Tapos na ang unang araw ko sa It's Showtime. Hindi man lang ako nakaramdam ng pagod kahit ang aga ko'ng gimising kanina. Ang saya ng araw ko. Nakita ko ulit ang nag iisang Vice Ganda at kilala niya na ako. Nakakatawa pala talaga siya. Gusto ko pa sana siyang makita kanina pagkatapos ng show pero umalis na agad siya pagkatapos kasi may taping pa daw. Balang araw makapag pa picture ako sakanya. Hintay lang Ion! Darating din tayo diyan! Wag ka lang mag madali.Naputol ang pagiisip ko nang biglang may tumawag.
Nanay Kong Maganda
Agad ko'ng sinagot. "Nay! Napatawag po kayo?"
"Anak! Nakita kita sa Showtime kanina! Ang gwapo mo sa TV!" Sabi niya. Napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Salamat Nay! Nay ang ganda talaga ni Vice Ganda Nay! Kaso hindi na ako nakapagpapicture kasi umalis siya kaagad pagkatapos ng show." Sabi ko. Bahagya akong nalungkot sa sinabi ko.
"Wag kang mag alala Nak! Basta pagbutihin mo lang ang trabaho mo para mapanatili ka diyan sa pwesto mo sa Showtime. Makakapagpapicture ka sakanya balang araw"
"Salamat po Nay. Pagbubutihan ko po dito para po sa inyo Nay. I love you Nay!"
"Mahal ka din ni Nanay Noy! Oh sya sige, magluluto pa ako kasi pauwi na rin yung mga pamangkin mo. Ingat ka diyan palagi Nak!"
"Sige po Nay! Kayo din po."
Pinatay ko ang cellphone ko at nakita ko may message. Niyaya ako ng mga ka gym ko mag basketball. Maaga pa naman kaya game ako.
Pagkatapos ng game. Biglang sumakit yung tuhod ko. Bumagsak yung katawan ng isa kong kaibigan sa akin. Hindi ako naka balanse ng maayos. Hindi ako maka lakad. Linagyan ko ng yelo para hindi mamaga. Hinatid ako sa bahay ng mga kaibigan ko kasi hindi talaga ako makalakad ng maayos. Ang swerte ko sa mga kaibigan ko.
"Salamat brad sa pag hatid." Sabi ko sa kanila.
"Walang anuman Brad! Pagalingin mo yan. May Showtime kapa bukas." Tugon naman nila.
"Siyempre naman. Unang araw ko pa kanina tapos absent na naman? Haha"
Nag tawanan naman ang mga hayop bago umalis.
-KINABUKASAN-
Nako, hindi talaga ako makalakad. Namaga yung tuhod ko. Hindi ko makikita si Vice ngayon kung aabsent ako. Pano na to?
Tumawag ako ky Direk Bobet.
"Good morning po Direk" bati ko sakanya.
"Oh Ion? Napatawag ka?" Tanong niya.
"Kasi po Direk, nakakahiya po pero parang makakaabsent ako ngayon. Namaga po yung tuhod ko at di po talaga ako makalakad. Sinubukan ko po pero hindi po talaga kaya direk." Nahihiya akong magsalita pa.
"Okay lang Ion. Pagalingin mo lang muna yan. Sana bukas okay ka na. Kukuha muna ako ng isang hashtag pampalit sayo pansamantala" sabi niya.
"Maraming salamat po Direk. Babawi po ako bukas po. Sorry po ulit"
"Okay lang. Sige Ion"
At binaba niya ang telepono.
Nanonood nalang muna ako ng Showtime ngayon. Si Nikko pala ang pinalit muna saakin pansamantala. Nagtawanan sila ng mga showtime hosts. Ang ganda ni Vice Ganda ngayon, sayang wala ako doon. Di bale na, maganda naman siya araw-araw. Nanood ako hanggang TnT.
Nakaramdam ako ng lungkot kasi tinukso nila si Vice tungkol ky Calvin Abueva. Kasi may IG story si Vice na magkasama sila kagabi.
Kinuha ko ang telepono ko at finollow ko si Vice sa IG at nakita ko ang IGstories niya. Magkasama talaga sila. Magkatabi pa.
Nalungkot ako.
Nag dasal na lang ako.
Panginoon, maraming salamat sa araw na ito, sana po bigyan niyo po ng malusog na pagkakatawan ang pamilya ko at mga mahal ko sa buhay. Salamat din po sa mga oportunidad na binigay niyo po sa akin na maka pasok ng ABSCBN at makita muli si Vice Ganda. Sana po kung sila po talaga ni Calvin ay hindi na po siya sasaktan kagaya nung dati. Sana po bukas, kung ipahihintulot niyo po, sana ay makita ko siyang muli. Salamat po.
At nakatulog na ako..

BINABASA MO ANG
Right Time (Complete)
FanfictionThis is a FanFiction of ViceIon love story. I made this story based on what I know about Vice Ganda and Ion Perez. The story's concept is based on what you see on It's Showtime, Vice Ganda's IG stories, Ion Perez's IG stories, interviews. I just add...