Vice's Point Of ViewSeptember 22,2019
Biglang kinabahan ako kasi sumilip si Tita Cory sa studio. Binati namin mga host sa kalagitnaan ng show. Di baleng ma hinto yung banter namin wag lang mawalan ng trabaho pag di namin na acknowledge si Tita Cory sa gilid. Bumeso kami isa-isa. Sinakto din naman na nahinto ang game kasi may sira yung buzzers ng mga contestants sa Mr. Q&A. Naku naman talaga. Kaya mas minabuti nami'ng ipagpatuloy ang show. Ipinatawag ko na lang kay Vhong si Ion.
Sabi ko ng pa singhal ky Ion "baka grounded?!"
Bahagya siyang tumawa "oo baka grounded"
"Baka basa yung koneksyon?!" Pasinghal ko na namang tinanong sa kanya.
Tapos biglang sumingit si Anne "ganyan ba kayo mag salita? Ganyan ba kayo mag I Love You-han?"
Sinundot ko ang tagiliran niya sabay tanong "I love you? I love you agad?!" At tumawa ako.
"Kasi nga Anne, ganun sila kasi pinagsisigawan nila na mahal nila ang isa't-isa." Sabi ni Vhong.
Lagot talaga 'tong dalawang to sa akin mamaya.
"Diba? I LOVE YOU!!" Pasigaw naman na sabi ni Anne.
Wala akong masabi kaya tumatawa nalang ako sa mga sinasabi nila at ganon din si Ion.
Hinarap ni Vhong si Ion "pag sinabi mo'ng mahal mo siya, gaano ka lakas?" Tanong niya nito. At binigay niya ang mikropono niya kay Ion.
Pinagdilatan ko ng mata si Ion kaya tumawa siya. Sabi ko "nakita mo kanina nandito si Tita Cory?" At tumawa naman kami lahat pati ang audience.
"Kunyari kunyari. Paano mo sasabihin Ion na 'mahal kita? Go!" Sabi ni Anne ky Ion.
Inangat ni Ion ang mikropono at mahinang sinasabi na "i lab you" habang nakatingin sa akin.
"Ay malambing nga.." sabi ni Anne.
"Pabulong naman yun!" Sabi din ni Vhong.
Hinarap ko naman si Anne para sabihin sana na itigil niya na ito pero naunahan niya ako ng tanong. "Ikaw, if ever? If ever lang. Paano ka mag Ilove you? Kunyari lang naman."
Kaya tinanong ko si Vhong. "Kanino ko sasabihin, sa'yo?"
Agad naman sumagot si Vhong na "sa kanya" sabay turo ky Ion. "O 'ito, ilapit ko sa'yo." Tapos nagpalit ng lugar na kinatatayuan si Ion at Vhong.
"Kunyare, eksena. Eksena, kayo nalang dalawa ang tao sa buong mundo. Oh magsasabi ka ng nararamdaman mo sa kanya at siya din sayo ng pasigaw." Sabi ni Vhong sa aming dalawa ni Ion.
"Oh mauna ka ha?" Sabi ko kay Ion. Kaya tumango naman ito. Hinarap ko si Vhong at tinanong ko "wala ng ibang tao sa mundo? Kami nalang tao sa mundo?"
"Oo wala na" sabi ni Vhong.
Nag biro nalang ako na parang maghuhubad ako. Tinanggal ko ang botones ko sa suot ko ng biglang sumigaw si Vhong "teka teka, anong ginagawa mo?!"
"Wala naman nang tao eh! Walang tao, tapos bihis ka pa?! Kilala ko pagkatao mo uy!" Sabi ko kay Vhong kaya tumawa silang lahat.
"Kunyare! Eh dito maraming tao eh!" Sabi ni Vhong.
"Ah okay." Sabi ko at sinubukan kong isara ang botones ko pero di ko magawa.
"Total, ahh—" sabi ni Ion. Pero pinutol ko siya.
"Eh shara mo yung ano" tapos tinuro ko yung bukas na botones. "Lambing, lagayy.." pabebe kong sinabi sa kanya. Tapos tumalikod ako sa kanya "hagod, likod" at hinagod niya naman ito.
"Total, ah tayo naman dalawa sa mundo." Sabi ni Ion kaya pinaharap ako ni Anne kay Ion. "Siguro, ito na ang pagkakataon kong sabihin ang nararamdaman ko.." at nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko "I LOVE YOU!" Sumigaw siya at tinignan niya ako sa mata.
Pilit kong umiwas sa mga titig niya kaya tumingin ako kay Vhong at sabi ko "sumisigaw?"
"Pinagsisigawan na nga niya kasi dalawa nalang kayo'ng tao sa mundo." Sabi ni Vhong sa akin.
"Oh sige." Kaya humarap ako kay Ion. Hinintay ko siyang tumingin sa akin. Kahit saan siya kasi tumitingin kaya hindi pa ako nag sasalita. Sa wakas tinignan niya na ako sa mata kaya sabi ko ng palambing na "love you.." at ngumiti siya.
Halatang kinikilig ang Babe ko kaya inasar ko siya "kinikilig ka!" Tumawa siya. Tapos nakita ko may luha ang mata niya.
"Bat ka umiiyak?" Tanong ko. Kaya tinignan din ni Vhong si Ion.
"Di, kinikilig lang ako" sabi ni Ion at tumatawa. Pilit niyang itago ang luha niya sa pamamagitan ng pag tawa.
"Umiiyak ka ba? Bat ka umiiyak?" Tanong ni Anne.
Sabi naman ni Vhong na "umiiyak" kahit walang mic.
"Bat ka umiiyak?" Tinanong ko si Ion habang binaba ko ang mikropono ko at mahina ko siyang sinampal. Hindi ko alam kung bakit parang naiyak na din ako. Tumulo bigla ang mga luha ko.
"Umiiyak ka na rin?!" Sabi ni Vhong sa akin.
"Parang timang 'to!" At pilit ko na rin itago ang mga luha ko sa pamamagitan ng pagtawa.
"Ba't nagiiyakan kayo?!" Sabi nina Anne at Vhong.
Kaya pinilit ko talagang pigilan ang mga luha ko pero hindi ko alam kung bakit patuloy parin ang pag agos ng mga luha ko.
Pagkatapos ng segment ay pumunta ako agad sa Dressing Room ko. Sabi ko sa mga bakla na gusto ko sanang mapag-isa kaya iniwan nila ako dito.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Pumatak na naman ang luha ko. Kaya napayuko nalang ako.
Wala akong narinig kundi ang lakas ng tibok ng puso ko pero hindi ko alam kung bakit. Biglang may naramdaman akong may pumapalipot sa beywang ko. Sa amoy palang nito ay alam ko na agad kung sino to.
"Babe, hi." Sabi ko sa kanya pero hindi parin ako tumingin sa kanya. Alam ko naramdaman niyang umiiyak ako kasi nangarag yung boses ko.
"I love you so much Babe." At hinarap niya ako sa kanya.
"Salamat Ion. Sobrang salamat. I love you too." Ang tanging sinabi ko sa kanya.
"Bakit ka nagpapasalamat?" Tanong niya saakin habang pinupunasan niya ang mga lluha sa pisngi ko.
"Kasi mahal mo ako at minamahal mo padin ako ako kahit may maraming tao'ng naka tingin."
"Love, diba sinasabi ko naman sayo lagi na hinding-hindi ko itatago ang pagmamahal ko sayo, kahit sino pa yang kaharap ko, ipagsisigawan ko palagi na mahal na mahal kita."
"Love? Ano ba ang nakita mo sa akin? Bakit mo ba talaga ako minahal ng ganito?" Kuryosong tanong ko sa kanya.
"Dahil ikaw ang pinanalangin ko sa Diyos. Isang tao'ng tulad mo ang matagal ko nang hinihiling sa kanya." Sabi niya sa akin. Tumulo ang luha ko.
"Eh bakit nga ako? Bakla lang naman ako ah?" Sabi ko sa kanya.
Hinalikan niya ang dalawang mata ko at pinunasan ang pisngi ko ng dalawang hinlalaki niya. At sabi niya "dati kasi, ang panalangin ko eh sana maka hanap ako ng tao'ng tunay na magmamahal sa akin, maalaga, maasikaso, mabait sa lahat ng tao'ng nakikisalamuha niya, hindi maarte, at sobrang mahal ang pamilya niya. Yung tipong parang si Nanay Zeny? Kung ano ang mga nakikita ko sa kanya, yun din ang mga hinahanap ko sa isang babae. Hindi ko naman akalain na mas hihigit pa pala sa pinapanalangin ko ang ibibigay ng Diyos sa akin." At ngumiti siya sa akin. "At wala akong paki-alam kung bakla ka. Ang alam ko, mahal na mahal na mahal kita, okay? Wag ka na nga kasing mag isip ng ganyan." At hinalikan niya ako sa labi.
"I love you mahal ko. Maraming salamat sa lahat lahat at sobrang nagpapasalamat ako sa Diyos dahil binigay ka niya sa akin."
At nag yakapan lang kami sa dressing room hanggang sa mag e-ere na naman ulit kaya nagpa retouch lang ako ng make up sandali at bumalik na sa stage.
——————————————————————
HAPPY VALENTINES DAY PO SA INYO. 🥰😍💐🌷🥀🌻

BINABASA MO ANG
Right Time (Complete)
FanfictionThis is a FanFiction of ViceIon love story. I made this story based on what I know about Vice Ganda and Ion Perez. The story's concept is based on what you see on It's Showtime, Vice Ganda's IG stories, Ion Perez's IG stories, interviews. I just add...