Alas dos na ng madaling araw nang unti-unti nang nagpaalam ang mga hashtags."Ate Vice, maraming salamat po talaga! Nag enjoy po kami." ani ni Nikko.
"O mag ingat kayo papauwi ha? Text niyo ako pag nakarating na kayo ng bahay. Magaalala ako pag hindi niyo ako itetext." Sabi naman ni Vice.
Medyo na lasing na ako dahil sa lakas ng tugtog, sa ilaw at sa alak na ininum ko, dumagdag pa ang kirot sa puso ko dahil sa Calvin na 'yan. Andito pa siya at hindi ako aalis kung hindi 'to aalis.
"Ikaw Ion? Paano ka uuwi?" may halong pag-aalala ang boses ni Vice. Alam ko namang alam niya na nalalasing na ako.
"A-ah, ok la-lang ako. W-wag kang mag-a-alala." Sabi ko. At biglang..
BLACKOUT.
Minulat ko ang mga mata ko at nasilayan ko isang chandelier sa harap ko. Malamig ang lugar at naka higa na ako. Ang sakit ng ulo ko.
Bumangon ako at nakita ko si Vice kagagaling lang sa pinto. Wala na siyang make up at buhok. Ang ganda niya lalo. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa nakalapit siya sa akin.
"Hi. Eto, may tubig diyan sa side table malapit sayo. Inumin mo yan." Sabi ni Vice.
Nilibot ko ang paningin ko at nagtaka kung bakit kami nasa iisang kwarto. Paano ako naka rating dito? Kinarga niya ba ako?
"Sa bahay ko na ikaw dinala kasi lasing na lasing ka na, eh hindi ko naman alam kung saan ka nakatira. Nagpatulong ako sa security ko para buhatin ka hanggang dito sa kwarto." sabi niya na parang sinasagot niya ang mga tanong sa isip ko.
"Salamat." At kinuha ko ang tubig sa tabi ko at ininom ko.
"Komusta na pakiramdam mo? Masakit ba ulo mo?" Tanong niya.
"Okay lang ako. Pasensya na. Sina kuya Vhong nga pala?"
"Ah nagsi uwian na. Hinahanap na ng mga jowa at asawa nila." At tumawa siya sa sinabi niya. Ang ganda niya lalo na walang ayos talaga. Ang cute ng tawa niya. Tapos may bigla akong naalala.
"Eh ikaw? Hindi ka ba hinahanap ng jowa mo?"
"Wala naman ako'ng jowa noh" sabi niya.
"Si Calvin?"
"Hindi ko jowa si Calvin, may asawa yung tao" sabi niya at parang nalungkot siya.
"Bat ka malungkot? Gusto mo siya?"
"Ha? Di ah."
"Oh eh bat ka malungkot? At bakit ka nila tinutukso?"
"Ewan ko sa kanila." Sabi niya at tumayo na siya at lumapit sa akin.
"Sa totoo lang, gusto ko siya pero alam kong hindi pwede. Kasi napapasaya niya ako. Ang ganda ng naging relasyon namin nitong mga nakaraang linggo, pero alam ko kung saan ako dapat lumugar. At masakit kasi alam kong nagkakagusto na naman ako sa maling tao." Tapos parang tumulo ang luha niya.
Lumapit ako sa kanya, pinunasan ko ang luha niya at niyakap ko siya. Binulongan ko siya "tahan na. Wag kang mag alala, darating at darating din ang taong makakapagpasaya sayo at hinding-hindi mo na iintindihin kung mali ba o hindi ang mga ginagawa niyo. Nandito lang ako." At nabigla ako sa sinabi ko pero hindi ko siya binitawan.
Ang naramdaman ko na mas hinigpitan niya pa ang yakap niya sa akin. At tinignan ko siya sa mata "Mag hintay ka lang. May tao'ng darating na walang ibang hangad sayo kundi ang mahalin ka at mapasaya ka. Ipapakita ko sayo yun." Dagdag ko pa.
Nandito na ako. Hindi man ako nakapag simula kagabi dahil nandoon si Calvin, babawi ako ngayon. Hindi ko alam na may pinagdadaanan pala si Vice ngayon at ayaw na ayaw ko siyang nakikitang umiiyak. Nasasaktan ako.
"Salamat ha? Ikaw to'ng nalasing pero ako yung nag da-drama. Hehe" sabi niya sabay bitaw sa pag yakap niya sa akin.
"Wala 'yon. Inalagaan mo naman ako eh." Sabi ko sakanya. At nilibot ko ulit ang paningin ko sa kwarto at ngayon ko lang napansin na kwarto niya pala ito kasi nandito ang bag niya, yung cellphone niya at yung vanity mirror niya. "Saan ka nga pala natulog kagabi?" Dagdag na katanungan ko.
"Nag tabi tayo. Wag kang mag alala, wala akong ginawa sa'yo. Hindi ako ganon" napatawa siyang sinabi yon.
"Haha talaga? Okay lang naman kung meron." At nginitian ko siya.
"Ang landi mo pala Ion!! Kumain na nga tayo!" At tumayo na siya at tinignan niya ako.
"Sige salamat." At tumayo na rin ako tapos binulongan ko siya "di pero seryoso ako nung sinabi ko sa'yo na meron at meron talagang magmamahal sayo ng totoo" dagdag ko.
"Che! Tara na nga!" Sabi niya at tinalokuran niya ako.
Sungit naman ni Ganda!
At nasa hapagkainan na kami. Kami lang dalawa ang naandito. Wala ba siyang kasama dito sa bahay? Imposible naman. Si Vice Ganda? Walang kasama? Hmm
"Ikaw lang mag-isa dito?" Kyuryosong tanong ko sa kanya.
"Di, meron akong kasama, may mga bakla dito pero siguro tulog pa sila kasi rumampa din ang mga yun kagabi." Sagot niya. "At may mga katulong din ako pero minsan lang sila lumalabas pag may bisita ako" dagdag niya pa.
"Ah okay. Akala ko ikaw lang dito."
"Bakit? May balak ka sa akin noh?" At nginitian niya ako.
Oo, balak kong ligawan ka. "Wala, nagtatanong lang naman. Ikaw ah?" Sabi ko sa kanya.
"Jackie!!! Paki handa yung pagkain!" Sumigaw siya at may isang babaeng lumabas sa kusina na may dalang pagkain.
"Good morning po." Sabi ni Jackie.
"Morning. Salamat Jackie." At nginitian niya ito.
Bukod sa maganda 'tong si Vice Ganda, eh ang bait-bait niya sa mga kasambahay niya.
"Sino nag luto nito?" Tanong ko sa kanya para hindi maputol ang usapan namin.
"Syempre. Hindi ako. Kasi nga diba? Di nga ako marunong-"
"Okay lang. Di mo kailangan mag explain. Alam ko marami kang ginagawa kaya hindi ka marunong magluto" tukso ko sa kanya.
"Ah talaga ba Ion?"
"Joke lang. Ito naman. Gusto mo turuan kita'ng magluto?"
"Wag na. Baka nakakaabala pa ako sayo! Kumain ka nalang diyan!" at narinig ko naman ang inis sa boses niya.
"Ito naman, galit agad. Nagmamagandang loob na nga yung tao oh"
"Eh kasi.." yumuko siya at mahina niyang sinabi na halatang nahihiya.
"Uy okay lang. Ako nalang ang magluluto para sa ating dalawa. Kumain ka na" Tapos nginitian ko siya.
Nagulat siya pero hindi nalang siya nag salita at kumain nalang siya. Biglang namula yung pisngi niya. YES! May ganong epekto ang mga sinasabi ko.
Natapos na kaming kumain.
"Sige aalis na ako. Para makapag pahinga ka na jan. Rest day mo pa naman ngayon. Maraming salamat talaga Vice at pasensya na sa abala" Sabi ko sa kanya.
"Sus wala yun! 'To naman. Text mo lang ako agad pag nakarating ka na sa bahay." Sabi niya sa akin.
Nakauwi na ako ng bahay at bitbit ko parin ang ngiti galing sa bahay niya. Nakatabi ko si Vice sa pagtulog? Ang taong gustong gusto ko? Pero dahil sa ka lasingan ko, hindi ko yun namalayan? ANG TANGA MO ION! Sabay pa kaming kumain.
Hindi mawala wala ang ganda ng ngiti niya sa isip ko. Ang ganda niya talaga at ang bait bait pa.

BINABASA MO ANG
Right Time (Complete)
FanfictionThis is a FanFiction of ViceIon love story. I made this story based on what I know about Vice Ganda and Ion Perez. The story's concept is based on what you see on It's Showtime, Vice Ganda's IG stories, Ion Perez's IG stories, interviews. I just add...