2

200 10 1
                                    


Nasa kalagitnaan ng paghahalungkat sa kanilang attic si Ron nang marinig ang doorbell. Nagpunta sa isang supplier ang Ate Paris at Ate Syd niya samantalang nagpaalam si Toia na pupunta sa grocery. Naubusan ito ng powdered sugar na gagamitin sana sa dessert na ginagawa nito para sa welcome home-slash-dinner party nila para sa arkitektong kaibigan nina Ynoh at Rome.

Dahil siya lamang mag-isa sa bahay, napilitan siyang tumakbo pababa kahit pa basa sa pawis at marumi ang kanyang mukha. Magulo na ang kanyang ponytail at nakadikit sa kanyang noo at pisngi ang ilang hibla ng kanyang buhok. Marumi rin ang kanyang tshirt at maalikabok ang kanyang mga kamay at braso. At nang magbukas siya ng pinto, hindi niya napansing hawak niya ang isang basahan at bitbit pala niya ang walis.

Nakatalikod sa gate ang lalaking nag doorbell. Matangkad ito, matipuno ang pangangatawan na halata sa suot nitong puting polo shirt. Malapad ang mga balikat nito. Humarap ang lalaki nang marinig siya at umangat ang isa nitong kamay para hilahin paalis ang suot nitong sunglasses. Ngumiti ito sa kanya.

Hindi niya alam kung bakit huminto ang kanyang puso bago dumagundong. Gwapo ang lalaki, oo, pero hindi naman siya iyong tipo ng babae na ganoon ang nagiging reaksyon sa lalaki kahit pa gwapo.

Pero ngayon, habang nakatulala sa magaganda nitong mga mata, nakadama siya ng init na mabagal na gumapang mula sa kanyang sikmura patungo sa iba pang parte ng kanyang katawan. Mga parte ng katawan niya na hindi niya alam na naroon pala.

Maputi ang binata at matangos ang ilong. Maganda ang hubog ng mga labi nito at mataas ang mga cheekbones. Gusto niyang iangat ang kanyang kamay para idaan ang isa niyang daliri roon. Sa halip, ikinuyon ni Ron ang kanyang mga palad sa handle ng dalang walis.

Itim ang tuwid nitong buhok na maiksi. His eyes were a light shade of brown. Pinagmasdan siya nito at alam niyang namula ang kanyang mga pisngi. Ang dumi-dumi niya. Mukha siyang taong grasa habang mukhang ayos na ayos at mabango ang pinakagwapong estranghero na nakita niya.

Gayunpaman, hindi iyon dahilan para magmukha siyang tanga na nakatitig lang dito. "Ano po yon?" tanong niya na lumapit sa gate.

"Hi." bati ng binata. "Ako si Kentdro Erikson Santos, yong bagong arkitekto ng Europa."

Oh my God!

Ito ang nagdisenyo ng floor plan ng second btanch ng Europa? In fairness, kasing gwapo ito ng talent nito.

Mabagal na ngumiti ang lalaki. Nahalata siguro nito na nakatitig lang siya rito. Napahiya siya at nagbukas ng bibig para magsalita pero naunahan siya nito.

"Nandyan ba ang mga amo mo?"

Nabigla si Ron at mabilis na umangat sa kanyang magulong buhok ang isang kamay bago napansing hawak niya ang basahan. Naipit na rin pala niya sa ilalim ng isang braso ang hawak na walis. Namula siya bago ibinaba ang mga gamit na panlinis sa tabi ng pinto.

"Sorry, marumi ako." sabi niya bago lumabas ng bahay at lumapit sa gate para pagbuksan ito. "Ang totoo, isa ako sa mga amo. I'm Verona, the third sister."

Nagliwanag ang mukha ng lalaki nang pumasok ito ng kanilang bakuran. "Oh! I'm sorry!" bulalas nito bago tumawa. "Pasensya na talaga. Naunahan na naman ako ng bibig ko."

"Okay lang." nahihiya rin niyang sagot. "May hinahanap kasi ako sa attic. Naisip ko nang magwalis doon. I wasn't expecting you to be early."

"Nauna kaso ako kina Rome."

"Halika, pasok ka." aya niya bago ito iginiya patungo sa front door ng kanilang bahay.

"Why don't we do this again?" nakangiti nitong sabi nang makapasok ito ng bahay. "I'm Kentdro Erikson Santos." anito na inabot sa kanya ang isang kamay.

Stay With MeWhere stories live. Discover now