0

377 10 0
                                    

The night was in complete silence... the sea was calm. The wind is blowing peacefully na para bang bumubulong lamang ng mga sikreto sa kanyang tenga. Nababalutan ng milyong bituin ang langit pero hindi iyon nakikita ni Veoncia. Halos bulag siya na siya sa luhang pinipigilan niyang mahulog mula sa mahapdi nang mga mata. Hindi siya magaling magsinungaling pero ngayon, kakayanin niya. Para sa ikabubuti ng binatang nagmamay-ari ng puso niya.

"Why are you doing this?" mababa ang tinig ng isang lalaki.

Nakatingin lamang sa kanya ang binata habang nakatayo silang dalawa sa gilid ng isang bangin sa tabi ng dagat.

"Because I realized that I was just caught up in the idea of a wartime romance," aniya, walang ekspresyon ang mukha kahit pa nagdurugo ang kanyang puso. "It sounded like a movie, and things that happen in movies aren't real."

"I love you." matigas na saad nito. Derecho itong nakatingin sa kanyang mga mata, sa kanyang kaluluwa, na para bang binabasa nito ang laman ng isip niya.

Nagkibit-balikat siya, isang kilos na nagpapahiwatig na wala siyang pakialam. "I thought I loved you." sabi niya. "I'm not gonna lie, I did need you. You were good in bed."

Nagkuyom ito ng palad. Dapat ay natakot siya na baka saktan siya nito pero alam niya, sa puso niya, hinding-hindi siya nito sasaktan. Hinding-hindi nito gagawin sa kanya ang ginagawa niya rito ngayon.

Hindi na iyon kailangan. Dahil sa pagwasak niya sa tiwala nito, sa pagbalewala niya sa pag-ibig nito, nararamdaman niya ang bawat patak ng dugo mula sa pareho nilang basag nang mga puso.

"I'm leaving tomorrow," patuloy niya. "I didn't want to tell you, but I thought it was the right thing to do."

Hindi ito sumagot. Marahas siya nitong tinalikuran. Huminga siya nang malalalim. Kailangan na niyang umalis. Alam niyang kapag nanatili pa siya na kasama ito, magbabago ang kanyang isip. Lalapit siya rito, yayakapin ito at hihingi ng tawad. Sasabihin niya rito na gusto lamang niya itong iligtas sa sumpang humahabol sa kanayng pamilya.

Dahil kung magpatuloy ang relasyon nilang dalawa, magkakatotoo ang nakita ng kanyang Ate Parisiana, na mamamatay si Kenneth na ipinagtatanggol siya.

Inikot niya paalis sa daliri ang suot na singsing na bigay ng nobyo. "I'm giving you your ring back."

"Keep it." marahas nitong saad. "Let it remind you of what you've wasted."

Tumango siya kahit hindi siya nakikita nito, ibinalik sa kanyang daliri ang singsing. Magiging tagapagpaalala niya iyon, oo, pero hindi ng mga bagay na sinayang niya, kundi ng lalaking minahal niya ng lubos.

Goodbye, Kenneth." bulong ni Veoncia bago siya tumalikod at naglakad palayo.

"Eoncia," tawag nito na puno ng paghihinagpis ang tinig. Tumigil siya pero hindi lumingon. "Eoncia, please..." pabulong na nitong saad. Tumulo na ang luha niya at pinigil niya ang paghinga. "Please don't do this."

Hindi siya sumagot. Muli siyang nagsimulang maglakad palayo. Pakiramdam niya ay una na siyang namatay. Pero kung ito ang kapalit ng kaligtasan ni Kenneth, paulit-ulit na papatayin ni Veoncia ang sarili magkaroon lamang ng mahaba at masayang buhay ang lalaking mamahalin niya hanggang sa kamatayan.

Stay With MeWhere stories live. Discover now