Chapter 36

2.2K 44 10
                                        



Ion's Point Of View

Una ako nagising kay Vice. Nakayakap parin siya sa akin. Napakaganda ng bumungad sa akin ngayong araw na ito. Namiss ko ito, namiss ko siya.

Panginoon, maraming salamat po sa araw na ito. Maraming salamat at hindi mo ako pinabayaan nung nahihirapan ako. Maraming salamat din po dahil binigay mo po sa akin si Tutoy. Maraming salamat din po dahil binigyan niyo po ako ng isang Nanay Zeny na gumagabay sa akin sa lahat ng hakbang ko. Sana po ay mananatiling malusog po at masaya ang Nanay ko, si Vice, si Nanay Rosario at ang buong pamilya po namin.

Pagkatapos ko'ng mag dasal, nakita ko si Vice tulog parin. Hinalikan ko ang noo niya, pero tulog pa din. Hinalikan ko ang pisngi niya pero hindi parin nagising. Hinalikan ko ang ilong niya at parang gumalaw na siya kaya kiniskis ko ang ilong ko sa ilong niya para magising na siya.

"Good morning Love." Bati ko sa kanya. At minulat niya ang mata niya.

"Good morning Love"

Ang sarap parin gumising na katabi ang pinakamamahal mo'ng tao. Isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi ako susuko at bibitiw. Hindi ako magpapatinag sa mga sinasabi nga mga tao. Mas okay na makarinig ng masasakit na salita ng mga tao keysa mawala sa akin si Vice dahil alam ko naman ang totoo eh. Alam namin ang totoo. At ang totoo, masaya at mahal namin ang isa't-isa.

Nasa dressing room na ako ng mga lalaki. Pumasok na din sina Kuya Jhong at Kuya Vhong.

"Oh Brad! Buti naman bumalik ka na!" Bati ni Kuya Vhong sa akin.

"Long time, no see Ion!" Sabi din ni Kuya Jhong.

"Oo mga kuya, salamat po. Eh hindi ko matiis si Betla eh." At nginitian ko siya.

"Aysus! Ganyan! Yan ang gusto nami'ng marinig sa'yo! Yung kakayanin mo at tatahakin mo ang lahat para kay Vice. Kasi minsan na ring nasaktan yan dahil hindi nila matiis ang mga sinasabi ng iba." Sabi ni Kuya Jhong.

"Oo nga. Kaya masayang masaya kami para sa inyo Brad! Kasi hindi ka talaga bumitiw sa baklang yon kahit may topak din yun minsan, eh nakikita nami'ng mahal na mahal mo siya" ani ni Kuya Vhong.

"Kaya nga nag pahinga lang ako kuya kasi siguro naninibago lang ako. Pero hindi ko naman talaga siya iiwan Kuya eh. Naninibago lang siguro ako sa mga pangyayari." Sabi ko sa kanila.

"Kaya nga eh. Nalungkot din kaya yun nung wala ka dito. Nagaalala yun sa'yo. Hindi siya mapakali. Pero binibigyan ka lang talaga niya ng panahon para makahinga ng maayos at naiintindihan ka naman niya." Sabi ni Kuya Vhong.

"Wag po kayong mag alala kuya, kung si Vice lang ang pinaguusapan, eh hindi ko po siya sasaktan. At lalong hinding hindi ko po siya iiwan." Panigurado kong sinabi sa kanila.

"O yan, maganda yan! O sya! Mag handa ka na rin pala para sa laro natin bukas. Dapat manalo tayo ha?" Sabi ni Kuya Jhong.

"Oo nga! Ikaw pinakamalakas sa team! Wag kang mawawala!" Sabi ni kuya Vhong sa akin.

"Di po ah, kayo yung mga malalakas. Aalalay lang ako sa inyo mga Kuya." Naka ngiti akong sinabi sa kanila.

"O sige na. Mag sisimula na ang show! Tara na!" Sabi ni kuya Jhong at tinapik ang balikat ko. Lumabas na agad sila sa dressing room at sumunod naman ako.

Pinuntahan ko muna si Vice sa dressing room niya.

Pag pasok ko, nabigla siya pero ngumiti naman agad pagkakita niya na ako pala ang pumasok. "Hi Babe." At hinalikan ko siya sa pisngi. "Kamusta?" Tanong ko sa kanya.

"Hi. Okay lang. Masakit pero ayos lang" at kinindatan niya ako.

"Ano'ng masakit meme?" Tanong ni Buern.

Right Time (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon