pag uusap nila. At sumunod naman ito. Nasa likod niya lang ako.

"Tapos, anong gagawin mo sa kanya?" Tanong ni Jugs.

"Yayakapin ko yun. Namiss ko na nga eh, kahit galing ako doon kagabi bago tayo nag praktis. Yung kakulitan at kasungitan nun, mis na mis ko na. Eh, simula nung na ospital yun, sobrang nanghihina siya kaya hindi ko na lang muna kinulit." Sagot ni Ion.

"Kaya nga gusto ko nang magpagaling agad eh, kasi namimis ko na ang kakulitan nito'ng si Betnog ko." Sabi ko. At biglang humarap siya sa akin at nagulat siya. Niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit, napangiti naman ako. Bulong ko sa kanya "Hi Babe."

At nag tilian naman ang dalawa. "Yieeeee, kay tamis naman!" Sabi ni Teddy.

"Oh mauna na kami Ion ha? Kita nalang tayo sa Dressing room." Sabi ni Jugs.

"Sige salamat mga kuya." Sabi ni Ion. At hinarap niya ako. "Hi Babe. Paano? Kailan?" Tanong niya sa akin habang tinitignan ang mga mata ko.

"Pinayagan ako ni Ate Tina pero babalik ako doon mamaya. Kaya wag ka nang malungkot. Yayakapin pa kita mamaya bago kayo mag perform." Sabi ko sa kanya. At nginitian ko siya.

"Ha? Kanina ka pa pala diyan?" Nalilitong tanong ni Ion.

"Oo. At narinig ko lahat ng pinaguusapan niyo. I love you." Sabi ko sa kanya.

"Alam mo, kahit chismosa ka, mahal na mahal parin kita." Sabi niya at tinampal ko siya ng mahina kaya napatawa siya. "At wala akong ikinakatakot kung makikinig ka sa kung sino o ano ang mga pinagusapan namin ng ibang tao kasi wala naman akong tinatago sa'yo." At ngumiti ako. Oh my, ang gwapo nga jowa ko!

"Alam mo, kahit nakakainis ka, ang gwapo mo parin." Sabi ko sa kanya. "Good luck mamaya Love, manonood ako." Dagdag ko pa.

"Yey! I love you po. Thank you." Ang laki ng ngiti niya kaya napangiti naman ako. Ang cute ng Baby ko oh!

"I love you too! O sya, puntahan mo na ang mga ka team mo. Baka hinahanap ka na non." Sabi ko sa kanya.

At tumango naman ito at lumakad na papuntang dressing room nila.

Tapos na mag perform sina Ion. Proud na proud ako sa kanya. Sumasayaw na ang jowa ko! Nagpakita pa ng abs! Ano ba naman yan! Baka kumulo na naman sikmura ko sa mga nakikita ko. Pero nakakaproud kasi ang lakas nga tilian ng mga madlang people nung lumabas na siya. Gustong gusto talaga siya ng mga tao, marahil dahil sa kanyang pagka natural sa harap ng kamera.

Nag comment na ang mga hurado at biglang sabi ni Deither "kaya pala ang sigla-sigla ni Ion sa performance nya, nandito ka na pala Vice" at nag tilian na naman ang mga tao. Na realize ko na mahal na mahal pala talaga siya at kami ng mga tao. Kung may mga tao na hindi kami matanggap ay okay lang, mas marami naman ang sumusupporta sa amin at para sa akin, sapat na yun. Yung sinusuportaan kami ng mga tao'ng nagmamahal at mahal namin.

Pagkatapos ng show, bumalik muna kami sa hotel para magpahinga muna sandali kasi babalik pa ako ng ospital. Sabi naman ni Ate Tina, bukas na bukas pwede na ako ma discharge.

Pag pasok namin sa kwarto, agad niya akong hinila at hinalikan sa labi ng matagal. "Love thank you dahil dumating ka. Thank you dahil nakikita kita habang nag peperform. Wala na akong ibang inisip kundi para sa'yo lang yung pag peperform ko, at dahil doon, hindi na ako masyadong kinakabahan." Sabi nito.

"I love you. Ang galing mo nga kanina eh. Hataw na hataw ang Betnog ko. Sobrang proud ako sayo kung alam mo lang." at hinalikan ko siya sa labi.

"I love you. Hindi ko alam kung paano ko yun magagawa kung wala ka doon. Wala akong lakas ng loob Love kung wala ka. Sobrang kailangan talaga kita. Ikaw lang din kasi talaga ang lakas ko. Kaya please wag mo ako'ng iiwan." Sabi nito sa akin at parang maluhaluha pa ito.

"Wag kang mag alala, walang mangiiwan Love. Hindi kita iiwan. Kasi sobra sobrang mahal na mahal din kita. Kaya wala kang dapat ipag alala." At niyakap ko siya.

Humiga na kami sa kama at nag yakapan lang. walang ni isa sa amin ang nagsasalita, pinakiramdaman lang namin ang bawat isa.

Hindi ko alam bakit naiiyak ako. Kitang kita ko ang purong pagmamahal nitong tao'ng 'to sa akin. Bakit ngayon lang 'to dumating? Pero gayunpaman, ay nag papasalamat parin ako. Maraming salamat po Panginoon sa pagbibigay mo sa akin ng tao'ng 'to. Sisiguraduhin ko po na mas mamahalin ko po ito sa bawat araw na darating.

Sa pag iisip ko at nakatulog na nga ako habang naka sandal sa dibdib niya.

Right Time (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon