Pagkatapos ng Showtime ay nag tungo na rin ako sa dressing room namin mga lalaki. Napaisip ako, paano ko kaya ligawan ang isang Vice Ganda. Tinititigan ko sa sarili ko sa salamin. May hitsura naman ako. Natatawa naman siya saakin. Paano kaya ako magsisimula. Napangiti ako sa mga naiisip ko. At biglang.."Oh brad! Ngiting-ngiti ka 'ata ah?" Tinapik ang balikat ko ni Kuya Vhong.
"Ay kuya. Nandiyan na pala kayo. Wala lang po. Masaya lang po ako" sabi ko naman sa kanila.
"Oh yung kasayahan mo, i celebrate natin yan! Nag yaya si Vice mamayang gabi, total sabado naman ngayon. Party daw tayo kasama ang mga hashtags" sabi niya.
Mas nabuhayan ang loob ko. Siguro ito na ang unang pagkakataong pwede na akong iparamdam sa kanya na may pagtingin na ako sa kanya.
"Sige po kuya. Titignan po ako." Nginitian ko naman si Kuya Vhong.
"Ayos. Sige kita nalang tayo mamaya" sabi niya habang naglalakad papuntang pinto.
"Sige po kuya. Salamat!" At umalis na nga siya.
Agad akong umuwi. Nag hanap ng magandang maisuot para mamaya. Gusto ko'ng mapansin ni Vice Ganda. Excited na ako. Gusto ko na siyang makita. Alas sais pa lang naman. Masyado naman siguro akong maaga para pumunta sa club. Kakain nalang muna ako.
Alas nuwebe na ng gabi at nag tungo na ako sa club. Nakita ko sina Ate Anne, Kuya Vhong, Kuya Jhong, Zeus, Nikko, Kid at marami pang ibang hashtags.
"Oy brad! Buti dumating ka!" Sabi ni kuya Vhong sa akin at isa-isa nila akong niyakap maliban kay Vice. Mahirap para sa kanya lumapit kasi nasa dulo siya ng mesa at kinailangang tumayo ng mga katai niya para makatayo din siya.
"Oo naman! Kayo pa ba?" Sabi ko at tumingin ako ky Vice. Nakatingin na rin pala siya sa akin kaya nginitian ko siya. At ngumiti din siya. Ang ganda niya talaga.
Tapos bigla siyang sumigaw "oh sige na! Mag order na kayo ng hard drinks! Ako na bahala!"
At nag huyawan ang mga kasama namin.
Ilang minuto lang ay dumating na ang Jack Daniels at Coke. Nilagay ng waiter sa lamesa at binuksan ito ni Vice. Nakatitig lang ako sa kanya. Gandang ganda na naman ako sa kanya. Kahit ano'ng gagawin niya, nagagandahan talaga ako sa kanya.
Habang nagiinuman na kami, hindi ko talaga maalis ang mga mata ko sa kanya. Minsan kinakausap ko sila Kuya Vhong, Ate Anne at kuya Vhong pero hindi ko alam, bumabalik parin talaga ang mga mata ko sa kanya. Nasa dancefloor na ang mga hashtags, nag sasayawan. Lahat ng mga galaw ni Vice, ang ganda tignan. Napaka sexy niya pa sa sweatshirt, short shorts at rubber shoes.
Nakatingin lang talaga ako sa kanya at siya naman ay busy sa makikipag usap, tumatawa, hinahawakan ang baso't umiinom, kumikislap ang mga mata niya habang tumatawa pag ang kausap niya ay nag jo-joke.
"Oh ang ganda niya noh?" Bigla naman akong inakbayan ng isang lalaki na alam ko nakita ko na dati. Pero siguro dahil sa alak na nainum ko, eh hindi ko na talaga matandaan ang pangalan niya.
"Uy Calvin! Buti naka punta ka! Sabi ni Vice may practice daw kayo!" Sabi ni kuya Vhong. "Sya nga pala brad! Sarap nung pinadala mo'ng adobo sa studio! Sana di lang yun ang huli mong padala brad." Biro ni kuya Vhong.
Nanlaki naman ang mata ni Vice sa sinabi ni Kuya Vhong. "Kahit kailan talaga, bakulaw sa pagkain 'tong pango-lo'ng 'to!" At tumawa..
Si Calvin. Anong ginagawa niya dito? Akala ko mga showtime family lang ang pinapunta dito?
"Oo naman syempre! Kung wala na akong masyadong practice. Pospusan kasi ensayo namin ngayon eh dahil malapit na PBA" sabi ni Calvin. At dahan-dahan silang nag adjust para maka-upo si Calvin sa tabi ni Vice.
Tumawa naman si kuya Jhong at tinapik ang balikat ni Calvin at tinignan ito, "maghihintay kami brad ah?" At hinarap niya di Vice at sabi niya "hayaan mo na cutiepie! Alam naman nating lahat na gusto mo rin siyang pumunta ng studio eh!" At tumingin ako ky Vice at kitang-kita ko namula siya sa sinabi ni Kuya Jhong.
Sila ba? May relasyon ba to silang dalawa? Sa walang pag dadalawang-isip ay ininom ko agad ang baso na may Jack-Coke. Hindi ko kaya dito. Gusto kong lumayo.
Agad kong nilapag ang baso pagkaubos ng inumin at hindi ko namalayan napalakas ko pala ito. Nagtinginan sila sa akin pati na rin si Vice.
Naiinis ako sa sarili ko pero tumawa lang ako at sabi ko "sorry" tapos tumalikod agad ako at pinuntahan ko sina Zues at iba pa'ng mga hashtags at sumali ako sa sayawan nila. Alam ko'ng puro kaliwa ang mga paa ko pero gusto ko lang talaga lumayo sa kanila. Akala ko makakapag first move na ako ky Vice. Pero hindi eh. Hindi ko alam kung bakit ako nag seselos. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan.
Baka dahil sa naudlot kong plano? O baka dahil mahal ko na talaga ako sa baklang to?

BINABASA MO ANG
Right Time (Complete)
FanfictionThis is a FanFiction of ViceIon love story. I made this story based on what I know about Vice Ganda and Ion Perez. The story's concept is based on what you see on It's Showtime, Vice Ganda's IG stories, Ion Perez's IG stories, interviews. I just add...