Ion's Point Of ViewILANG ARAW ANG LUMIPAS AT NAGBIBIRTHDAY PROD NA SI VICE SA IT'S SHOWTIME
Tapos na ang prod number ng mahal ko. Hangang hanga na naman ako sa kanya. Napakagaling ng girlfriend ko! Ang sarap sumigaw doon sa stage na proud ako sa kanya. Ang sarap lumapit sa kanya at yakapin siya; yun nga lang, hindi pwede. Ang dami niyang guest performers, mga haligi ng musikang pilipino, at isa-isa silang bumabati kay Vice ng happy birthday. Wala talagang makakatalo sa Mahal kong napaka galing sa lahat ng mga ginagawa niya.
"Maraming maraming salamat sa inyong lahat, maraming salamat sa pagmamahal sa akin at sa panguunawa sa mga kahinaan ko. I am not a perfect person, I am not the best entertainer in the country, I am not the best comedian, but you love me very much. Maraming salamat po. At angdami niyo nang support na binibigay sa akin. Kagabi, sabi ko, alam ko namang tatanungin ako kung ano'ng wish ko. Nag isip ako ano ba'ng wish ko, eh parang okay naman ako, nakaiponaipon naman na ako, nakakakain naman kami ng sapat, nakapunta naman ako sa gusto ko'ng puntahan, masaya naman ang buhay ko.
Narealize ko na ang wish ko lang eh uhm, nagpapasalamat ako na yung mga tao, sinosuportaan ako pag nagpapatawa ako, maraming salamat po at sinosuportaan niyo ako pag nagpapatawa ako.
Sana'y supportaan niyo rin ako pag nagmamahal ako at may nagmamahal sa akin. Kasi ang dami kong nababasa...Bakit yung iba, gusto lang nila yung bakla pag nagpapatawa, pero pag yung bakla nagmamahal, hindi nila gusto. Pag yung bakla binabatukan sa TV o sa pelikula, natatawa sila. Pero pag yung bakla minamahal nung lalaki, hindi niyo matanggap. Sana maging masaya tayo para sa isat-isa." Sabi niya sa TV. Napaluha ako sa sinabi niya.
Ito pala ang sinabi niya sa akin na ihahanda niya ang sarili niya at ang mga tao. Unti-unti ko nang naiintindihan ang mga plano niya.
Mas lalo kitang minahal Vice.
Commercial break na. Nandito ako sa dressing room niya. Naririnig ko sa labas na may maingay, binabati si Vice sa labas kaya nalaman ko na papalapit na siya. Pag pasok niya agad nagpalakpakan ang Team Vice for a successful production. Pero tila hindi niya ito narinig kasi naka pokus ang tingin niya sa akin. Nginitian ko siya at agad niya akong niyakap. Limabas naman agad ang Team Vice at kami nalang ang naiwan sa Dressing Room. Hinalikan ko agad siya ng matagal kahit alam kong may lipstick pa siya.
"Happy birthday Reyna ko. I love you so much."
"Thank you Love. I love you too so much."
"Proud na proud ako na ako ang boyfriend mo Mahal. Kung pwede lang sumigaw sa studio 'GO MAHAL KO!' para i cheer ka, ginawa ko na. Napaka galing ng Love ko. Mas lalo mo akong napahanga Love." Sinabi ko sa kanya.
"Thank you Love! Pero hindi ko naman magagawa yun lahat kung wala akong inspirasyon at ikaw yun! Kaya thank you so much."

BINABASA MO ANG
Right Time (Complete)
FanfictionThis is a FanFiction of ViceIon love story. I made this story based on what I know about Vice Ganda and Ion Perez. The story's concept is based on what you see on It's Showtime, Vice Ganda's IG stories, Ion Perez's IG stories, interviews. I just add...