Ion's Point Of ViewHuling gabi na wala si Betla ko. Sobrang excited na akong umuwi siya. Namimis ko na ang girlfriend kong maganda. Matutulog nalang ako ng maaga para pag gising ko, nandiyan na siya.
Nagising ako sa sikat ng araw. Biglang may naramdaman akong mabigat sa likod sa bandang beywang ko kaya hinarap ko ito dahan-dahan.
Napangiti ako sa nakita ko.
Hindi ko muna siya ginalaw, alam kong pagod 'to sa biyahe. Tinititigan ko lang muna siya.
Hindi niya pa natanggal ang make up at buhok niya pero nakapag bihis naman na ito. Namiss ko 'to, namis ko siya, sobra.
Hindi ko napigilan ang sarili ko, hinalikan ko ang labi niya ng mabilis, at tumawa ako ng mahina. Ang lambot ng labi ng Mahal ko.
Sana Mahal, payagan mo akong halikan ka ng ganon araw-araw. Sana—
"Inlove na inlove ka na naman sa akin?" Biglang pagputol niya sa iniisip ko. Nakapikit pa siyang nagsasalita.
Niyakap ko agad siya ng mahigpit. "Good morning Mahal Ko. Namiss kita." At hinalik-halikan ko ang iba't-ibang bahagi ng mukha niya.
Minulat niya ang mga mata niya at sabi niya "halata nga Benigno."
Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya sabay sabi "hindi mo ba ako namis? Hindi mo na ba ako mahal?" At ngumunguso ako sa harap niya. "Kasi ako, mahal na mahal kita" at sumiksik ako sa leeg niya
"Ang OA naman. Syempre namiss kita! Walang araw na hindi kita namimis. At sobrang mahal na mahal kita." At hinalikan niya ang noo ko.
Agad ako'ng tumingin sa mga mata niya. "Talaga Love?" Tanong ko.
"Oo naman! Pero hindi pa kita sinasagot. Nagiisip pa kasi ako eh. Ok lang ba?" Alalang tanong niya sa akin.
"Oo syempre. Hihintayin kita kahit anong mangyari Mahal ko. Hinding hindi kita susukuan." Sabi ko. "So kamusta sa Japan? Parang enjoy na enjoy ka doon sa Mt. Fuji ah?" Pagiiba ko ng usapan.
"Oo, ang saya doon. Gusto ko bumalik tayo doon na may snow din." Sabi niya.
"Isasama mo ako?" At ngumiti ako ng napakalaki-laki. Kasi alam ko, next year pa ang susunod na snow. O sa katapusan ng taon. Malayo pa. Parang may nakita akong pag-asa sa pagyaya niya sa akin.
"Bakit? Sino ba dapat ko'ng isama?" Nagtataka siya sa tanong ko.
"Wala. I love you po." Mahina kong sinabi sa kanya.
"Suuus naglalambing. I love you too. Behave ka ba dito?" Tanong niya sa akin.
"Mahal, alam mo namang may bodyguard na sunod ng sunod sa akin diba? Kahit uminum ako hanggang madaling araw kasama sina Jobert, sinasamahan ako. At saka, bakit ba? Kelan ba ako hindi behave? Ikaw lang naman yung hindi ah?" Biro ko sa kanya.
Mahina niya akong tinampal. "Hoy! Hindi ah! Diba nga, simula nung naging tayo, mabait na 'to. Kaya wag mo akong ginaganyan, baka magbago ang isip ko." Sabi niya.
Nabigla ako. Kaya sumiksik ulit ako sa leeg niya. "Sorry po. Nag jo-joke lang naman po ako eh. Wag ka po mag hanap ng iba, ako lang, please?" Malambing kong sinabi sa kanya.
"Ang cute cute mo!!" At pinisil niya ang ilong ko. "Oo naman noh! Bakit naman ako maghahanap ng iba?" Sabi niya at hinalikan niya ako sa labi.
Bakit parang pakiramdam ko may mali? Parang masyado siyang sweet sa akin ngayon, o siguro dahil totoong namis niya talaga ako. Iba ang pakiramdam ko pero ayoko muna siyang kulitin tungkol doon. Gusto ko'ng magpahinga muna siya. Maghihintay nalang ako. Handa naman akong maghintay eh, ayoko siyang madaliin tungkol doon.

BINABASA MO ANG
Right Time (Complete)
FanfictionThis is a FanFiction of ViceIon love story. I made this story based on what I know about Vice Ganda and Ion Perez. The story's concept is based on what you see on It's Showtime, Vice Ganda's IG stories, Ion Perez's IG stories, interviews. I just add...